Kabanata 12

177 8 1
                                    

Kabanata 12

Sundan





Natapos ang opening and welcome speech saka nag umpisa na sa dance for all.

Samantalang ang mga kaibigan ko ay may tama na. Kahit pinipilit nilang hindi sila nakainom, hindi nila iyon maitatago lalo na’t pasuray suray na sila habang nakikipag sawayan sa mga senior high.

Habang nasa table kasi kanina at nakikinig ng speech ng principal ay palihim  nilang inilalagay ang alak na nasa plastic at nilipat sa baso na nasa lamesa namin. Puti ang kulay no’n kaya hindi halatang alak.

Ipinagbabawal ang pagdadala ng alak dito sa loob pero hindi ko alam kung papaano sila nakapuslit. Sa tuwing may dadaaang teacher ay aakto sila na para bang nasa maayos na estado at kapag nalagpasan na ang mesa namin ay saka muling babalik sa ginagawa.

“Hindi ko talaga akalain na kapatid mo si Michelle,” nilingon ko si Lysander. He offered me to have a dance with him kaya pinaunlakan ko. Kanina pa kami nagsasayaw sa gitna kahit na ayoko sa pwestong ito.

“Ahm, oo nga,” sagot ko sa kaniya. Bumaling ang mata niya sa direksyon ng kapatid ko kung saan kanina pa rin isinasayaw ng iba’t-ibang lalaki galing sa iba’t-ibang year level.

“Hindi naman talaga kasi halata eh, sa kulay pa lang namin,” saad ko.

“But you both have the same eyes,” tumingin sa akin si Lysander.

“Yeah.”

“Pero mas maganda ka pa rin,” aniya. Inikutan ko siya ng mata at pabirtong sinapak sa dibdib. Lumipad muli ang tingin niya sa kapatid ko. At bumaling muli sa akin.

“Dito ka pa rin ba magsesenior?” tanong niya. Humigpit ang kapit ko sa lee niya. Tumingal ako upang magtama ang paningin namin sa isa’t-isa. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang palad sa magkabilang baywang ko.

Halos sakupin na rin niya ang kabuuan ng likod dahil mas lalo niya pa akonng hinigit palapit sa kaniya.

Kumunot ang noo ko, “Oo naman,” sagot ko. Wala naman akong ibang pwedeng pasukan na public kundi dito lang. Dito na ako mag-graduate sabi sa akin in Mama noong mga nakaraang linggo.

Doon ko rin napansin na simula nang umuwi sina papa sa amin, ay unti-unting nag iba ang awra ni mama. Akala ko nga noong una ay maiinis o ‘di ka kaya’y hindi niya tatanggapin ang pag-uwi nila papa dito pero kabaliktaran pa pala ang nangyari.

Hindi ko makakalimutan kung gaano niya ayaw na pag-usapan ang tungkol sa nangyari noon sa kanila ni papa pero ngayon, nakakatuwa lang dahil bumabalik ang dati niyang sigla.

“Sorry sa mga nagawa ko Mia,” aniya. Natigilan ako at napakurap ng mata. Tintigan ko siya at nagtamang muli ang paningin namin sa isa’t-isa. Malalim ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

Para bang nakikita niya kahit ang kaloob-looban ng sistema ko.

“W-wala iyon, ano ka ba Lysander. Kahit na magalit ako sa ‘yo, hindi ko pa rin kaya na hindi pagbigyan at patawarin,” sabi ko habang kagat kagat ang labi.

Ngumiti siya nang mapansing hindi ako nagbibiro sa sinabi.

“Padis tayo mamaya?” pareho kaming napalingon kay Aubrey na ngayo’y may kasayawang taga senior high. Matangkad iyon at singkit ang mata.

“Hindi pwede Aubrey eh, alam mo na may kapatid na ako ngayon!” sagot ko sa kaniya. Gabing gabi na at malamang hindi kami papayagan ni mama na pumunta sa padis, sa kabilang bayan pa ‘yon at wala nang masasakyan ngayon.

“Napaka KJ mo talaga! May sasakyan naman itong si Kenneth eh!” giit niya. Ngumiti lang ako at hindi na siya pinansin. Makulit talaga si Aubrey lalo na kung nakainom. Palagi siyang kinukwento nina Myca dati sa tuwing may pinupuntahan sila at hindi ako sumasama.

Luminous Fall✔️Where stories live. Discover now