Chapter 7

717 47 16
                                    


[] Sua Asher Figueroa


Kinabukasan ay sabay kaming nag-agahan ni Carter. Kaming dalawa lang ang andito sa malaking hapag nila dahil nga masama ang pakiramdam ng Reyna. Ang hari naman ay doon na lang balak kumain para sabayan ang Reyna ng agahan.

Carter is still sulking.

Ramdam ko. Ako dapat itong magtatampo dahil sa ginawa niya sa akin kahapon pero ako pa itong naging masama.

"Tampo ka?" Nakangusong tanong ko sa kanya.

He glanced at me pero kaagad din niyang inalis ang tingin sa akin at nag focus na lang pagkain.

Sarap niyang batuhin ng tinidor kainis!

Anong karapatan niyang magtampo sa akin? Ang kapal talaga.

I sighed. "Kapag hindi sasagot aalis ako kasama si Charles." I said as I glanced at him again. Kunot noo itong tumingin sa akin.

"Gagalitin mo talaga ako Sua?" Banta niya.

I narrowed my brows on him.

"Ikaw kasi! Hindi namamansin. Ni hindi ka nga humingi ng sorry sa akin kagabi tapos ikaw pa itong nagtatampo." Ani ko dito.

Carter sighed at huminto naman siya sa pagkain.

"Fine, I'm sorry okay? But next time make sure to bring your phone with you kapag aalis tayo. Para matawagan mo ako kaagad hindi iyong kung kani kanino ka na lang nanghihingi ng tulong. I Am your Alpha Sua. Responsibilidad din kita." Mahaba niyang ani sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko at biglang uminit ang pisngi ko dahil sa mga sinasabi niya.

Tangina talaga ng lalaking ito. Hindi ba niya alam kung ano ang epekto ng mga pinagsasabi niya sa akin?

Kinalma ko naman ang sarili. Inhale exhale.

Bumaling ulit ako kay Carter at ngumiti ng matamis. "Masusunod po, mahal kong Prinsipe." Sagot ko dito. But deep inside me double meaning iyon.

Dahil mahal ko talaga.

Mahal kong Prinsipe

"Good." Carter replied and after that he continued eating his food.

Napabusangot naman ako when I saw him smiled when his phone suddenly beep. Alam ko naman kung sino iyang katext niya ng ganito kaagad at kung bakit ganoon na lang laki ang mga ngiti niya sa labi.

He's Girlfriend.

Umiwas na lang ako ng tingin at napalunok sa sarili kong laway. Kani kanina lang kinikilig pa ako pero sa isang iglap biglang nawala ang pakiramdam na iyon at basta na lang sumukip ang dibdib ko.

Hay, buhay. Ang hirap naman mag mahal ng patago.

Habang nasa kusina ako at naghuhugas ng plato ay kung saan saan na lang lumipad ang isip ko. Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong nakatulala.

"Jusko, Sua naman!" May kataasang tawag ni nanay Susan sa pangalan. Napahiyaw naman ako sa gulat.

"Nay naman eh papatayin mo yata ako sa gulat eh. Virgin pa po ako." Mabilisang ani ko dito habang hawak hawak ko ang aking dibdib.

Napailing na lang si Nanay Susan sa akin. "Batang to, kung anu-ano na lang talaga lumalabas dyan sa bibig mo. Ayan oh malapit na mapuno ng tubig ng lababo mo. Limang plato lang naman yang hinuhugasan mo para ka nang aabutin ng isang taon dyan." Sermon ng matanda sa akin.

Napakamot nalang ako sa aking ulo at napangiti sa mga pinaggagawa ko. Mabilis ko namang tinapos ang paghuhugas at pagkatapos ay hinahanap ko na si Carter.

Napatingin naman ako sa relos ko. Malapit nang ma aalas dyes ng umaga. I;m sure paparating na rin iyong Royal Teacher ni Carter.

Nakita ko naman si Carter sa hardin habang ka video call ang jowa niya.

Tumikhim ako mula sa kanyang likuran at napalingon naman siya sa akin.

"Sua! Hinahanap ka ni Miya gusto raw niya humingi ng pasensya dahil sa nangyari kahapon." Carter said. Iniharap naman niya ang camera sa kin at tumambad sa akin ang mukha ni Miya. Napakagandang dalaga.

"Hi Sua, I'm really sorry about yesterday. Carter told me you were lost." May pag-alalang ani ni Miya sa akin.

Ngumiti naman ako. "Wala 'yon Miya. Dumating naman ang super hero ko." I said sabay. Nakita ko naman na napaismid si Carter sa sinabi ko.

"Mabuti naman kung ganun, pasensya ka na talaga ah."

"Ayos lang. Wala 'yon."

Binalik ko naman kay Carter ang cellphone matapos naming mag-usap ni Miya. After a few minutes ay nag paalam na rin si Carter sa jowa niya at pinatay ang tawag.

"Tss, super hero daw." Inig na ani ni Carter sa akin.

Napangiti naman ako ng palihim. Sarap talaga niyang inisin gamit ang pinsan niya. Hindi ko talaga alam kung bakit ang init-init ng dugo niya kay Charles mabait naman iyong tao.

"Pake mo. Tara na nga baka nandon na si Teacher Jang." Tanging sambit ko.


**

Wala naman masyadong ganap sa pag aaral namin. Natapos naman kami ng matiwasay. Si Carter ay hindi pa rin maayos ang pakikitungo niya sa akin.

Pagkatapos ng private lesson namin ni Teacher ay nagpunta kaagad ako sa aking silid para magpahinga sa na. Pero kahit anong gawin kong ipikit ang aking mga mata ay hindi ako makatulog.

Kaya napaisip na lang ako na pumunta sa silid ni Carter. I'm sure gising pa naman siya.

Pagkarating ko sa tapat ng kanyang silid ay nakita kong nakaawang ang pinto niya ng kaunti. Napailing nalang ako, akmang papasok na sana ako ng marining ko ang boses.

"Miya, Sua is just my Beta. What makes you think na higit pa doon ang tingin ko sa kanya? Wag ka nang magselos. Hinding hindi ako makakagusto sa isang t-tulad niya." Carter said. 

Nanigas ako mula sa aking kinatatayuan. Ang sakit pala na marinig ang mga katagang ito mula sa taong mahal mo.

Alam ko naman 'yon eh. Alam ko naman na kahit kailan ay hindi siya magkakagusto sa akin. Pero bakit ang sakit?

Dapat talaga noon pa pinigilan ko na ang sarili ko. Dapat talaga noon pa alam ko na kung hanggang saan lang dapat ako.

Hindi ko na tinuloy ang pagpasok sa loob ni ng silid ni Carter, sa halip ay isinara ko na lang ang pintuan ng kanyang silid at umalis na. Baka may marining pa akong hindi ko magugustuhan mula sa kanya.

At simula sa araw na ito ay naging mailap na ako kay Carter. Nandoon pa rin ang normal na trato ko sa kanya para hindi niya mahalata na dumi distansya na ako. Nagsusungitan pa naman kami pero hindi na gaya ng dati. Parang naging awkward na ako sa kanya minsan sa biruan namin.

Alam ko naman na napapansin niya din 'yon pero mas pinili niya lang din manahimik.

Hanggang sa lumipas na ang ilang taon. Mas naging mature na ang itsura ni Carter at mas naging gwapo ito. Pero kahit sa paglipas ng mga taong iyon, siya pa rin ang laman ng puso ko.

Mahal na mahal ko pa rin siya. 

_____________________________

Happy reading, enjoy! 

Comment and vote na rin kayo hehehe. 

Omegaverse Series 3: Let me go, AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon