•8•

18K 310 18
                                    

MECCAELLA

Na-estatwa ako sa mga narinig ko galing sa kanya. Hindi magagawa ni Dad iyon! Alam kong nagsisinungaling lang ang Mr. Connor na iyon.

Kaya pala gano'n din ang ugali ni Cassian, nagmana siya sa kuya niyang siraulo. Buti pa si Craig!

Hmmp!

Pero? Totoo kaya iyon? Iyong sinabi? Paano kung? Waaah! No way! No way!

Need kong kausapin si Dad mamaya! Alam kong nagsisinungaling lang siya. Hindi magagawa ni Dad sa akin iyon.  And, I have a other sister na kasing edad niya kaya alam kong nagsisinungaling ang isang iyon.

Napabalik ako ng tapikin ako ni Vhem, "Anong nangyayari sa'yo, Meca? May sakit ka ba?"

"Ah? Ah-eh? Wala, Vhem. Maayos ako. Hehe. Kinausap lang ako ni Sir. Carson, Vhem. Come on?" Tumango na lang ito sa akin at naglakad na kami.

Nagtungo na kami sa Journalist room, doon na lang siguro kami magrereview. Tahimik din naman doon. You know, ayaw nila ng marinig kapag busy kami sa articles ng newspaper namin.

Pagkapasok namin doon, isang malakas na boses ni Angela ang sumalubong sa amin. Siya lang ang exemption sa amin. Parang laging naka-megaphone ang kanyang bibig.

"Meca! I told you, girls, si Cecille talaga ang may gawa nu'n sayo. Inggitera kasi ang gagang iyon. Feeling maganda, sarap buhusan ng kumukulong tubig." We chuckled sa mukha niya.

"Shhh... Manahimik ka nga, Angela!"

"KJ." Tas hinila kami ni Angela sa p'westo namin.

"Pero, Meca sino kaya nakapagpaamin kay Cecille. We know her, right? Hinding-hindi aaminin ang gagang iyon. Over her dead brain. Ooopps! Iyong boyfriends nga niya hindi niya maamin at maski virginity niya hindi niya maamin na wala na siya nu'n, diba? Malaking kasalanan pa kaya niya?"

I know him, Angela. Kilala ko kung sino nagpaamin sa kanya. It's Mr. Connor. Urgh! That's man! Kainis!

"Iyon nga rin ang pinag-uusapan namin ni Meca, Angela. Sino kaya?" Ani ni Vhem.

"Si Mr. Connor kaya?" Biglang napalunok ako dahil sa sinabi ni Angela.

Ngumiti ako rito ng hiyaw, "hindi naman siguro, Angela. Hehehe. D'yan ka na nga, magsusulat muna kami ni Vhem sa Math 107 ng mga solution. Malapit na finals, diba? Tas ikaw gawin mo na iyong illustration sa newspaper." Pag-iiba ko ng usapan.

Mahirap na. Alam kong matalino itong si Angela. Malakas ang pakiramdam ng isang ito.

"Wow! Ang daming solutions, Meca! Lahat ba ng mga ito lalabas sa finals natin? Pakiramdam ko manunuyo ang utak ko. I hate Math, Meca! Really hate!"

Kumibit-balikat ako rito, "malay? Atleast, pag-aralan na lang natin. We have one week before finals, right? And, our article about Mr. Carson is already done. Pinasa ko na kagabi kay Saturn."

"It is okay?"

I nodded, "Yup! Okay na raw. So, relax, okay?" Then, I smiled.

Pinapa-relax ko siya, eh, ako? Hindi ako makapag-relax. Atat na atat na kong tanungin kay Dad tungkol sa pinagsasabi ng Carson na iyon!

Siguro nababaliw talaga ang isang iyon. Sa sobrang pag-aaral, nabaliw na siya. Kawawa naman.

##

"Meca! Come on, tignan ulit natin iyong locker baka mayro'n na naman nakalagay!" Here we go again.

Hila-hila ako nina Angela and Vhem na papunta sa locker area.

"Wala na iyon. Baka nagkamali lang talaga iyon ng lagay. Uuwi na ko. Nand'yan na sundo ko!" Sabi ko sa kanila. Sobrang drained ako today. Dami naming ginawa maghapon.

Carson's Series #1: Connor Carson ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon