CHAPTER 4

32 16 2
                                    

"Sure ka? Dito na yun?" tanong ni Erin kay Ronan habang tinitignan ang cafe na nasa harapan namin ngayon. Kararating lang namin dito at hindi pa kami pumapasok dahil medyo marami pang customers ngayong hapon ang nasa loob. Dahil na rin siguro dismissal hour ng mga estudyante kaya marami-rami ang tao. Puro kasi mga naka-school uniform ang nakikita kong bumibili. Malapit din daw kasi itong cafe sa mga eskwelahan kaya karamihan talaga puro estudyante ang bumibili.

"Sabi sa address na binigay nung tropa ko dito raw yun" sagot ni Ronan habang salitan niyang tinitignan ang cellphone, kung saan nakalagay ang address na binigay sa kaniya, at ang cafe.

"Grinders Cafe" pabulong kong basa sa pangalan ng cafe na bawat kulay puting letra ay nakadikit sa pader na kung saan umiilaw ito tuwing gabi. Combination ng kulay gray, brown, yellow and white ang buong cafe na ito. Puro salamin din ang buong cafe kaya makikita mo ang nasa loob.

Hindi ko makita ang in-charge sa cafe ngayon dahil natatakpan ito ng mga customers sa loob. Sana nandiyan pa yung may-ari, sayang naman ang punta namin kung sakaling wala na siya. Hihintayin nalang muna naming kumonti ang customers bago kami pumasok.

Naghintay pa kami ng ilan pang minuto bago napagdesisyunang pumasok na sa loob tutal wala naman ng umo-order at yung ibang customers na nasa loob at nasa labas sa may gilid ng cafe ay nasa kani-kanilang mga upuan at busy sa kani-kanilang ginagawa. May mga upuan din kasi sa labas bandang gilid sa gawing kaliwa kapag nakatapat ka sa pinto papasok ng cafe kaya medyo marami ring customer ang pwedeng um-occupy. May parang railings pa ito para malamang sakop talaga iyon ng cafe at hindi basta bastang tambayan lang.

Nang makarating na kami sa tapat ng pinto ay bubuksan ko na sana ito nang makita ko ang mukha ng taong nasa counter.

"Shit" mahinang bulong ko nang nanlalaki ang dalawang mata sa gulat habang nakatingin sa lalaking nasa counter. It's been a years, 7 years to be exact at ngayon ko na lang ulit siya nakita matapos ang pangyayaring iyon. Nakikilala niya pa kaya ako o naaalala man lang? Sana hindi.

Naglalakad ako ngayon dito sa school ground papuntang school gate para makauwi na. Katatapos lang ng last subject namin ngayong araw kaya naman diretso uwi na 'ko.

Wala kaming lakad ng mga kaibigan ko ngayon dahil may sari-sarili silang pinagkakaabalahan kaya hindi rin kami magkakasabay uuwi ngayon.

Nang makarating sa gate, nag-tap lang ako ng ID ko at dumiretso na palabas.

Nakayuko akong naglalakad habang sinisipa ang maliit na bato papunta sa tawiran kung saan ako maghihintay at sasakay ng jeep pauwi nang may humarang sa daraanan ko. Humakbang ako pakaliwa para sana iwasan kung sino man 'to ngunit humakbang din siya pakaliwa. Nang humakbang naman ako pakanan ay ganoon rin ang ginawa niya kaya naman tinaas ko na ang ulo ko mula sa pagkakayuko para makita kung sinong abno ang nasa harapan ko.

Napakunot ang noo ko nang makita na naman siya. Ano na namang trip nito sa buhay at ako na naman ang pinagdidiskitahan?

Akmang talilikuran ko na siya nang hawakan niya ang kaliwang braso ko para pigilan ako sa pag-alis.

"Avriel naman. Wala na ba talaga 'kong pag-asa sayo?" nanlulumong tanong niya sa'kin habang nakakapit ang kamay sa braso ko.

Ano ba naman 'to hindi madala-dala. Ang tibay mo ah.

Inalis ko ang braso ko sa pagkakahawak niya tsaka siya hinarap.

"Ilang beses mo ba gustong ma-reject Jonas?" mahinahon ngunit seryosong tanong ko sa kaniya pagkaharap ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo 'kong bigyan ng chance? Ano bang mali sakin? Sabihin mo" desidido talagang tanong niya.

Napakakulit. Nakakabwiset.

After You (On-Going)Where stories live. Discover now