MAY BIYAYA (in the midst of pandemic)

252 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


MAY BIYAYA

B Y D A R A N A K A H A R A

A poem of faith in the midst of pandemic (covid19/corona virus)

June 18, 2020


***

Huminto ang mundo

at marami ang nanibago

Dahil sa sakit na nanggulo

ang buhay ay nagbago


Natigil ang mga trabaho

at marami ang naperwisyo

Lahat ay nagsakripisyo

nang wala man lang abiso


Biyaya ba o parusa?

Iyan ang nabuong tanong ng masa

Di mapalagay dahil sa tinatamasa

na kahirapan at pagdurusa


Pero may biyaya akong nakita

Nawala ang traffic sa edsa

Mga dumi sa ilog ay luminis na

Simoy ng hangin ay tila nag-iba


May biyaya akong nakita

Mga pamilya ay nagkasama-sama

Mga hidwaan at galit ay nakalimutan na

Natutong magdasal sa gitna ng problema


May biyaya akong nakita

Sa bawat umagang kay ganda

Sa bawat araw na tayo'y humihinga

Sa bawat taong 'di nawawalan ng pag-asa


Unti-unti kong nakita

lahat ng Kanyang pagpapala

Sa ating kabiguan at pagluha

sa araw-araw ay Nandoon Siya


Biyaya man o parusa

Ang hatid nitong problema

Kung tayo ay maniniwala

Makikita ang pag-asa


Bumagal man ang takbo

at madaming nagbago

Hindi pa din hihinto

dahil may biyayang natamo


May biyaya akong nakita

hindi lang puro pagkabahala


May biyaya akong nakita,

hindi lang puro pagdurasa


May biyaya akong nadama,

dahil Pag-ibig Niya ay aking nakita.


***

Note:

I believe that there are blessings in every situation we are in. Be it in good times or in bad times, we have a lot of things to learn from and to be thankful for. Sabi nga po sa kantang Blessings by Laura Story, "What if trials of this life, the rain, the storms, the hardest nights are Your mercies in disguise?" Most of the time, life won't turn out the way we want it to...but maybe...that's God's way of saying, "Child, I have greater plans for you. Trust me, this time." 


Just wanna share this poem with you again. Naisulat ko po ito kasabay po nang nauna kong gawa na spoken poetry, 'Nakita Kita' pero nakalimutan ko pong i-share dito. Dapat po spoken poetry sana ulit kaso hindi na po ako nakagawa ng video so, poem nalang po. God bless po.


To GOD be all the Glory

D A R A N A K A H A R A

POEMS OF HOPE (in the midst of pandemic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon