Chapter 29

6 1 0
                                    

Zadie's POV:

Nagising ako dahil sa napakalamig na tubig na bumuhos sa'kin. Nang mag-angat ako ng tingin ay isang demonyo ang nakita kong nakangisi sa'kin.

"Akala ko anghel, demonyo pala," bulong ko ngunit sapat lang para marinig niya. Narinig ko ang pagtawa ng mga lalaking dumukot sa'kin kaya napangisi ako.

"Sige tumawa kayo! Tumawa kayo nang tumawa at isasama ko kayo sa pagkamatay ng babaeng 'to!" galit na sigaw nito dahilan para mapatigil sila.

Matapang ko namang sinalubong ang mga tingin niya sa'kin. "Anong kailangan mo sa'kin?"

"Bastos ka talagang bata ka kahit kailan, nagsisi talaga ako na naging anak kita!" sigaw nito sa'kin na ikinatawa ko.

"Mas nagsisisi kami na naging ina ka namin"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko. Muli akong humarap dito at ningisian siya. Alam kong pambabatos ang ginagawa ko pero sa mga katulad niyakahit siya pa ang totoo kong ina, hindi niya deserve ang paggalang ko.

"How dare you! Pasalamat ka at inuluwal ko pa kayo ng kapatid mong isa pang walang kwenta! Sana nga pinalaglag ko nalang kayo!" sigaw nito sa'kin.

I clenched my fist in anger. Bakit kailangan pa naming magpasalamat sa kaniya ni Zion? Kailan ba siya naging ina samin?

"Kung alam ko lang na gagamitin mo si Dad para pabagsakin ako, sana matagal na kitang pinatay! Kayo ng walang kwenta mong kakambal!"

"Sana nga! Sana nga pinalaglag mo nalang kami! Sana nga hindi mo nalang kami iniluwal at nang hindi rin namin makilala ang isang tulad mo! Walang kang kwentang Ina!" sigaw ko rito nang muli niyang banggitin ang pangalan ni Zion.

Sa pangalawang beses ay muli akong nakatanggap ng sampal sa kaniya ngunit wala akong pakialam kahit paulit-ulit niya akong saktan, wag lang si Zion. Huwag na huwag lang niyang idadamay at sasabihan ng mga masasakit na salita ang kapatid ko.

"Ano bang ginawa namin sa'yo? Anong bang ginawa namin at hindi mo kami matanggap-tanggap?"

Wala sa sariling natawa ako sa mga lumabas sa bibig ko. Bakit ko pa ba tinanong iyon?

"Dahil lahat nalang ay aagawin niyo sa'kin! Ang atensyon ni Dad, ni Mom, at ni Zoren!" sagot sa'kin nito. Hindi makapaniwalang tumingin naman ako sa kaniya. Sobrang immature niya ba? Kulang ba siya sa atensyon?

"Dahil lang doon?" hindi makapaniwalang tanong ko rito. I smirked as I stared at her. Mata sa mata. "Gusto mo palang na sa'yo lahat ng atensyon, bakit hindi ka magpasikat?"

"Shut your mouth! Wala kang alam! Wala kang alam sa pinagdadaanan ko!"

"Bakit? May alam ka rin ba sa pinagdadaanan namin? Inisip mo ba 'yung mararamdaman at naramdaman namin dahil sa mga ginawa mo? Wala ka ngang pakiramdam!" sagot ko rito. Muli na naman akong nakatanggap ng sampal sa kaniya.

Naramdaman ko na ang pamamanhid ng mga pisngi ko, ngunit hindi ko magawang makakilos dahil nakatali ang mga kamay at paa ko sa upuan.

"Dapat kang mamatay, kayo ni Zion. Dahil kung hindi, sa inyo mapupunta ang lahat ng mga pinaghirapan ko at ni Dad. Hindi ako makakapayag, Zadie. Mas gugustuhin ko pang mapunta kay Zarine ang lahat kaysa sa inyong magkapatid!"

"Edi kuhanin mo! Diyan ka naman magaling, e. Sarili mo lang ang iniisip mo, sakim ka Mrs. Villin. Lahat ng luho gusto mo nasa mga kamay"

Lie AgainWhere stories live. Discover now