07

174 57 22
                                    

“Wag mo kong iiwan ah?”

“Wag mo kong iiwan ah?”

“Wag mo kong iiwan ah?”

Alas dose na ng madaling araw pero patuloy parin itong nagpapaulit ulit sa utak ko.

Nakaalis na siya pero hindi parin matanggal sa sistema ko ang sinabi nya.

[Flashback]

"Wag mo kong iiwan ah?"

Natulala lang ako habang naka tingin sa kanya. Gusto kong maiyak. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo.

“Eli, babe?”

Hindi ako sumagot.

Ngumuso sya at ngumiti ng tipid.

“Mukhang pagod kana nga, sige pumasok kana.” 

Tuluyan nakong tumalikod pero naramdaman ko ang pagyakap nya sa likuran ko.

“Mahal na mahal kita. Goodnight.”  Dinig kong sambit nya saka bumitaw sa yakap.

[End of Flashback]

Why is he making this so hard for me?

Matutulog na sana ako nang mag beep ang phone ko.

1 new message from SJ.

FADED SMILES | D. JustinWhere stories live. Discover now