Mission

127 6 0
                                    


Heavenly Mae pov

Nandito kami ngayon sa headmasters office dahil may mission daw kaming royalties agent.

"Your mission is same as before hahanap kayo ng mga sangkap sa potion na pwedeng magpagising kay Goddess Seleane at kay King Zelard. Sa ngayon ang tinitignan naming pwedeng maging sangkap ay ang buhok ni Goddess Athena sa fire cave, fairy dust sa magical city, fairy wings, buhok ng reyna ng mga unicorn, apoy ng pinaka matandang dragon na si Jared, at ang magic potion ng mga sirena sa mako ocean yun lang ang mga potion na kaylangan natin ngayon and wish na magising na sila" pagpapaliwanag ni Grey. So it means hindi pa patay sila mom and dad it means all this time tulog lang sila. Ans so it means may chance pa na mabuhay ko sila.

"Yeah hindi pa nga sila patay they are sleeping sa fire kingdom at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagigising at ang sabi ng mga manggagamot hindi daw yun magagamot ng kahit anong potion pero sinusubukan pa rin namin baka kasi sakaling gumana pero wala ang sabi pa nila ang prinsesa lang daw ang makakagising sa hari ay reyna ng moon kingdom"  paliwanag nmn ni Kyle.

"Kelan ang start ng mission?" Tanong ni Airon.

"Tommorow 4:47 meating place gate" sagot ni HM.

Lumabas na kami sa office ni HM at dumeretso na sa dorm nagayos na rin kami ng mga gamit na dadalhin namin sa mission. Ang dinala ko lang ay earphone ko, hoodie jacket at ilang mga damit dahil baka matagalan kami duon.

At dahil gabi na rin ay natulog na ko ng maaga para maaga na rin akong magising bukas.

Nagising ako ng 3 am napaka aga pa kaya pinili5 kong maka tulog pero hindi talaga ko makatulog kaya pumunta na ko sa cr at naligo sinuot ko rin ang hoodie jacket ko at naka fitted jeans then robber shoes. May extra kong nga damit sa back pack na dala ko. Matapos kong maligo naghanap ako ng panyo at itinali sa kanang pulsuhan ko kung saan naka lagay ang bracelet ko. Lumabas na ako hindi pa rin sila gising kaya lumabas na lang ako at nauna na sa gate. Tsk ganon pa rin ang panahon nagnyenyebe umakyat ako sa isang puno at duon naupo. At dahil nga hindi talaga ko makatulog pinagmasadan ko na lang ang mga nyebe na bumabagsak mula sa langit at sinuot ang earphone ko.

Maya-maya pa ay nakita ko na silang lahat kasama si Grey.

"Bakit wala pa si Mae nakita nyo ba sya?" Tanong ni Grey.

"Wala sya sa dorm eh" sagot nmn ni Aira.

Bumaba na ako sa puno at saka kinuha ang back pack ko na sinabit ko lang sa isang sanga.

"Andyan ka lang pala" singit ni Airon.

"Tsk" mikli kong sagot.

"Sige magsimula na kayo" singit ni Grey at gumawa ng portal.

Pumasok na kami duon at bumungad saamin ang usang gubat maraming puno. Syempre gunat nga eh.

"Ano uunahin natin?" Tanong ni Axis.

"Athena" malamig na sagot ni Kief at nagsimula ng maglakad.

"Paalala nga pala ni Grey wag daw tayo gagamit ng kapangyarihan natin pati na rin daw ang ability natin dahil marami daw ditong nakapalibot na fire snake at marami pang iba" paalala ni Kyle.

Heaven UniverstyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora