3

6 0 1
                                    

"Salamat, Manong." Pasalamat ko bago binuksan ang pinto. Tiningala ko ang harapan ng University. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang logo ng UP. Tumama ang pang-umagang sinag ng araw sa mata kong itim. Inanggulo ko ang mukha ko upang hindi masilaw at hinayaan ang gilid ng mukha na tamaan ng araw. Dama ko ang pagsayaw ng buhok ko na hanggang siko.

Pinikit ko ang mata ko at dinama ng mapayapa ang pagsipol ng hangin at pag-init ng araw.

Summer na.

Wala akong masyadong matandaan sa mga nagdaang araw. Ang alam ko lang ay natulog ako at nagising akong kinakalabog ang pintuan ko. Putol-putol ang alaala ko sa mga sumunod na araw. Mayroong pinipilit akong pakainin ni Manang, inaalalayan akong pumasok sa banyo, hinihimas ang buhok ko at kinakausap ako. Dumaan ang isang buwan na puro tulog at kain lang ang ginawa ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Sa mga panahong tulog at kain lang ang ginawa ko ay wala akong naramdaman kung hindi pagod. Tuwing pikit ang mata ko ay hindi ko na ito magawang imulat pa. Sa isip ko ay pinamumulat ko ang mata ko, ngunit ayaw sumunod ng aking mga mata.

Hanggang sa kahapon ay biglang tumunog ang alarm ng phone ko. Alas singko na.

Kumunot ang noo ko nang makita ang date. Ikalawang araw na ng abril at puno ng Missed calls at texts ng kambal at  ni Adie ang phone ko.

Sumagot ka, Maya!

Hindi na nakakatuwa...

Maya...

Tangina, girl. Anong nangyari sa'yo?

Exam na!

Late ka na.

Hoy?!

Maaiayaja Alicia Viñejas!

Address mo, ano?

Bumuntong hininga ako at Isa-isang nag-reply sa kanila. Naligo ako at bumaba sa hapag-kainan. Nadatnan ko si Manang na nagpapamasahe kay Ate Mila.

"Manang ..." Agaw pansin ko sa kanya. Napalingon sa gawi ko si Manang. Natigilan s'ya at napanganga saglit bago nagkukumahog na tumakbo papunta sa pwesto ko, " Jusko! Bata ka, anong nararamdaman mo? Ayos ka na ba?" Sunod-sunod n'yang tanong.

Ngumiti ako ng tipid at tumango, "May pagkain po ba?" Hinawakan saglit ni Manang ang mukha ko at naluluhang tumango, " Mayroon, anak..." Tinalikuran n'ya ako at aligagang nag-utos sa katulong na pag-hainan ako ng makakain.

Umupo ako sa mahabang dining table at humalumbaba. Nilibot ko ang tingin ko sa lamesa at pinagtangis ang ngipin ko nang ni isang alaala na kumain kami ng sabay rito ay walang pumasok sa isip ko.

Ang sakit.

Pati alaala pinagkait sa akin ng mundong ito. I don't even have something to reminisce about. I sighed and waited for my food to be served.

Habang ngumunguya ay tumayo sa gilid ko si Manang. Tumingala ako, "Kain po..."

Ngumiti lamang s'ya at umiling, "Mamaya pa kami, Maya. Kumain ka nang marami riyan." Tumikhin s'ya, "Tumawag nga pala yung ano... School mo at tinanong kung bakit ka hindi nag-take ng exam at absent ng isang buwan."

Tumango ako, "May sinabi po ba kung paano ako makakahabol sa mga pagkukulang ko?" I asked lackadaisically, discreetly giving two meaning on my question in which Manang didn't notice.

"Oo, anak! Sinabi ko na may sakit ka at handa silang bigyan ka ng pagkakataon na mag-take ng exam ngunit mas mahirap daw kaysa sa sinagutan ng mga kaklase mo." Mahaba n'yang paliwanag.

To HealWhere stories live. Discover now