Chapter. 11

74 24 0
                                    

Belle POV

Minulat ko na ang mata ko para makapag-luto ng agahan namin.

Nakita ko si Raf na mahimbing natutulog. Tumagilid naman ako para pagmasdan siya.

Ang gwapo.

Napakagat naman ako ng labi.

Ilang segundo ko tiningnan ang kanyang mukha na pagdesisyon na maglinis ng katawan bago magluto. Nagdala ako ng damit sa C. R para doon na mag-bihis.

Mahirap na baka kapag dito ako mag-bihis makita niya pa ang katawan ko.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina at hinanda ang mga recipe.

"Ma'am" gulat na sabi ng isang katulong

Ngumiti ako sa kanya.

"Kami na po ang mag-luluto" sabi niya

Dumating na rin ang iba pang mga katulong.

"Hindi na, gusto ko magluto para sa asawa ko" ngiting sabi ko

"Pero Ma'am"

"Please" sabi ko

"Gawain po kasi namin Ma'am ang pag-silbihan kayo" sabi ng isa pang katulong

"Tulungan niyo na lang ako" sabi ko

"Tulungan niyo na lang si Ma'am magluto" sabi ng isang matandang babae

Pumunta na sa tabi ko ang dalawang katulong.

"Ako si Manang Lucile, ang pinaka matagal na naninilbihan sa mga Santos" pakilala ng matanda sa 'kin

"Si Tasha po ang nasa kanan ninyo, Ma'am"

"Si Mela naman ang nasa kaliwa"

Ngumiti naman sina Tasha at Mela sa 'kin.

"Ako si Belle Aries..Santos" pakilala ko

"Kinagagalak mo namin kayong makilala Ma'am" ngiting sabi ni Manang Lucile

"Mauna na po ako Ma'am, mag lilinis pa po ako sa garden" paalam ni Manang Lucile

"Sige po Manang Lucile"

Lumakad na palayo si Manang Lucile habang kami ay nagsimula na magluto.

Laking pasalamat ko ay natapos na rin kami sa pagluto at nakahanda na rin sa lamesa.

Sakto ang pagdating ni Raf.

"Good morning, Asawa ko" ngiting sabi ko

"Good morning" sabi niya

Umupo na si Raf sa silya at nagsimula na kumain.

"Tatayo ka lang ba diyan?" Tanong ni Raf sa 'kin

Ang sungit naman nito.

Umupo na ako sa tabi niya at nagsimula na rin kumain.

"Sino ang nagluto? Bakit ganito ang lasa?" Tanong ni Raf

Bakit hindi ba masarap?

"Hindi ba masarap?" Tanong ko kay Raf

Hindi sinagot ni Raf ang tanong ko.

Tumayo naman ako at aakmang kukunin ang plato niya, na hawakin ni Raf ang plato niya.

"Ipagluluto ulit kita kung ayaw mo ang lasa" sabi ko

A Simple Girl Like a FlowerWhere stories live. Discover now