Train The Royalties

88 4 0
                                    

Heavenly Mae pov

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang mangyari iyo kay Acer at ni hindi ko maharap lang man ang pamilya nya kasi dahil sakin walang malay ai Acer. Sa ilang linggo ring iyon natrain ko na sila Lilia at Liam. Si Liam naka pasok sya sa royalties section kaya magkaklase kami at dahil daw tinulungan ko sya sa training kahit daw hindi ko na daw sya buttler ay kahit daw anong iutos ko ay gagawin nya pero bihira lang naman akong magustos sa kanya dahil alam kong busy rin sya sa pagaaral at sa ibang bagay. Si Lilia naman marami na rin syang natutunan kahit na mahirap syang turuan kada isang linggo may tatlong skill syang natututunan at ngayon mas magaling na sya maski sa pakikipaglaban pero hindi ko pa sya tinitrain sa physical strenght baka kasi mabigla sya.

"Mae pinapatawag ka raw ni Grey" saad ni Aira. Nandito kami sa loob ng dorm at kakapapasok lang nila Aira at Leo.

Hindi na ko sumagot at tumeretso na lang kay Grey. Binuksan ko ng hindi lang man kumakatok ang pintuan. Hindi naman siguro kaylangan pang kumatok diba pinatawag nya so asahan nya ko.

"Oh Mae ikaw na pala yan" bungad nya.

"Maupo ka muna" he said while pointing the sofa neer to me. Hindi ko na iyon tinanggihan dahil tinatamad akong tumayo ngayon.

"Two years bago daw magising si Acer at wala ring paplit na trainer ang mga royalties kaya ikaw na ang magtuturo sa kanila dahil ikaw lang ang nakapasa sa mga training ni Acer" pagsisimula nya.

"K" sagot ko.

"At eto nga pala, bigay yan ng pamilya ni Acer ang sabi nila ibigay daw sayo yan dahil ang bilin daw ni Acer ay ibigay sayo yan kapag may nangyaring masama sa kanya o ano man" saad ni Grey sabay abot saakin ng dalawang envelope.

"Mauna na ko" saad ko matapos kuhanin ang dalawang envelope.

Hindi muna ko dumeretso sa dorm sigurado kong magtatanong kaagad yun. Nagpunta ako rito sa rooftop kung saan natagpuan  si Acer. Umupo ako sa batong harang dito sa rooftop saka binuksan ang envelope ns kulay dark blue.

Mahal na dyosa, alam kong sa oras na may mangyaring masama saakin sisisihin mo ang sarili mo pero wag ka mag alala mahal na dyosa ako ang may gusto nito ang protektahan ka gaya ng pag protekta ng iyong ina sa amin nung gising pa sya wag ka mawawalan ng pag asa mahal na dyosa. Masaya rin akong makilala ka mahal na dyosa kahit na minsan makulit ka hindi ako nahirapan na turuan ka. Magiingat ka palagi mahal na dyosa at nasisigurado ko na sa pagbalik ko wala na ang kadiliman na lumalaganap ngayon sa mundo natin at nasisiguro ko rin na ikaw ang makakatalo sa kanila mahal na dyosa maraming salamat Mae.

Acer  your trainer and also your best freind.                

Yan ang eksaktong naka sulat sa papel. Binuksan ko naman ang isa ng envelope na kulay dark violet.

Mahal na dyosa, maari bang humingi ako ng pabor kung pwede lang naman. Ikaw na po na ang bahala sa pamilya ko protektahan nyo po sila mahal na dyosa at ang royalties po sana po ay hindi kayo magsawa sa kanila at gusto ko sanang ikaw na ang mag traing sa kanila alam kong mapapasunod mo sila dahil simula ng dumating ka takot na sila sayo lalo na ng nilabas mo ang aura mo tinanong pa nga nila ako kung bakit daw ganon pero syempre hindi ako nagsalita ng kahit ano pa man na makakapagpahamak sa iyo mahal na dyosa. Nabalitaan ko rin ang ginawa nyo para mapaamin ang mga royalties tungkol sa nararamdaman nila. Ikaw lang ang nakagawa nun mahal na dyosa mga torpe kasi yan pero magingat ka mahal na dyosa baka mamaya may nahuhulog na sayo 😂😂 alam ko na kung sino yun pero ikaw na bahala maka alam.

Heaven UniverstyWhere stories live. Discover now