Chapter 10

299 4 2
                                    

"Why, Patatino,where is your dad?" Tanong niya sa bata.

"I don't know po." Inosenteng sagot nito.

"Didn't your mommy tell you where your dad is? It's your right to know, Patatino." Sabi niya pa sa bata.

"Mommy." Sabi nito na parang nanghihingi ng saklolo dahil hindi nito alam ang isasagot.

"Kayden, go to your Tita ninang now!" Sabi nito sa anak sa pagalit na tinig. 

Sumunod agad naman ito sa sinabi ng ina. Bumaling agad ito sa kanya pagkatapos na umalis ang bata.

"You know what, you're too quidnunc and a meddler with others life." Inis na sabi nito sa kanya.

"Wews! Tsismoso at pakialamero na pala ang tawag sa taong nagmamalasakit lang sa kapwa niya." Sagot niya naman.

"Why not? Nobody gives you the right to meddle someone's life anyway. So obviously you're a quidnunc and a meddler!" Prangkang sabi nito.

"If you will see me like that then, so be it. Maybe I'm not that selfish and inconsiderate like you by not considering what it feels not knowing the whereabouts of your son's father when he is growing up. Pinagkait mo sa anak mo ang mga bagay na bubuo sa kanya!" Sabi niya pa dito na parang puno ng hinanakit para sa bata sa hindi niya alam na kadahilanan at saan siya humuhugot para maging ganoon ang asta niya.

"You don't have any single idea about me and my son to react like that! And you know what, Massimo slash my former MASTER, you don't have the right to judge me like that as if you know my sufferings! Try to put yourself in my situation first, before you question me being a selfish and inconsiderate mother to my son by not considering his feelings, because I'm not!" Sabi nito na puno ng hinanakit at tagos na tagos sa kalooban ng sino mang makakarinig sa sinabi nito. 

"You are!"

 Para siyang nabingi sa malakas na sampal na dumapa sa kanang pisngi niya. Huli na para mabawi niya ang kaniyang sinabi at nasampulan na agad siya ng mga palad ni Naomi.

"How dare you?! You're still an asshole, Massimo!  An insensitive asshole! Walang filter 'yang bunganga mo kahit kailan! May pinag-aralan ka naman siguro para isipin mo muna ang ilalabas ng bibig mo kung makakasakit ka ba o hindi ng kapwa mo! At saka inaano ka ba para umasta ka nang ganiyan? Sa pagkakatanda ko hindi ka naman namin kaano-ano at lalong hindi ka naman ama ng anak ko!" Bulyaw nito sa kaniya.

Para siyang nahimasmasan dahil sa narinig kay Naomi. Napatigil siya at parang nilamon ng kahihiyan.

" I'm so s-sorry for what I've  said." Hinging paumanhin niya dito ng nahimasmasan na siya.

"Dapat lang!" Mataray na sabi niya dito.

"Hephep! Tapos na ba ang drama niyong dalawa?" Sabi ni Monteiro na kanina pa siguro nakamasid sa kanila sa may hagdan; at isang babae naman na hindi niya kakilala na nakatunghay lang din na inaarok siya ng tingin. Ang sama-sama nang tingin nito sa kaniya!

"Shut up, AK!" Sabi ng unang nakabawi na si Naomi sa sinabi ni Monteiro.

"So, magkakilala talaga kayong dalawa, Wilden at Nao?" Tanong nito habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila.

"What do you think?" Magkasabay na sagot nilang dalawa.

"Ang cute niyo namang dalawa, magkasabay pa talaga kayong sumagot sa akin! Hindi naman halata na iisa ang iniisip niyo o baka pati ang tinitibok ng puso niyo? Ahihihi kenekeleg ako, shems." Oa nitong sabi na inirapan nang malala ni Naomi.

"Alam mo ang OA mo pinsan! Magkasabay lang bigkasin 'yong, what do you think, iisa na agad ang iniisip? Sabagay shunga ka lang talaga para hindi isipin na iyon lang ang isasagot sa tanong mong pangbobo." Singit ng babae na nakatunghay lang sa kanila kanina at hindi niya alam ang pangalan

RISING FROM HATRED TO LOVE [Completed]Where stories live. Discover now