EULIV1

851 31 53
                                    

-

"Run the investigation multiple times again until you're proven wrong... I can't accept this... Spiro can't kill..."

-

Third Person's POV

"Nagbabagang balita, naabswelto ang namayapang si Senate President Ruffo Gatchalian matapos tuluyang matukoy ng Philippine National Police, sa pamumuno ni Chief Menardo Guevarra at sa masugid na kooperasyon ng Madrigal-Espinosa Group's Special Security Agency ang pumatay sa magasawang William at Jade Espinosa tatlong buwan na ang nakararaan."

"Ang suspek ay tinukoy na si Spiro Villafuerte, ang batikang modelo ng kasalukuyang henerasyon. Si Spiro ay nagsilbing main endorsers ng naglalakihang mga kompanya lalo na ng ME Group na pagmamay-ari ng nasabing mag-asawa."

"Ayon kay General Guevarra---after three months ano... finally, natukoy na natin yung suspect... it's really unbelievable pero yes... we confirmed it---dagdag pa niya, ang ebidensyang nakalap ay napakabigat at hindi tumutugma sa alibi ni Mr. Villafuerte."

"Pahayag naman ni Mr. Janus Pontigon, presidente ng ME SSA---the dashcam footage came from an unidentified server, at first hindi ako naniwala... kasi it's Mr. Villafuerte... hindi talaga ako naniwala kaya ang ginawa ko, pinasigurado ko muna kung edited o tampered yung video... pero 'yon nga... walang edit at malinaw na si Mr. Villafuerte ang nahagip ng kamera. The mansion is ten minutes away from the exact location where the footage is taken---giit pa niya, maski ang motibo ng krimen ay kasalukuyan nilang inaaral."

"Nang tanungin ng aming team kung may koneksyon ang senador sa modelo, ito ang kanilang sagot---as of now, we're looking into it... it is possible na may communication talaga silang dalawa... assumptions may be si Mr. Villafuerte ang pumatay and accomplice lang si Senator Gatchalian---" hindi na tinapos ni Eul ang balitang naririnig bagkus ay mabilis na binuksan ang kotse pagkahinto nito sa tapat ng matayog na gusali.

"Mr. Espinosa..." sambit ni Mr. Ong sabay mabilis na sinundan ang nagmamadaling amo. Pinindot niya pa ang kaniyang earpods at nagsalita. "The chairman is in the headquarters..." habang nakasunod sa likod ni Eul.

Ang iba pang mga bodyguards ay nasa likod ni Mr. Ong na pilit sinasabayan ang lakad-takbong pagtahak ni Eul sa daan.

"Mr. Espinosa..." pagkuway na pagbati ng sangkatutak na mga ahenteng nagkukumahog na kararating lamang sabay yuko upang magbigay ng respero.

Hindi sila pinansin ni Eul na ngayon ay mas binilisan ang lakad. Nagiinit ang buong katawan at palakas nang palakas ang kabog ng kaniyang puso. Mabilis at hindi niya masundan.

Wala nang namamayani sa kaniyang isipan kundi ang huling narinig na sinambit ni Spiro.

"Eul! I didn't do anything! you should trust me... Eul!"

Paulit-ulit. Nakakarindi. Mas nakadadagdag sa hindi matantiyang kabog ng kaniyang puso.

"Mr. Espinosa---" bungad na wika ni Mr. Pontigon kay Eul ngunit naputol nang pasadahan siya nito ng pagkalakas-lakas na sampal. Rinig pa ang matinis nitong tunog sa buong lounge ng ME SSA Headquarters na pumukaw sa atensyon ng lahat.

Napahawak pa si Mr. Pontigon sa kaniyang pisnging ngayon ay namumula na. Iniwan siya agad ni Eul at muling naglakad patungo sa kung saan. Saglit na napako si Mr. Pontigon sa kinatatayuan na ngayon ay tinititigan ng mga ahenteng nakakita ng pangyayari.

