CHAPTER 32

20K 706 94
                                    

CHAPTER 32


"Kung hindi mo mamasamain, Mel. Pwede mo bang ikwento kung ano ba talaga ang nangyari? I mean kung paano nagsimula ang lahat? ... para atleast may ideya ako" defensive niyang sabi.

Napatitig ako sa tuhod nitong nakataas, wala naman akong dapat ipag-alala kung sasabihin ko ang lahat kay Jepsen. Alam kong hindi niya ako huhusgahan at alam kong maasahan siya sa mga gantong bagay. Siya lang ang maasahan ko sa ganito bukod kay Ellaine. Atsaka kailangan niyang malaman pagka't siya ang pumuprotekta sa akin.

"Ayos lang naman kung ayaw mong sabihin. Matulog na lang tayo ul–"

"Magk-kwento ako" pagpigil ko ng mabilis niyang tinalukbong ang kumot. Napabalikwas siya ng bangon at tinititigan ako. Bagaman madilim, halata ang gulat sa mukha niya. Tumikhim siya saglit bago tumayo at umupo sa gilid ng aking kama. Isiniksik ko ang sarili hanggang maramdaman ng likod ko ang pader.

Maliit lang kasi talaga ang higaan ko, hindi siya makakaupo ng maayos kapag hindi ako umurong. Noong gabi na dito natulog si Zander, tagilid at yakap niya ang braso sa akin.

Ikinwento ko ang lahat-lahat. Simula sa gabing nag dare game kami sa bar pagdating niya galing probinsya. Noong dinare nila akong halikan ang lalaki na nakaupo sa bar island. Nagulat ito ng mapag-alamang si Zander ang lalaking iyon. Pati ang pagkaiwan ng atm card ko sa condo niya. Ang ilang araw na paghahagilap sa anino ni Zander upang maibalik ang card ko. Hanggang sa offer niyang maging caretaker ng kanyang condo. Ang gala namin sa Palawan hanggang sa pagdating ni Seymour at nangyaring confession kasama ang mga magulang ni Zander.

Ngunit kung anuman ang nangyari sa Palawan ay hindi ko na ikinwento. Alibi ko na lang na kasama namin ang ibang kaibigan ni Zander. Tumango-tango siya at pinakitang naintindihan ang kwento ko. Hindi nakawala ang pagtiim ng bagang niya ng magkwento ako tungkol sa nangyari kasama ang pamila ni Zander.

"Okay ganito na lang. Simula ngayon, kailangan mo ng lakasan ang loob mo. Bawal kang matakot kahit kanino! Huwag mo silang tingnan ng deretso sa mga mata. Hangga't maari, iwasan mo ang mga iyon. Hindi mo naman kasi sila masisisi pagkat mali ang iyong nagawa. Hindi ako magsu-sugarcoat at sasabihing okay lang ang ginawa mo pagkat mali talaga iyon, alam mo iyan, Mel" hinaplos niya ang noo ko at pinadulas iyon pababa sa ulo upang maalis ang mga baby hair na nagtakip sa aking mukha, ginagawa niya iyon ng may ngiti at lambing sa boses "Atsaka matapang ka naman kaya alam kong may laban ka. Hindi ko lang alam kung anong nangyari at tumiklop ka yata"

"Wala ka naman kasi dapat ika takot. Tapunan ka man nila ng masasamang salita at tingnan sa matatalim na mata, tanggapin mo at iluwa pagkatapos. Aatake sila verbally at hindi maiiwasan iyon. Hangga't maari ikaw na lang ang umiwas. Kung physically man ay isumbong mo sa akin at ako ang gaganti"

"Ano namang gagawin mo" pinanlisikan ko siya ng mata kahit umaapaw sa saya ang puso ko. Pinipigilan kong maluha dahil pupunain niya lamang iyon.

"Gagawin ko sa kanila ang ginawa nila sa iyo"

"Ikaw!" hinampas ko siya sa braso "Hindi mo kailangang gumanti, parang mas sadista ka pa sa'kin eh"

"Walang sinuman ang makakasakit sa iyo maliban sa akin gaya nito ..."

*PAK*

"Aray pota!" daing ko ng bigla niyang hampasin ng pagkalakas ang braso ko. Pinanliitan ko siya ng mata at gumanti ng mas malakas "Kahit kailan, siraulo ka talaga. Matulog ka na nga!" sabat ko at tumalikod sa kanya.

Bumungisngis ito at binigyan ng halik ang ulo ko bago muling humiga sa folding bed. Wala akong nagawa kundi ang ngumuso at ipikit ang mga mata. Hindi ko man sabihin, alam kong malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng ginagawa niya sa'kin. Nakangiti kong hinanda ang sarili sa pagtulog.

Hiding From Montreal's SonWhere stories live. Discover now