Chapter 24

109 7 0
                                    


Chapter 24

Isang linggo na din ang lumipas mula noong nagkita kami. Hindi na rin ako nabigla nang itanong niya yun. Inaasahan ko na na itatanong niya yun lalo na dahil napatitig talaga siya kay Lily noong una naming pagkikita.

Dakilang assumero din kasi yung Miguel na yun.

Hindi ako ang sumagot sa tanong niya noong gabing yun. Naunahan kasi ako ni Raya.

"Anong anak?! Ghoster ka na nga, assumerong gago ka pa. Hindi! Hindi ikaw ang tatay ni Lily at hindi ako papayag na ikaw! Tara na nga, nasira na tuloy ang gabi ko!"

That's exactly her piece before dragging me towards my car.

Hindi ko inaasahang sabihin yun ni Raya. Okay, I know she's mad at what Miguel did and she has this very strong ang loud aura but I didn't know she would be that rude to him. Kilala ko naman kasi si Raya, she maybe harsh pero namimili naman siya ng tao at dahil si Miguel yun, akala ko magiging pabebe ang lola niyo.

Simula din noon, palagi nang nagpaparamdam si Miguel sa akin. Talagang nangmumulto na. Bigla bigla nalang kasing nagpaparamdam.

Sinubukan pa niyang magpa-schedule ng meeting sa akin pero dahil si Raya ang unang nakakaalam, she would immediately shut him off and always deny their appointments.

Talagang ipinipilit ni Miguel na siya ang ama ng anak ko. I don't want to waste my precious time to him. Gusto niya siguro ng assurance na hindi talaga siya at maibibigay ko lang yun kapag ipinaliwanag ko sa kanya kung ano ang totoong relasyon namin ng mga anak ko. And he is not that important to me now para malaman niya ang sekreto ko.

"Sinong makapal?"

Sabay kaming napalingon ni Raya.

She was still nagging about what Miguel said.

Dumating si Trae na may dalang paper bag na hula ko ay may lamang pagkain. Nakaformal attire pa ang lolo niyo.

"Nako! Ikaw! Kayong mga lalake! Ang kakapal ng mga bulog niyo!"

Napailing nalang ako. Lalo sigurong nasira ang araw ni Raya.

"Ano na naman ang ginawa ko sayo? Hindi ba sumasakit lalamunan mo? Sigaw ka ng sigaw." Umupo si Trae sa bakanteng silya katapat ng kay Raya at inilagay ang pagkain sa mesa. 

It's lunch break kaya nandito si Raya sa loob ng opisina ko. Sabay talaga kaming kumakain maliban nalang kung gusto kong kumain kasama ang mga anak ko.

"Buti at napadalaw ka." Taas kilay kong sabi kay Trae. Halos dalawang linggo na ko na din siyang hindi nakikita.

"Went to Japan, gusto mag-Japan ni buntis. Dalawang araw yung nagkulong sa kwarto dahil gustong pumunta ng Japan. Pinagbigyan ko na tutal may meeting din naman kami doon, napaaga lang."

I'm proud of Trae, actually. Kahit madalas gago, mabuti at responsable namang tatay. He is really good with kids too kaya siguro. Inaalagaan niya ding mabuti ang mag-ina niya. Kahit palagi siyang nagrereklamo, lahat naman ay ginagawa niya para mapasaya si Fatima.

He is always present during doctor's appointments and buys whatever Fatima wants. Nahuli ko pa nga yan one time, nago-online shopping ng damit ng baby nila. They're having a boy kaya mas lalong na-excite ang loko.

"Taray! Buti at nakapagtravel pa? Anim na buwan na din yung buntis ah. Dapat siguro mayaman din ang aasawahin ko para kapag natakam ako ng travel, maibibigay agad ng asawa ko!" Humalukipkip si Raya.

"Asawahin mo si Paolo. Mayaman na din yun. Marami ka nga lang karibal pero maibibigay noon lahat ng pangangailangan mo."

Agad naman ngumiwi si Raya. "Huwag nalang oy! May bestfriend naman akong mayaman. Mangungutang nalang ako." Ngumisi siya sa akin.

First and OnlyWhere stories live. Discover now