Chapter 04

139 7 0
                                    

Chapter 04.

Dumating ang semestral break at kasalukuyan na kaming naglalagay ng gamit sa sasakyan. Tatlong kotse ang dadalhin dahil marami rin kaming gamit. Dada insisted na ilagay sa compartment namin ang hindi kasiya sa iba.

"Keiron, get up!" mahinahong bawal ni Tita Meg kay Keiron na nakahiga sa backseat ng kotse nila. May yakap-yakap pang bolster.

Umungot ito. "Mom. It's 3 AM! My blood cells were still sleeping."

"If you'll sleep like that saan pupwesto ang Kuya mo?" nakapamewang na si Tita sa paanan ni Kei. Sakto namang lumabas si Kuya Wilton sa bahay nila bitbit pa ang ibang gamit.

"Dito na lang si Wilton sa kotse namin, dalawa lang naman kami ni Nixie." 

Mabilis kong nilingon si Dada na katabi kong inoorganize ang mga gamit sa compartment namin. Nagtataka niya akong tinignan. "Gusto mo ba mahiga sa backseat?" he asked, assuming my reaction.

"I'll sit on the shotgun. Para may kapalitan ka rin Tito sa pagmamaneho." ani naman ni Kuya Wilton, dumaan sa likuran ko.

"Salamat, iho." Natutuwang pinat ni Dada ang balikat niya bago pumalit sa tabi ko at nilagay ang gamit na dala sa compartment ng kotse namin.

Nginitian niya ako nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Ang pogi niya kasi sa simpleng grey hoodie, white shorts, at black sliders. Agad akong tumalikod at pinuntahan si Lexa sa bahay nila.

Nakasalubong ko pa sila Tita Lorraine, naglalabas ng gamit nila. Sinabi nitong nasa kwarto ni Gab si Lexa, tinutulungan ang kapatid sa pag-aayos ng gamit nito.

"Lexa! Kasama ko si Kuya Wilton sa byahe!" anunsyo ko, hindi bothered sa presensya ni Gab dahil lagi naman itong nasa paligid noon pa man. At napatunayan kong hindi siya madaldal dahil wala pa ring ideya ang iba na may crush ako kay Kuya Wilton.

"Puno na ang kotse nila?" saglit niya lang ako tinignan dahil abala siya mag-oorganize ng gamit ni Gab sa maleta.

I huffed. "Apparently, gustong iunat ni Kei ang katawan niya sa backseat sa kaantukan kaya walang pwesto si Kuya Wilton."

Napailing-iling siya, tipong expected niya na 'yun kay Kei. "Kung hindi lang siya si Keiron baka isipin ko nang ginawa niya 'to para mapalapit ka kay Kuya Wilton."

Tumango-tango ako nang marealize na may point siya. 

Galing sa pagtutupi, inosenteng tinaas ni Gab ang tingin niya sa amin. "Bakit po hindi?" tanong niya. 

Nagkatinginan kami ni Lexa. Nakikinig pala 'tong si Gab.

"Kasi magagalit si Kuya Keiron mo kapag nalaman niyang may crush si Ate Nixie mo kay Kuya Wilton mo." detalyadong paliwanag ni Lexa rito.

Ginilid ni Gab ang nguso sa kanan. Ang cute! "Hm. Bakit naman po siya magagalit? Normal lang naman po magkacrush."

Pinat ni Lexa ang ulo ni Gab. "Oo naman. Pero iba kasi situation ni Ate Nixie. Best friend siya ni Kuya Kei habang kapatid naman si Kuya Wilton. Nawitness ni Kei tumanda ang dalawang 'yan."

Bahagyang kumunot ang noo ni Gab, halatang hindi nagets ang punto ni Lexa.

Sinabangutan ko si Lexa. "Tatlong taon lang naman tanda sa akin ni Kuya! T'yaka magiging legal age na ako next year!"

Inilingan niya ako. "It's not the age, Nix. Halos magkapatid na kayo. Yun ang makikita ni Keiron."

Lalo akong napasibangot. Ganun ba kaweird 'yun? Anong magagawa ko e crush ko nga si Kuya Wilton? Sino bang hindi? Almost perfect na siya! Mabait. Matalino. Matangkad. Pogi. Amoy pogi. Malinis. Literal na mabango.

Rules of Roleحيث تعيش القصص. اكتشف الآن