IKAW PALA (poem in the midst of pandemic)

158 3 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


IKAW PALA

B Y D A R A N A K A H A R A

A poem of love and trust in the midst of pandemic (covid19/corona virus)

June 30, 2020


***

Ang daming tanong sa nararanasan

'Di malaman kung ano ba ang dahilan

Maraming bagay ang wala pa ring kasagutan

Bakit hanggang ngayon hirap ay walang katapusan?


Nagtatanong sa langit, ano itong nadarama?

Nandito Ka nga ba, bakit hindi ko madama?

Ang sagot sa dasal ay hindi naman makita

Bakit Ikaw ay tila wala naman pala?


Patuloy ang unos at alon ng kabiguan

Pag-asa ay 'di ko na maramdaman

Unti-unting nanghihina ang aking kalooban

Pananampalataya ko ay tila nauubusan


Nagtatanong sa langit, nakikita mo ba?

Ang hirap ko at walang katapusang pagdurusa?

Ayoko nitong problema, hindi ko na kaya, suko na!

Nakaluhod na lumuluha, ako ba'y naririnig mo pa?


Doon ko naramdaman ang yakap Mong marahan

Nandyan Ka pa pala, hindi Mo ako iniwan

Hindi lang Kita maramdaman, dahil nabubulagan

ng kahinaan at suliraning aking nararanasan


Patawad aking Ama, ako pala ang nawala

Ako pala ang bumitaw at hindi nagtiwala

Ako pala ang sumuko at nawalan ng pag-asa

Ako pala ang nang-iwan at 'di sumampalataya


Pero hindi Mo pa rin ako pinabayaan

Sa gitna ng pagsubok ay Iyong tinuruan

na maniwala upang aking lubos na maunawaan

Lahat ng plano Mo ay may patutunguhan


Sinabi Mo sa akin huwag akong mabahala

Dahil pag-ibig Mo ay sapat at tunay na dakila

Totoo nga ang lahat ng Iyong mga salita

Pagkat nararanasan ko ngayon ang Iyong awa


Ang daming nalaman sa aking pinagdadaanan

Ako pala ay lubos Mong pinahahalagahan

Hindi man karapat-dapat, Iyong pinag-aksayahan

ng oras at pagmamahal na walang hanggan


Patawad aking Ama, Ikaw pala ang 'di nawala

Ikaw pala ang hindi bumitaw at patuloy na nagtiwala

Ikaw pala ang hindi sumuko at nagbigay pag-asa

Ikaw pala ang hindi nang-iwan at sa'kin ay naniwala


Ikaw pala ang kasagutan sa tanong ko na bakit

Ikaw pala ang dahilan na hinahanap ko sa langit

Ikaw pala, wala ng iba.


***

Notes:

Yey! Na-complete ko na po. 


Nakita Kita - A spoken poetry of hope ✔

May biyaya - A poem of faith✔

Ikaw pala - A poem of love✔


Again, I just wanna share this poem of Unconditional love with you all. God is still here for everyone. He will never leave and will never forsake us. He is our strong tower in good times and bad times. His love is free and perfect. God bless us all.

To GOD be all the Glory

D A R A N A K A H A R A

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

POEMS OF HOPE (in the midst of pandemic)Where stories live. Discover now