Kabanata 2

293 12 1
                                    

Kabanata 2

Sweet





Our first week of being in a relationship was frantic. Lahat ay halos masaya dahil maski ang ilang mga teachers namin ay alam ang pangliligaw ni Lysander sa akin.

“Sasali ka sa susunod na pageant competition?” tanong ko while eating our lunch together. Hindi sumama sina Myca dahil gusto nilang hayaan muna kaming dalawang magkasamang dalawa.

“Yep, alam naman na ng handler ko ang mga gagawin at mga isusuot kong damit,” sabi niya. I nodded and continue to eat. Next week kasi ay intramurals ng school namin at may search for Mr. and Ms. Intrams na magaganap.

As usual sa kaniya ay sasali nanaman siya for the nth time. Suki na siya ng mga ganoong klaseng competition. Sinong mag-aakala na ang lalaking hinahangaan ko lang sa malayo ay boyfriend ko na ngayon.

“Nahihiya k aba?” tanong niya. Kumunot ang noo ko at tinignan siya. Tinigil ko ang pagkaing isusubo na sana at umiling.

I am facing him right now, hindi ko lang akalain na ngayon ay official na mag-on na kami. The past week akala ko ay guni guni lang ang mga nangyayari but I was wrong.

Hindi ko alam kung kailan ko siya ipakikila kay Mommy. Minsan na niya akong nasabihan na unahin muna ang pag-aaral bago ang boyfriend pero wala naman sigurong masama kung pagsabayin ko ang dalawa basta’t alam namin ang limitasyon namin sa isa’t-isa.

“H-hindi naman, naninibago lang dahil kung dati ay nanliligaw ka pa lang sa akin, ngayon…boyfriend na kita,” sabi ko sa paraang mahina ang tono ng boses ko.

“You should be proud that I am your boyfriend Mia,” aniya. Napanganga ako at wala sa segundong inirapan siya.

“Yabang!” sagot ko. He chuckled at hindi na muling nagsalita

“Lysander!” sabay kaming napatigil sa pagkain at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Isang babaeng matangkad, mahaba ang buhok nito at balingkinitan ang kaniyang katawan; ang nakita kong naglalakad palapit sa amin.

Naningkit ang mata ko at hindi nakatakas sa akin ang bawat kembot ng baywang niya. Sinasadya ba niya iyon o talagang gano’n lang talaga siya maglakad?

Halos mabilaukan ako nang makitang niyakap niya bigla ang boyfriend ko! nanlalaki ang mata ko at hindi makagalaw sa kinatatayuan nang makita ang sunod niyang ginawa!

Sa likuran niya ay may isang bakanteng upuan, hinila niya iyon at walang sabi sabing umupo sa tabi ni Sander. Mas naguluhan ako dahil may make-up ang babae.

Halos karamihan naman sa mga estudyante rito ngayon ay may make-up pero iyong sa kaniya, parang nasobrahan ata? Mukha kasi siyang espasol.

Minsan ko na itong nakita sa loob ng classroom nina Lysander kaya hindi ako nagkakamali na ka-klase niya ito.

Mahaba ang kulay brown nitong buhok na kulot sa dulo. Mahahaba ang kaniyang pilikmata at may sinasabi ang hinaharap. Bigla tuloy akong napatingin sa sarili at hindi napigilang ikumpara siya sa akin.

Blangko ang ekspresyon ng mukha ko habang pinapanood silang dalawa.

“May rehearsal tayo mamaya sabi ni Ma’am De Vera. Excuse na rin tayo sa mga subjects natin!” magiliw nitong sabi. Umangat ang kanang kilay ko at binaba ang tingin sa pagkain.

Bigla akong nawalan ng gana, parang gusto ko na lang umalis sa harapan nila. Mukhang ako pa iyong nakakaabala sa pag-uusap nila.

“If you’ll excuse me Natasha, Kasama ko ang girlfriend ko,” saad nito sa babae. Biglang nagdiwang ang puso ko dahil sa sinabi niya pero agad iyon nawala nang mabilis akong nilingon no’ng Natasha.

Luminous Fall✔️Where stories live. Discover now