Chapter One

49 12 46
                                    

Simula:


"Ma, stop setting me up on dates."


"Last na 'to si Kiana, nak! Maganda at saka matalino 'yon, ang sabi nga Cum laude siya noong college. 'Tsaka anak pa iyon nang kumare ko at magka-edad kayo." Sagot naman ni Mama mula sa kabilang linya.


"I don't have time for dates, Ma. I have to go. Boarding na kami."


"Boarding? Teka, Star, saan ka pupunta? Mamaya na 'yong date mo."


"We have a client in Ilo-ilo City. I'll be back next week or so."


"Teka, nak! Paano 'yong anak ng kumare ko?"


"Bye, Ma. Love you!"


"Star, anak!—"


Binaba ko na ang tawag ni Mama. Nag check pa ako ng phone ko bago tuluyang pinatay na iyon. Simula noong tumuntong ako sa edad na 29 ay hindi na natigil ang paghanap ni Mama sa akin ng girlfriend. Natatakot kasi siya baka tatanda raw ako mag-isa.


Siraulo.


"This is the final boarding call for passengers Asterio Salazar and Lance Guerrero booked on flight 372A to Ilo-ilo City. Please proceed to gate two immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for passengers Asterio Salazar and Lance Guerrero. Thank you."


"Star, tara! Tawag na tayo." Napalingon ako kay Lance na hawak-hawak ang bagahe namin. Tumango lang ako sa kanya at hinawakan ang sling bag kong itim. Pinakita muna namin ang boarding pass t'saka ID bago tuluyang umakyat ng eroplano.


Sanay na ako sa mga biglaang byahe katulad nito. Ganito kasi palagi ang situasyon kapag may bagong client tapos hindi malapit ang location sa office. Ako agad pinapadala ng CEO o ng Project Manager namin lalo na't mahalaga ang prohekto. Kasi alam ko na agad ang lahat nang gagawin sa mga ganito. Halos limang taon ba naman akong nagtatrabaho roon, hindi pa ba ako masasanay?


"Star, tignan mo. May gusto ata sa'yo 'yong flight attendant kanina pa nakangiti oh." Siniko pa ako ni Lance kaya napatingin nalang din ako sa tinutukoy niya.


"Kasama sa trabaho nila ang ngumiti sa atin, bobo."


"Sayo lang kaya siya nakangiti, tignan mo papunta siya rito sa atin. Umayos ka." Nakita ko nga ang paglapit sa amin noong attendant kaya napaayos kami ng upo.


"Hi. Would you like something to drink? We have soda, coffee and tea as well as alcoholic beverages."


"Bottled water." I answered directly.


"Ah, sakin coffee, no cream, no sugar. Thank you!" Agad na sagot ni Lance kaya umalis na agad ang attendant. "Kaya ka walang girlfriend kasi hindi ka marunong kumausap ng babae."

The Five Stages Of YouWhere stories live. Discover now