Chapter One

1 0 0
                                    

FATHEMA'S POV

IYAK. Iyan ang tanging nagawa ko habang nakikita ko ngayon ang lalaking mahal ko na masayang kasama ang ibang babae.

Ang sakit..sobrang sakit makita siyang masaya sa piling ng iba. Hindi ko maintindihan kung bakit at paano niya nagawa sa akin ito.

Lahat ginawa ko para sa kaniya, naging tapat ako sa kaniya at siya lang din ang lalaking minahal ko. Pero bakit? Ano bang pagkukulang ko para maghanap siya ng iba, dahil ba...hindi ako ang babaeng maihaharap at maipagmamalaki sa mga tao.

Sabagay, hindi na ako magtataka kung bakit. Sapagkat kung ako ay ikukumpara sa babaeng kasama niya ay walang wala ako.

Maganda, mayaman, makinis, maputi at higit sa lahat sexy ang babaeng kasama niya....samantalang ako isang losyang kung manamit at  isa akong matabang babae.

Ang unfair talaga ng mundo, hindi patas ang pagtrato.

Dahil sa mundong ito lahat gugustuhin ka kapag maganda ka, mahalaga ka kapag maganda ka, maraming magmamahal sayo kapag maganda ka, kahit masama man ang ugali mo tatanggapin ka padin nila dahil maganda ka.

Pero kapag ang katulad ko, isang matabang babae at hindi maganda tulad nila ay walang sino man ang may pakialam, pandidirihan at ikakahiya.

Kaya kahit na gustuhin ko mang bawiin siya, kunin at sabihing akin yan ay hindi ko kayang gawin. Natatakot ako sa maaring reaction nito, paano kung itaboy niya ako? Paano kapag ikaila niya ako? Hindi ko yata kayang marinig yon mula sa kaniya.

Mahal ko siya kaya kahit alam kong niloloko niya ako ay hindi ko padin magawang magalit sa kaniya.

Sabihin niyo nang tanga ako pero wala eh nagmahal lang ako.

Tuluyan na akong napahikbi habang pinagmamasdan ko ang lalaking mahal ko kasama ang babae niya na papalayo hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Uuwi na siguro ito sapagkat malapit narin magdilim, dahil papalubog na ang araw.

Nagawa ko na din lumabas sa likod ng punong pinagtataguan ko, para akong nanghina sa nakita ko kaya't umupo muna ako sa upuan malapit sa punong pinagtaguan ko. Gulong gulo ang isip ko hindi ko na alam ang gagawin ko . Natatakot akong mawala sa akin si Angelo mahal na mahal ko siya.

"Diyos ko bakit nangyayari sa akin to, bakit ako nasasaktan ng ganito ano bang nagawa kong masama para mangyari sa akin to" naiiyak na sambit ko habang nakatingala sa langit.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakatingala padin sa langit. Hinayaan ko lang dumaloy sa aking pisnge ang mga luha na ayaw tumigil sa pagtulo.

Lumipas ang ilang sandali na ganito lamang ang aking pwesto't nanatiling nakapikit, pinakikiramdaman ang ihip ng hangin habang pinakikinggan ang huni ng mga ibon na malayang lumilipad.

Nakakainggit ang mga ibon. Kung titignan mo'y para wala silang problema. Matatayog at matataas ang kanilang lipad. Malaya gawin ang nais nila. Napupuntahan ang mga lugar na gusto nilang puntahan na walang kahirap hirap. Sana lahat ng tao katulad nila. Sana kagaya ko sila. Malungkot akong ngumiti habang iniisip na kung sakaling katulad nila ako hindi ko na sana nararamdaman ang ganitong sakit....

'Hayyyy sana may isang taong ipadala ang diyos para damayan ako ngayon. Para man lang maibsan ang lungkot na nararamdaman ko.'

"Ehemmmm"

Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba ang narinig kong may tumikhim malapit sa kinaroroonan ko.

"Tsk, miss hindi ka ba nangangalay sa ginagawa mo??" isang malamig na boses ng lalaki ang narinig ko malapit lang sa pwesto ko.

The Chubby Girl Meet Mr. Unknown GuyWhere stories live. Discover now