Chapter 33

96 5 0
                                    

Chapter 33

"Thank you, architect!" Agad na bati ni Mister Chui.

"That's what I was imagining, Architect Hermosa! You surpassed my expectation. Tama nga si daddy, magaling ka nga talaga." Niyakap ako ng anak niya.

May pagkamaarte ang anak ni Mister Chui, not what I expected her to be. Akala ko mature woman but she's a bit childish and spoiled.

"Thank you for the opportunity, Ma'am." I smiled at her.

"Oh, you can call me Marina. Ang tanda naman pakinggan ng ma'am." Humagikhik siya.

Kakatapos ko lang magpresent ng designs sa kanila at sa awa ng diyos ay nagustuhan naman nila ang mga disenyo ko.

"Marina." Pagtatama ko. "Pasensya na po pala kung nalate ang presentation ng dalawang linggo." I faced Mister Chui who's beside his daughter.

"That's not a problem! Sabi ko naman sayo, you can take your time basta ba matatapos ang project before our company's anniversary."

Marami pa kasing kailangan tapusin lalo na sa interior design at umabot ng tatlong linggo ang pagdisenyo .

I can't wait to see the outcome!" The girl giggled. "Miguel, congrats." Nag-iba ang timpla ng mukha ng anak ni Mister Chui.

"Congratulate me if the project's done, Marina." Pormal na sabi ni Miguel.

"Paano ba yan, mauna na ako at naghihintay ang asawa ko sa bahay. Let's see each other sa groundbreaking." Ani Mister Chui. "Huwag kang masyadong magtagal, Marina."

"Yes, daddy!" Hinalikan pa neto ang ama bago yun umalis.

"Mauna na ako, architect." Napalingon ako sa interior designer ko. I smiled at her and nodded. "Ingat ka po. Miss Raya, ingat din po kayo." She waved at us before going out the conference room.

"Uhm, Miguel, are you free tonight? Dinner naman tayo... My treat! Matagal na din tayong hindi nagcatch up. Namiss kita."

Napangiwi ako sa tono ng boses ni Marina. Apaka-landi na nakakarindi. Punyeta ang conyo pa. Pangit pakinggan.

"I'm sorry, Marina but I'm not free." Sagot naman ni Miguel.

Dapat lang! Sigaw ng utak ko.

Sipain ko siya sa puson kapag pumayag siyang makipag-dinner sa pabebeng yan.

"Oh come on! Saglit lang naman eh. It's been so long since we talked. Ilang taon na din at hindi ka pa rin nagbaba–" I cut their talk.

"I'll go now. Bye, Marina. Engineer Dela Cuesta." Malamig kong saad at kinuha na ang mga gamit ko't lumabas doon.

"Ay hindi ko bet yun Marina ah." Rinig kong sabi ni Raya. "Apaka epal, at ang mga haplos! Masyadong tsansing kay papa Miguel!"

"Tumahimik ka diyan, baka may makarinig sayo." I pressed the elevator's button.

"Eh sa totoo naman e. Diba alam naman ng lahat na kasal na yun si Miguel? Talaga lang ah, ready maging kabit?" Napangiwi ako.

Bumukas ang elevator at buti nalang walang tao doon kaya kami lang ni Raya but before it closes, someone ran to get in and it was Miguel.

"Let's have dinner?" Tanong niya sa akin.

Napalingon ako kay Raya at nakita ko kung paano ito ngumiti, kinikilig.

"Akala ko ba you're not free? Tinanggihan mo pa si Marina." Walang kagana-gana kong sabi.

"Sayo lang ako free palagi." He winked at me.

Hindi ko maiwasang mamula.

"Yun oh." Humagikhik naman si Raya. "Pwede daw Miguel basta ba kasama ako!" Hirit pa ng babaita.

First and OnlyWhere stories live. Discover now