Chapter 1

7 0 0
                                    

"You sure, di ka sasama?" Tanong ni Coach.

"Yes Coach. Enjoy!" Kumaway ako sa paalis na sasakyan. Coach Lia sighed then rolled down her window.

It's our last shift for the week kaya nag-aaya silang mag-inuman and as usual, I refused. May klase pa ako mamaya.  Thank God I still have 4 hours to sleep. It's just 3 in the morning and 8:30 ang pasok ko.

I sighed as I leave the premises. Ganito nalang lagi pero wala akong karapatang mapagod. I need to work hard for myself. Ayokong umasa nalang kay Mommy.

Naglalakad ako pauwi ng bahay nang may ilaw na tumapat sakin. I rolled my eyes. Alam ko na agad kung sino.

"Cy!" I exclaimed when he suddenly grab me from behind. Kung hindi ko lang alam na siya 'to kanina ko pa binali ang braso niya.

"Told you to just wait for me. You stubborn woman." He chuckled in my right ear bago niya ako pinakawalan.

"Lagi mo nalang akong tinatakot." Hinampas ko ang braso niya pero tumawa lang ang loko.

Cypher was indeed a dangerous looking man. Hindi ko alam pero may ganoon siyang aura. Ang itsura niya parang laging may gagawin na masama. But of course I can't deny the fact that he is a drop dead gorgeous. Nakakatakot nga lang tumitig.

"Tapos na shift mo?" I asked habang nagpatuloy sa paglalakad. Siya naman pinatakbo ng mabagal ang motor niya para masabayan ako.

"Yeah." He simply answered. Nilingon ko siya at nahuli kong matiim siyang nakatitig sakin. Kung hindi lang ako sanay ay baka natakot na ako.

"Musta ang bar?" I asked again. Ganito kami lagi, ako nagtatanong , siya matipid na sumasagot.

"The usual." He answered. See? So tipid.

Nagtratrabaho kasi siya sa bilang bartender sa bar na malapit lang din dito sa subdivision namin. Nadadaanan niya palagi ang building kung saan ako nagtratrabaho bilang customer service representative naman.

Hindi ko na maalala kung kailan kami unang nagkakilala. Basta ang alam ko nakatira kami sa iisang subdivision. Sa pinakadulo ang sakanila, nabanggit niya sakin dati. Nagtaka rin ako noon kung bakit siya nagtratrabaho bilang isang bartender kasi ang alam ko puro mayayaman ang mga nakatira sa subdivision namin. Pero hindi ko na tinanong. I don't want to be judgemental. Maybe we have the same reason. I want to earn my post.

Kahit pa ayaw ni Mommy na nagtratrabaho ako, alam kong hindi sapat ang kinikita niya sa coffee shop namin kaya kailangan kong tumayo para sa sarili ko. Para sa kapatid ko nalang iyong kikitain ni Mommy. That way, I can help her and be independent in my own way.

"You still have class tomorrow." I snapped back to reality when Cypher speak after  minutes of silence.

"Yeah. I have 4 hours to sleep." I smiled cheekily at him. I saw his eyes glittered with amusement but he shrugged it off by clearing his throat.

Ha! Minsan tuloy iniisip ko na crush ako ng Cypher na 'to. Baka nahihiya lang. Pogi naman siya, di na masama.

"Walk faster or ride with me." Malalim ang boses niyang sinabi. Pinangkitan ko siya.

Lagi niya yang panakot sakin kung mabagal ako masyado maglakad. Minsan naman sumasakay nalang ako sa motor niya pag tinatamad akong maglakad.

"I need this. You know, exercise." Ininat ko pa ang kamay ko para ipakita sakanya. Umiling-iling nalang siya na parang natatawa sa ginagawa ko.

I watch the movement of his lips. Kahit hindi siya masyadong ngumiti kitang-kita ko ang tingkad ng mata niya. I've never been this comfortable to anyone. Lagi akong mailap sa mga tao. And I don't have friends dahil hindi regular ang schedule ko sa klase. The only person I have closest to friend was Cypher. And I am very comfortable around him... I feel safe.

"I saw your colleagues in the bar." Sabi niya. Of course makikita niya ang mga 'yon dahil doon talaga ang punta nila.

"Oo. Last shift of the week. Alam mo na." Sabi ko naman saka nagmamadaling maglakad nang matanaw ko ang gate ng subdivision namin. Gusto ko munang maupo sa round table pagkapasok doon.

"You don't really drink, huh?" He murmured when we reached the round table. Pinark niya din muna ang motor niya sa tabi nito.

"Duh. I drink. Naisip ko lang sayang 'yong oras ng pagtulog ko pag uminom pa ako." I said matter-of-factly.

"You're refusing them every time." He uttered as he sits in front of me.

"Of course. I have whole day class every Saturday." Sabi ko naman. Every Saturday lang kasi whole day ang klase ko. Kapag weekdays naman puro half day lang. Magsisimula ng 12 hanggang 5pm and then diretso na ako sa pinagtratrabahuan ko ng 6pm.

"You should just drink when I'm around." He said causes my brows to shot up.

I make face at his statement. Hindi ko alam pero parang ang ganda sa pakiramdam na may ganyan. I know he just said that out of concern. He wants me safe kahit ilang buwan palang kaming magkakilala. And I want that feeling...safe and being taken care off.

"I can manage." Mayabang kong sabi kahit na totoo gusto kong nandyan siya kapag iinom ako.

"Stubborn." He murmured silently pero narinig ko naman.

"Let's go. So you could sleep." He gently pulled my wrist and drag me to his motor.

"Malapit na." I protested when he is about to lift me up.

He glared at me with his dangerous eyes. Kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko tanda ng pagsuko. Hindi na siya umimik. Hinawakan niya nalang ang magkabilang beywang ko at walang kahirap-hirap na sinakay sa mataas na motor niya. Kailangan ko atang magpataba para hindi niya ako agad-agad nabubuhat.

"Hold on." He whispered when he started the engine.

Humawak lang naman ako sa jacket niya pero hinawakan niya ang kamay ko saka hinila para mayakap ko siya.

Naku! Cypher, napanuod ko na 'to sa mga movies. Galawan pa! Alam ko na 'yan.

"You sleep well." He huskily said when we're in front of my house.

Binaba niya ako kahit na kaya ko naman nang bumaba. Nagpaalam na siya at nakatayo parin ako sa harap ng bahay namin. Tinatanaw siya hanggang sa hindi na siya abot ng paningin ko.

Hay! Pag bigla sigurong nawala si Cypher mamimiss ko siya. Sinasanay niya ako sa mga bagay na hindi ko pa nararanasan. But of course, I know better. Mawawala din siya.
--------

Crystal SnowWo Geschichten leben. Entdecke jetzt