CHAPTER 1

447 11 0
                                    

[sorry for the misspelled words and grammatical errors]

DEXIE'S POV

Sinag ng araw ang gumising sa akin, tumayo na ako kahit inaantok pa ako ng tingnan ko ang oras jusko late na naman ako dali dali na akong nag ayos para pumunta sa trabaho. Sa kalagitnaan ng aking pagligo.....

"shet! Yung presentation ko kay Sir Diego di pa tapos!" sabi ko habang nagmamadali maligo.

Makalipas ang kalahating oras....

"putek ngayon pa ba mawawalan ng sasakyan!!!" asik ko sa kalawakan.

Sa wakas sa kalahating oras kong paghihintay may tumigil sa aking harapan na isang taxi.

"ms. sakay po kayo?" ani ng taxi driver

"opo kuya dun lang po sa may Strata" saad ko bago sumakay sa taxi.

Pero nagulat ako ng biglang may pumasok sa taxi na nagmamadaling lalake na matangkad, moreno, at infairness pogi sya (ANG HAROT DEXIE HA HHAHAHAHHA)

"kuya excuse me ako po yung nauna! " sabi ko sabay tingin sa relo ko.
"wala akong pake, manong tara na po" saad ng lalaki na tila wala talagang pakealam.

DEXIE'S POV
Tumalikod ako sa kanya kasi baka kung ano magawa ko dito sa inis, nung pagkaharap ko umandar na yung taxi.

"hoy kuya ihinto mo, ako nauna malalate na ako sa trabaho ko" saad ko habang kinakatok ang bintana ng taxi.

Nang tuluyang umalis ang taxi sakay sakay yung lalaki agad akong sumigaw..
"hoy kuya! Ako nauna dyan hoy bumalik ka dito"
sigaw ko habang papaalis ang taxi.

Nagpasya ako na sumakay na lang ng jeep kasi wala na akong magagawa baka pumuti lang ang aking mata kakahintay ng sasakyan pero ng patawid na ako biglang may humarurot na jeep sa unahan ko muntik na akong mabangga kaya...

"hoy! Muntik mo na akong mabangga!!" asik ko sa jeep driver habang binabato ko sya ng sapatos ko.

DEXIE'S POV
Sa wakas nakarating din pero nakakainis yung lalaking yun ha. Ano porket pogi sya akala nya pagbibigyan ko sya isang malaking NO. Remember di na ako marupok. (weh?!!!)

" oyy dexie ok ka lang ba mamsh? Agang aga G na G ka? hahaha" saad ni alex habang natatawa pa.

"ako na ata pinakamalas ngayong araw putek! At alam mo ba nakakainis yung lalake kanina ako yung nauna sa taxi eh late tuloy ako tss!!" saad ko na iritang irita na sa lahat ng nangyari.

"pogi ba yung boy?" saad ni alex na tila interasado.

"che!tumigil ka nga dyan!" ani ko habang nagaayos para sa presentation.

"ito tinatanong lang naman kung pogi eh!" ani nya habang natawa.

DEXIE'S POV
Sya nga pala si Alex Trinidad kaibigan ko na medyo bully at parehas kaming may crush kay Sir Diego.Sya kasi yung ideal man ko pogi, moreno at masipag na may pagkasuplado.

Pagkatapos ng usapan namin ni Alex biglang dumating si Sir Diego. At yun ang dahilan ng paglamig ng ulo ko at nung makita ko sya natulala ako di ko namalayan na...

"Miss Magboo ready ka na ba sa presentation for Tranquila Resort and We have a new Manager" Saad ni Sir Diego sa akin.

Hindi ko namalayan na may sinasabi pala sya natulala kasi ako sa kagwapuhan nya at sa boses nyang napakaswabe pakinggan.

"Ms.Magboo? Ms.Magboo are you okay?"
Ani ni Sir Diego na may pagtataka.

"A-Ahm Ye-Yes S-Sir im ready na po" saad ko habang nabubulol pa.

JAKE'S POV
Nandito ako ngayon sa isang coffee shop para imeet ang kaisa isang may ari ng Tranquila Resort. Medyo maaga ako ng 1 hour para makapagme time ako kahit sandali.

DEXIE'S POV
So natapos na ang presentation ko at pagod na pagod ako na tila parang lantang gulay pero kailangan ko maging malakas kasi may trabaho pa ako sa coffee shop. Pagkatapos nun pumunta na ako sa coffee shop kasi yun ang part time job ko kasi sobrang nangangailangan ako ng pera para sa lolo at lola ko sa batangas.

"COFFEE SHOP"

"Order of Mr. Gemperle" saad ng kasamahan ko

DEXIE'S POV

Pero wala pa ring pumupunta sa counter kaya ako na lang sana magdadala. Kinuha ko na ang order pero pagkaharap ko nadali ako ng isang lalaki.

"Sorry, sorry sir di ko po sinasadya" saad ko na habang nagpapaliwanag at nagmamakaawa

"shit! Yung damit ko!" saad niya habang pinupunasan ang damit nya.

JAKE'S POV
Papunta na ako sa counter para kunin ang order namin ni Sir Diego bago magsimula ang meeting at bigla akong nadali ng isang babaeng crew ng coffee shop.

"Sorry, sorry sir di ko po sinasadya" saad nya na habang nagpapaliwanag at nagmamakaawa

"shit! Yung damit ko!" saad ko habang pinupunasan ang aking damit.

Pagkatingn ko sa kanya....

"ikaw na naman?!!" saad nya na nakakunot ang noo.

At biglang dumating si Sir Diego....

"Anong nangyayari dito Jake? Ani ni Sir Diego.

Napaharap ako bigla kasi pamilyar yung boses na narinig ko.

"S-Sir D-Diego?? Ano po ginagawa nyo dito??" Tanong ko na may pagtataka dahil sa nakita.

"Sir alis po muna ako magpapalit lang po ako ng damit" saad ni Jake ng biglang tumunog yung phone nya.

"Hello" - Jake
"Babe"
"Hello Babe bat ka napatawag?" - Jake

-----------------------------------------------------------
May girlfriend si Jake?
Magagalit kaya si Sir Diego kay Dexie?
Sino kaya ang magiging bagong Manager ng Tranquila Resort?

Abangan ang update ko sa susunod🧡thank you for reading lovelots❣️godbless💫

DESTINY'S WAYWhere stories live. Discover now