Pinatunog pa ang kaniyang leeg at bahagyang ginulo ang ulo bago mabilis na tumakbo sa gawi ni Eul. Nakarating siya sa bukana ng surveillance room na pinalilibutan ng mga bodyguards ng huli.

Kumatok ng tatlong beses at marahang binuksan ang pinto. Bumungad sa kaniya si Eul na nakaupo sa gitnang upuan paharap sa sangkatutak na malalaking monitors habang nakayuko at mariing hinihimas ang sintido. Si Mr. Ong naman ay nakatayo sa kaniyang gilid upang magbantay sa pinto. Tumango pa siya dito bago muling bumaling sa amo.

"Mr. Espinosa..." pauna niyang tawag at naglakad palapit kay Eul. "We've finally identified your parents' murderer..." nang makaharap ang huli ay nakita niya itong nagdahan-dahan mag-angat ng tingin.

Nakataas ang kilay at namumula ang kabuohang mukha. Huminga ito nang malalim at dahan-dahang tumayo. "Mr. Pontigon... you didn't even mind giving me heads-up... how inconsiderate of you..." naglakad si Eul paikot sa lamesa upang makadikit sa kausap.

"You can't do that kind of thing without my permission... I am this company's chairman... I am the son of those murdered Espinosas!" Malakas na reklamo ni Eul sabay ikot ng mga mata bago sumandal sa lamesa at tumitig sa monitor.

"Play it..." tagis bagang niya pang usal na mabilis namang sinunod ni Mr. Pontigon.

-

"Magsilabas kayo!" Sigaw ni Miles pagpasok sa madilim na espasyo. Naabutan niya pa ang mga tauhang naalimpungatan sa kaniyang presensya na mas lalo niyang kinairita.

"Gumising kayong lahat!" Muli niyang sigaw at tumakbo sa lamesa at buong lakas iyong sinipa. Natumba iyon at nahulog ang mga nakapatong na gamit na gumawa ng mas malakas na dagundong.

"Simple lang inutos ko! Patayin niyo siya! Bakit hindi niyo magawa!" Sabay hawak sa kwelyo ng isang naabutang tauhan. Mahigpit niya itong iniangat at ilang segundo lang ay bumwelo at tinulak iyon.

"Mga gunggong! Mga walang kwenta!" Agad siyang tumalikod at akmang huhugutin ang kung ano sa kaniyang likod nang mabilis siyang awatin ni Paulo.

"Mr. Espinosa..." umiiling na bigkas ni Paulo. Nagtitigan pa ang dalawa bago huminga nang malalim si Miles. Pumikit siya nang mariin at tumayo ng maayos.

"This is the last time na papalpak kayo... find him... I want him dead or alive..."

-

Nang matapos ang video na pinanood ay napailing-iling si Eul at tila'y nawalan ng balanse. Agad naman siyang nahawakan ni Mr. Pontigon sa braso upang alalayan na siya namang tinanggihan ng amo.

Gamit ang kanang kamay, mahigpit siyang kumapit sa lamesa at tumalikod sa huli.

"Mr. Espinosa... as what you've watched... it is clear... he's the one we're searching for---" at napatigil nang makita ang senyas ng kamay ni Eul.

Saglit pa siyang bumaling kay Mr. Ong na umiling nalang sa kaniya upang sundin si Eul.

"I can't believe this..." mahina ngunit puno ng kabuluhang panimula ni Eul.

"You must be wrong... hindi 'to kayang gawin ni Spiro... imposible!" Naglakad si Eul pabalik sa upuan at nagpaubaya sa pagbagsak ng katawan doon.

"He can't do this kind of thing... kilala ko si Spiro... he can't do this..." nagkuyom ang kaniyang mga kamay at masamang tumitig kay Mr. Pontigon bago magiwan ng mapangahas na mga kataga.

"Run the investigation multiple times again until you're proven wrong... I can't accept this... Spiro can't kill..."

-

Itutuloy

-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EUL IV - Convicted [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon