Chapter 14

3.4K 86 19
                                    

Tunay nga sa salita ni Lola Leticia at wala talaga sya sa bahay ng isang linggo. Si Ethan nama'y tinutupad lamang ang hiling ng kanyang Lola. Halos araw-arawin na nya ako kung hindi lang nya naalala na sobrang sakit na ng gitna ko.

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman na parang hinahalukay ang tiyan ko. Mabilis akong tumungo sa banyo ng kwarto at isinuka ang hangin at tubig na lumalabas sa bibig ko. Nakakapanghina ang pakiramdam na 'yon kaya napasalampak ako sa sahig.

"Are you okay?" Tanong ni Ethan.

Itinaas ko ang paningin ko sa kanya at nakita ko ang nag-aalala nyang tingin. Magulo pa ang buhok nya at halatang kagigising lang marahil ay naistorbo ko sya sa pagkakahimbing.

Lumapat ang mainit nyang kamay sa aking likod at hinagod iyon. Sinikop din nya ang aking buhok dahil nakakabagabag nga naman ang pagkaharang nito sa aking mukha.

"You should get check,"

Eto na naman sya sa kaka-ingles nya. Di na ako natutuwa!

"Tagalog Ethan, 'di kita maintindihan." Mahinahon kong sambit.

Tumayo na ako sa pagkakasalampak at tumungo sa lababo upang magmumog. Nanghihina man ngunit tinulungan naman ako ni Ethan upang hindi ako lumunday kung sakali man.

"Parehas naman tayo ng kinain kagabi pero bakit ka nagsuka?" Tanong nya.

Tinaasan ko sya ng kilay, "Etits mo kinain ko kagabi paanong parehas?"

Tumaas ang sulok ng labi nya at bahagyang napatungo upang tumawa. Nangungunot ang noo ko syang tinignan dahil sa pagtawa nya.

"Wag ka tumawa naiirita ako sayo!" Naiinis kong sambit.

Natutop ng bibig nya at nagpigil na lamang ng tawa. Lumapit sya sa akin at hinalikan ang noo ko. "Tara na breakfast na tayo,"

Naglakad na kami papunta sa kusina habang nag-uusap.

"Anong klaseng breakfast?" Tinignan nya ako at tinaasan ng kilay. Nahinto ako panandalian dahil sa ganda ng awra nya sa ganoong lagay. Huminga ako ng malalim, "Wasak na wasak na ako Ethan pagpahingahin mo naman ako. Isang linggo mo ba naman akong inilibot sa buong bahay nyo. Kabisado ko na ata lahat ng turispat dito." Sabi ko.

Napahinto sya banda sa tapat ng hagdan kaya huminto rin ako.

"Turispat?"

"Turispat. Kagaya ng kusina, banyo, sala nyo, sa kwarto pati nga dito sa hagdan na ito hindi mo pinatawad. Buti nga pinatawad mo na iyong sa tabi ng dagat!" Sabi ko.

Humalakhak sya at napailing-iling.

"Wag ka sabing tatawa naiinis ako sayo!" Nilapitan ko sya at sinabunutan.

"Hey! Hey!" Pigil nya sa akin. Hindi ako nagpatinag at sinagad na ang pananakit sa kanya. Naiinis ako sa tawa nya hindi ako natutuwa dahil basta! Nakakainis syang tumawa.

"Wag kang tatawa.. wag kang tatawa," Sabi ko habang sinasabunutan sya.

Ang kamay nya ay pinipigilan ako sa pagsabunot sa kanya. Naiinis ako sa kanya, sa tawa nya, pati sa paghinga nya, nabibwisit ako! Sa sobrang panggigigil ko sa kanya ay napahakbang ako patalikod.

Naramdaman kong wala akong hahakbangan at kinabahan na. Nawalan ako ng balanse sa isang hakbang ko na 'yon. Tumulo ang luha ko sa sobrang kaba na nararamdaman.

Hindi ko mawari kung saan ako kinakabahan. Mahuhulog lang naman ako pero bakit parang yung kaba ko ay abot langit na. Napapikit ako ng mata habang lumalandas sa aking pisngi ang aking mga luha.

"Jesus!" Sigaw ni Ethan.

Naramdaman ko ang isang bisig na humila sa akin pataas at umakap sa akin. Hikbi ang namutawi sa aking bibig habang si Ethan naman ay yakap-yakap ako ng sobrang higpit na para bang pinoprotektahan ako.

Scorching AvariceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora