Chapter Two

2 0 0
                                    

HIS POV

"Magandang gabi young master" bati ng mga katulong namin ng pumasok ako sa loob ng bahay.

Lahat sila nakapila sa labas ng pinto at yumuko bilang magbigay pugay. Isa ito sa mga patakaran na pinapatupad sa bahay.

Gabi na din ng makarating ako dito sa bahay, kung hindi dahil sa babaeng iyon ay kanina pa sana ako nakauwi. Tsk.

Tango lang ang itinugon ko sa kanilang lahat habang patuloy parin sa paglalakad papasok ng bahay.

Nang tuluyan na akong makalagpas sa kanila ay saka lamang silang tumayo ng matuwid at naglakad upang bumalik sa kanilang trabaho.

"Young master mabuti't nakauwi na kayo sapagkat kanina pa kayo hinahanap ni madam" bungad sa akin ng isa sa mga katulong ng makapasok na ako ng bahay.

Hindi ko alam kong anong pangalan nito. Isa pa wala din naman akong pakialam.

"Bakit daw?" tanong ko rito.

Walang emosiyon ko lamang itong tiningnan.

"Yon po ang hindi ko alam young master" malumanay na wika nito.

Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang boses ni mom.

"Oh son mabuti at umuwi ka na. Kanina pa kita hinahanap saan ka ba nagpupunta?" seryusong wika nito habang pababa ng hagdan.

"Namasyal" tanging sambit ko.

"Namasyal? Saan ka naman namasyal. Kakauwi mo palang galing States sana nagpahinga ka na lang muna dito sa bahay" pangaral nito. "Isa pa hindi ka man lang nagpapaalam" wika nito na galit sa kaniyang boses.

Nainis naman ako sa aking narinig. Ano naman ngayon kong umalis akong hindi nagpapaalam hindi na ako bata, malaki na ako kaya hindi ko na kailangan gawin yon isa pa alam ko na ang ginagawa ko.

Ang gusto niya kasi kontrolin ang buhay ko, gusto niya siya lagi ang masusunod. Siya ang magsasabi at magdedesisyon sa buhay ko, ginagawa niya akong tuta at hindi ako makakapayag.

"Tsk.I'm fine mom don't worry" saad ko rito pilit tinatago ang pagkainis sa aking boses "By the way ano palang kailangan mo sa akin mom at hinahanap mo  ako?" agad na tanong ko ng maalala.

"Well I just want to inform you that we already enrolled you in our school, kaya bukas ay maaari ka ng pumasok"

"Okay" simpleng sagot ko.

Kakauwi ko lang galing states, ayoko sanang umuwi dito sa Pilipinas kaya lang wala akong choice. In the first place wala talaga akong balak umuwi dahil ayokong makasama si mom.

Mas gugustuhin ko pang tumira sa States kasama si lola at daddy nagsisisi tuloy akong sumunod ako sa gusto niya, but just like what I said earlier I have no choice because of her. Lahat ng gusto niya ang laging nasusunod so that's why I don't really like my mom.

Kaya niya ako pinauwi dito sa Pilipinas ay dahil gusto niyang dito ako mag aral, ewan ko ba kung bakit.

Dalawa lang kaming nandito sa Philippines dahil nagpaiwan si dad at ang kapatid kong si Hannah sa States. Si dad kasi ang nagmamanage ng company namin sa States at hindi niya pwedeng iwan yon pero nangako naman siyang dadalaw siya sa amin pag may free time na siya. About Hannah she is studying there hindi siya pinasama ni mom sa pag uwi sapagkat ako lang naman ang gusto niyang mag aral dito.

Hindi naman mahirap sa akin ang pagpasok sa school tulad nga ng sinabi ni mom I already enrolled kaya wala nang problema.

Besides hindi din mahirap gawin yon lalo na' t my parents owned that school at sooner or later ako narin ang magmamanage dahil sa akin ipapamana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Chubby Girl Meet Mr. Unknown GuyWhere stories live. Discover now