Final Chapter

10 1 0
                                    

Letting your feelings go is the most important thing that I have learned from all of it. Importante na malaya mong maipahayag ang mga nararamdaman mo lalo na sa mga tao sa paligid mo.

Lumaki ako na itinago ang mga nararamdaman ko. I acted strong infront of all the people sorrounds me when in fact I am deeply wounded. Never kong pinakita na nasasaktan ako. Na hindi ko kayang gawin ang isang bagay.

Wala naman pumilit sa akin nito. Wala namang nagsabi sa akin na ito ang gawin ko. Siguro dahil sa mga sakit na naramdaman ko sa murang edad kaya ganoon na lang ginawa ko para madivert ko ang sakit na nararamdaman. Pinili ko na lang mawalan ng maramdaman.  Defense mechanism kumbaga.

Gumawa ako ng sariling mundo. Kung saan kontrolado ko ang lahat. Walang makakasakit sa akin. Lahat ng nais ko magagawa ko. No investments of feelings. Puro utak ang gagamitin. There will be no emotional feelings towards opposite sex. Sakit lang sa ulo pati na sa puso.

Kinulong ko ang sarili sa binuong mundo. Walang pinapasok. Inilayo sa maraming tao. Wala akong nakausap kahit sino. Kaya siguro walang kumwestiyon sa maling pilosopiya. Nanindigan sa mga maling idolohiya.

Pero may isang tao na nagbukas sa akin ng pinto. Nagpakita sa akin na hindi lang iisa ang kulay ng mundo. Hindi lang pasakit at pighati ang meron sa mundong ito. This beautiful world has a lot to offer. Na hindi naman tayo masasaktan dahil sa wala lang. Lahat may rason. Lahat may purpose kaya nangyayari. Nasasaktan tayo hindi para masaktan lang bag may mga aral tayo na matututunan.

Hindi natin pwedeng ipilit na hindi magmahal kasi tao tayo. May puso na may kakayahang magmahal. Nasaktan tayo pero hindi ibig sabihin gaganti tayo. Revenge is not always the answer. Matuto tayong magpatawad sa lahat ng taong nagkasala sa atin for us also to be free from all the pains that we have been carried all our life. Bakit mo pipiliing mag-isa kung mas masarap na may kasama?

And I choose to be Sky. For all my life.

Isang taon narin ang lumipas. Engage na kami ni Sky. Yung problema namin kay Kaylee, katulad ng pangako niya he fixed it. Of course with my help. Gusto ni Sky na ipaalam through media ang lahat in just a span of time but I stopped him.

Ayoko naman na mag mukhang desperada si Kaylee sa harap ng maraming tao. I said to Sky that let the people think that Kaylee and him are real couples but they didn't manage to work it out so they decided to break up. Naghintay kami ng buwan para ianounce nila na they broke up and there will be no wedding.

"What happen Ms Kaylee? Is there a third party?" Tanong ng baklang reporter.

"No there's not. We just decided to cancel the wedding and to separate for us to focus in ourselves. And I also realized that I am not yet ready to settle down. I want to explore more and be great to my craft." Sagot ni Kaylee tsaka umalis.

"I am sorry."

Kaylee sincerely said. Walang bahid ng sarcasm. Pagpapanggap. Nandito si Kaylee sa bahay namin at kinakausap ako. I asked Sky to leave para magkapag-usap kami ng maayos.

"I am sorry for everything. I am sorry for asking you to leave Sky. I am sorry for stealling Sky from you." Tuloy-tuloy ang agos ng luha niya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay. I pressed it and smiled at her.

"You don't have to say sorry, it's my choice too." Pagpapagaan ko sa loob niya.

If she didn't asked me to leave Sky. Hindi maabot ni Sky ang meron siya ngayon. If she didn't asked me to leave Sky hindi kami magiging matatag ni Sky. Meron lang talagang ginagamit na instrumento ang Diyos, at isa siya doon.

"Of course I have to." Paninindigan niya,"I've caused you and Sky too much pains. Hindi mo nakita kung paano si Sky nung mga panahong wala ka. I've thought before na if I am always there for him he will eventually fall for me. He will forget you. But it never happened."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hopeless PlayboyWhere stories live. Discover now