Chapter 49

345 10 0
                                    

"Love doesn't need to have a happy ending,sometimes love teaches us a lesson for us to grow as a strong individual."
--Keisha

Arvie'PoV

Ngayon na ang byahe namin papunta sa Heaven's Beach Resort part siya ng Ilocos Sur kaya medyo matagal ang byahe. Ang meeting place din ay dito sa school kaya hindi na hastle ang pagpunta.

May 3 bus na gagamitin and sad to say mix ang sakay ng mga ito meaning kasama namin ang Engineering Department sa isang bus, mas maganda sana kung hindi. Don't get me wrong ah gusto lang talagang pure Accounting Department.

"Good morning Arvie," nakangiting bati saakin ni Mikel sabay akbay sakin kaya siniko ko siya.

"Kailangan ba talagang may akbay!?" inis na tanong ko at inirapan siya. Wala lang ako sa mood makipag-asaran sakanya dahil iniisip ko kung sino ang makakasakay namin.

"Good morning," masiglang bati din saakin ni Josh napansin ko din agad si Jaziel na kasunod lang niya.

"Good morning to all." bati ko na lang sa kanilang lahat dahil tinatamad akong batiin sila isa isa.

"Good Morning students, as you all know magiging mix ang sasakay sa bus para naman makabonding niyo ang ibang students and also to meet others. Sa first bus ay sasakay ang mga babanggitin ko." pag-uumpisa ni Prof. Cathy. Pinakinggan ko lang ang bawat names na binabanggit niya.

Si Kath, si Elaine, si Eveine, si Jaziel, sila Josh at ako. Si Kuya Jaziel din kasama dahil isa siya sa mga maghahandle ng Engineering Department. Sana talaga maging maayos ang byahe namin.

Pagkabanggit ng mga pangalan namin ay agad na kaming pumasok isa isa. Napag-isipan ko din na sa 3's na upuan ako umupo since 'yon na lang ang bakante kaya no choice ako.

Nahagip ng mata ko na nag-uusap sina Kath at Jaziel parang niyayaya ni Kath na umupo si Jaziel sa tabi niya based sa gesture na nakita kong ginawa niya, nasa medyo harapan siya kaya hindi ko marinig idagdag mo pa ang ingay ng mga estudyanteng sobrang excited.

"Can I seat here?" napaangat ang tingin ko ng marinig ang isang pamilyar na boses. It's Josh.

"Yeah sure, why not." sagot ko naman at agad na umusog sa may malapit sa may bintana. Mas gusto ko ang spot dito dahil mas makikita ko ng mabuti ang mga tanawin na madadaanan namin.

"Hindi pa ba kayo ayos ni Evaine?" tanong niya na nagpangiwi saakin bahagyang yumuko din ako. Honestly, nung last sinusubukan ko siyang kausapin pero pagkatapos nun ay hindi ko na ulit sinubukan thinking na mas okay na galit at magtatampo siya saakin para hindi ko siya masyadong mamiss.

"No, I didn't try to talk to her. Siguro need niya ng time at ganun din ako." sagot ko na lang sakanya at binaling ko ulit ang attesyon ko sa labas kahit di pa naman talaga umaandar ang sinasakyan namin.

May mga time na ayaw ko na sanang umalis pero minsan gusto ko. Ang gulo ko ba? Ganun kagulo ang takbo ng buhay ko ngayon. Maya-maya pa ay naramdaman ko ng umandar ang bus kaya napalingon ako sa mga sakay.

Si Kuya Ryzon ay katabi ngayon ni Evaine, si Mikel naman at Tyron, Kami naman ni Josh at ang talagang umagaw sa attensyon ko ay sila Kath at Jaziel. Kath is now leaning on Jaziel's shoulder. Haysst masyado ko lang pinalalaki ang mga bagay bagay.

I Fell In Love With My Boy Bestfriend(Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora