Ikalabingpitong Kabanata:Mahal Mo, Mahal Ko

4.1K 95 25
                                    

Hindi na napigilan ni Sophia ang sarili niya. Tinakbo niya si Joseph at niyakap ng mahigpit na parang hindi na bibitawan. Sinuklian iyon ni Joseph ng mas mahigpit na yakap. Walang gustong bumitiw sa kanila, tila sa oras na bibitiw ang isa ay hindi na sila magkakasamang muli.

"Mahal kita Joseph, pero natatakot ako," pag-amin ni Sophia.

"Sabi ko naman maghihintay ako, kung kailan ka na handa. Kung hindi ka pa handa, okay lang. H'wag mo lang akong pigilan ipakita ang pagmamahal ko sa iyo. H'wag mo akong itulak palayo. Kasi masakit," sagot naman ni Joseph.

Habang magkayakap sila ay natanaw ni Sophia na nasa parteng madilim na bahagi si Adrienne at umiiyak. Wala siyang magawa kundi ang ibuka ang bibig at imustra ang salitang "Sorry". Matapos iyon ay nagtatakbo palayo si Adrienne.

Bakit nga ba nawala sa isip ni Sophia si Adrienne? Hindi niya naman talaga nais na saktan ito pero wala na siyang magagawa. Hindi niya na kayang masaktan pa, lalo na at sinabi ng binata na kaya siyang tanggapin nito kahit pa maghintay siya.

Makaraan ang ilang sandali ay lumuwag na ang pagkakayakap ni Sophia at Joseph sa isa't isa pero nanatili sila sa ganoong posisyon. Kahit ba nag-uusap sila ay magkayakap sila na parang sumasayaw pa paminsan minsan.

"Ang hirap mong mahalin. Sobra mo akong sinaktan," biro ni Joseph habang inaamoy pa ang buhok si Sophia.

"Ikaw lang ba ang nasaktan? Hindi lang naman ikaw ang mahirap ang sitwasyon."

"Kasi nga pinapahirap mo," sabay tawa ni Joseph, Tiningnan niya si Sophia at hinalikan ng magaan sa kanyang mga labi. "Girlfriend na ba kita?" tanong ni Joseph dito.

Binatukan ng mahina ni Sophia si Joseph. Bumitaw siya sa pagkakayakap at niyaya itong umupo sa bangko na nasa harap ng kanilang bahay.

"Marami pa tayong dapat ayusin. Una, yung relasyon niyo ni Adrienne, dapat kinausap mo muna siya ng maayos bago ka pumunta dito," ani Sophia

"Kakausapin ko siya. Wala namang panalo kung itutuloy pa namin ang relasyon namin. Lalo lang magiging magulo ang sitwasyon kapag ipagpilitan pa namin. Hindi ko rin naman sadyang masaktan siya, wala na lang akong mapagpilian. Nasasaktan ako noon, lumapit siya at nag-alok ng tulong. Sino ba naman ako para tumanggi?" paliwanag nito kay Sophia.

"Tapos, gumraduate ka muna," palusot lang iyon ni Sophia ngunit ang totoo ay alam nito ang pagkadisgusto sa kanya ng Mama ni Joseph.

"Dalawang sem na lang ga-graduate na ako. Ilang months na lang iyon."

"Mag-usap tayo pagkatapos mong maka-graduate," sabi sa kanya ni Sophia.

"Eh ano tayo ngayon?" tanong ni Joseph na parang nagrereklamo pa.

"Kailangan bang lagyan ng label lahat? Gumraduate ka muna kasi bago mo isipin yang mga ganyan." Kunwari'y nainis si Sophia para tumigil na sa kakukulit nito.

"Mahal mo ako, mahal kita pero hindi tayo? Parang anggulo naman," nakakunot na noo si Joseph na parang ayaw ang kanilang set-up

"So ayaw mo? Bumalik ka na sa inyo." Akmang tatayo si Sophia.

"Sige na okay na yun. Kaya lang...." parang nahihiya si Joseph na sabihin ang kanyang sinasaloob.

"Kaya lang ano?" tanong sa kanya ni Sophia

"Paano yung ano...?" mahinang tanong ni Joseph

"Ha? Hindi kita maintindihan!" malakas na sabi ni Sophia kay Joseph para magulat naman ito.

"Yung sex!" medyo mataas ang boses ni Joseph dala na rin siguro ng pagkagulat kay Sophia.

"Maniac ka talaga."

The Last Stop (Completed)Where stories live. Discover now