CHAPTER 3

26.9K 860 25
                                    

Clueless Encounter


"Long time no see, Melner."

Isang lasing na lalaki ang umupo sa tabi ko. Hindi ko na pinansin at umirap na lang. I know him. Palagi niya akong kinukulit tuwing pupunta rito. He wants to score on me but I did not come here for that.

"That was in purpose," I said.

Nagpasalamat ako sa bartender nang niya ilapag sa harap ko ang maliit na baso ng tequila. Patuloy sa pagdada ang lalaki sa 'king tabi. Lasing na siya, kung ano-ano na ang pinagsasabi.

I sip the drink once and straight. Napangiwi ako sa tapang ng amoy at init na dumaloy sa 'king lalamunan. Parang sinunog ang mga organs ko. It feels satisfying thou. Kinuha ko ang lime at nilagyan ng kunting asin bago sipsipin.

Nabitawan ko lang iyon nang bigla akong akbayan ng lalaki at pilit na nilapit ang labi sa 'king pisnge. 'Pa-kiss' daw. Parang tanga. Tinulak ko siya at dahil lasing... agad siyang sumalampak sa sahig.

Napatingin ang mga nasa gawi namin dahil sa munting kalabog, at nang makita na isang lasing ang may dulot no'n, bumalik din sila sa ginagawa. Kinibit balikat na lang.

Pinilit niyang tumayo. Hawak pa rin ang basong wala nang laman 'pagkat pinaligo na niya. When he succeeded, he leaned all his strength to the bar counter and still had the guts to face me.

"Alam mo, nakakasura na iyang kaartehan mo," aniya na nilalamon ang bawat salita. His voice alone will tell people he's drunk. Maya-maya pa ang pagsinok niya.

"Hindi ako maarte, panget ka lang," I said under my breath.

Maya-maya pa ay kinaladkad na siya ng mga bouncer palabas. Hindi siya nakapalag dahil sa sobrang kalasingan. Nagpatianod naman siya habang nagpapaliwanag sa mga bouncer. Dinuduro niya pa 'ko na para bang ako ang nagsimula ng gulo.

His departure made me drink in peace. Nakailang baso na 'ko at medyo malala na ang tama. I thought I'll forget the pain if I get wasted. It's just I thought. I'm and will always be affected by the passing of my parents.

Lalo na ng wala ako sa piling nila nang mangyari iyon. I've been away from them for years even before that drastic incident. We're originally from Isla Amore, living together with my grandparents. Dahil sa hirap ng buhay, napagkasunduan nina mama at papa na magtrabaho sila sa Manila at kapag naka-graduate na 'ko ng senior high school saka ako lilipat sa kanila.

Aprobado sa lahat ang planong iyon dahil ayaw rin akong bitawan nina Lolo at Lola, at ayaw ko rin silang iwan dahil sa katandaan at ayaw ko ring mag-transfer pa ng school.

Who would have thought na in between those plans ay mawawala rin sila. It made everything so heartbreaking. Kahit na tuwing bakasyon at pasko ay nagsasama kami. Hindi iyon sapat dahil sa mga taong lumipas, buwan lang ang pagsasama namin ng mga magulang ko.

I'm blaming no one... and that's the worst. Wala akong mapagbalingan ng trahedya. Wala akong masisi. I'm not saying it's a good thing. It's just I'm so helpless and desperate to get away from the pain.

Napabaling ako sa dancefloor nang mai-play ang paborito kong kanta. I felt the neediness to dance. Tinungga ko muna ang huling baso bago naisipang tumayo. Saka ko na lang namalayan na umiikot na pala ang mundo.

Pasuray-suray kong tinungo ang dance floor. Nakipagsiksikan at pumwesto sa gitna. Ilang beses akong nasiko at kamuntikang matumba. Napapahawak na lamang ako sa balikat o braso ng kung sinumang malapit sa akin.

It's my favorite dance kaya dapat ko 'tong masayaw. Dapat kong mailabas ang init na nagbigay-buhay sa laman loob ko. I need to sway all these shits outta me.

Hiding From Montreal's SonWhere stories live. Discover now