Ika-apat na Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang Reluctant Cougar

5.8K 148 18
                                    

Napansin ni Joseph na nakatulala si Sophia na parang gulat na gulat.

"Hoy! Hindi kita gagahasain. Gusto ko lang sabihin sa iyo na walang kwenta ang bagay na pinag-aalala mo." Sabay ngiti nito kay Sophia

"Alam ko naman iyon. Ano namang akala mo sa akin, mapaniwalain?"

"Napansin ko kasi, parang natakot ka. Sa edad mong iyan, natatakot ka pa. Dapat kasi ineexplore mo yung mga sexual nature mo." Payo nito sa kausap

"Ah. Mister! Kumakain ako kung anu-anong kinukwento mo. Kung nademonyo mo ang kapatid ko about sa sex na yan, ibahin mo ako. Kung ibibigay ko man ang virginity ko, gusto ko sa tamang tao at hindi dahil na-tripan niyo lang."

"Wow! Alam mo ba, according sa studies na mas healthy at mas may maliit na tsansang magkasakit ang mga taong active sa sex." Pagyayabang ni Joseph.

"At alam mo rin ba na according sa Bible na ang babaeng nawala na ang virginity bago pa ang gabi ng kanyang kasal ay nararapat na batuhin ng bato hanggang sa mamatay. At alam mo rin ba na based sa studies na ang mga taong virgin pa sa age na 19 ay mas mataas ang tsansa na makapagtapos ng kolehiyo, makahanap ng magandang trabaho at yumaman? Sa itsura mo pa lang, 14 years old pa lang siguro, hindi ka na virgin." Nainis na ng patuluyan si Sophia.

"Bakit ba galit na galit ka sa akin? Ano bang ginawa ko sa iyo? I was just being nice. Ilang beses ko sinubukan na mag-start ng conversation pero palagi mo akong binabara. May kasalanan ba ako sa iyo?" Napatayo sa upuan si Joseph, hindi siya makapaniwala na may babaeng ayaw siyang kausap, at ang masama pa doon isang kwarenta anyos na babae na walang karelasyon pa.

Sandaling napaisip si Sophia, wala naman talaga siyang maalalang bagay na ginawa sa kanya nito na maituturing na talagang masama. Pero hindi niya alam kung bakit galit siya sa binata. Alam niya sa sarili niya na hindi naman mainit ang dugo niya kay Joseph. Hindi rin naman siya talagang pala-away, madalas nga ay umiiwas siya sa pakikipagkwentuhan sa mga lalaki.

"Siguro may gusto ka sa akin, hindi mo lang masabi kaya galit na galit ka." Lumapit siya kay Sophia at tinanggal ang damit niya. "Ito bang katawan na ito ang pinagnanasahan mo? One time lang pagbibigyan kita."

Nilapit ni Joseph ang mukha niya dito at akmang hahalikan, ngunit isang malakas na sampal ang tinangap niya.

"Bastos! Kung wala ka nang alam na sabihin, makakalayas ka na ng bahay namin." Sabay turo ni Sophiasa pintuan ng bahay nila na parang pinapalayas na ang binata.

"I'm sorry." Lalapitan niya pa sana si Sophia pero umatras ito. Tumalikod na lamang si Joseph at umalis ng bahay.

........

Kinahapunan ay muli silang magkasama ni Diosa, nagpapatakbo si Diosa ng maliit na negosyo, isang coffee shop na higit na mas affordable kumpara sa nagmamahalang coffee shop at mas mahal kumpara sa instant coffee na naka-sachet. Nakaka-enganyo ang paligid, may ambience ito na parang sa bahay at karamihan sa mga customers niya ay may sariling mundo, may kanya kanyang laptop at sinasamantala ang mabilis na internet. Sa lahat ng nasa loob si Sophie lang yata ang nakalukot ang mukha.

Nilapitan siya ni Diosa na kanina lamang ay abala sa pagestima sa mga customers.

"Huwag ka ngang sumimangot dito, ang bad vibes mo sa negosyo." Inis na sabi ni Diosa sa kaibigan.

"Norman! Nasobrahan yata ang ginawa ko." Nainis siya sa kanyang sarili at hindi siya nakapagpigil kanina.

"Sino si Norman? Wala akong kilalang Norman, tigilan mo ako." Nandidilat ito sa kaibigan habang lumilinga linga sa paligid at baka may makarinig na Norman ang totoo niyang pangalan. "Ano bang problema mo? Naalala mo lang ako kapag may problema ka." Hinatak ni Diosa ang upuan at umupo sa harap ng kaibigan na kunwari ay nagtatampo.

The Last Stop (Completed)Where stories live. Discover now