0

78 2 0
                                    

“I’m coming back home tomorrow mom” nagsalin ako ng wine sa baso ko at naglakad papuntang sofa.

“What about our business there?” I’m in the US right now and yes ako na ang nag-asikaso ng family business namin dito. Kasama ko naman si kuya dahil dito na sila nanirahan ng asawa niya. And yes ito rin yung business na iniwan ni Ann para ipagpatuloy ang pagtuturo n’ya.

"Kuya can manage it naman atsaka malaki naman na yung kapatid ni Ann kaya na niya na wala ang guide ko. And pinapauwi  na rin ako dahil tatanda daw akong dalaga dito.” I chuckled. Concern na concern si kuya sa lovelife ko eh wala naman akong balak magkaron non.

Tatanda ka talagang dalaga, lahat ng nanliligaw sayo pati si Jake binabusted mo. ” I rolled my eyes, pati ba naman tong si mama.

“Mom! Mas bata sakin si Jake and kapatid niya si Ann nakakadiri kaya yon, Ibababa ko na po ito. goodnight I’ll see you tomorrow.”

“Okay ingat sa byahe, I love you nak”

“I love you too mom” at binaba ko na ang tawag at ininom ang wine na hawak ko. Bigla namang tumunog ang phone ko at nakita ang notification mula sa ig.

Itsmecassy: girl I heard you’re going home tomorrow, wanna go clubbing?

A dm from my friend, Cassandra.

Heyymelisse: Ang lakas mo namang makasagap ng chismis. Pag-uwi ko may jetlag pa ako tas gusto mong magclub agad?

kahit kailan talaga tong babaeng to.

Itsmecassy: Alam ko naman kasing ilang taon ka nang tuyot, worried lang naman ako baka malanta ka na.

Heyymelisse: wow nagsalita ang may dilig. Matutulog lang ako pag-uwi ko next time na lang tayo magclub.

Itsmecassy: ok fine whatever floats your boat. Just dm me if you’re here na ha? Ingat.

Hindi na ako nagreply sa kanya at natulog na dahil maaga pa akong babyahe bukas.

PAGKALABAS ko ng airport nakita ko agad ang pabanner ni mama.

“Anak, dito!” sigaw niya. Agad akong lumapit sa kanila at yumakap

“Ano ba naman yan pa, ma may pabanner pa kayo.” Pabiro kong wika.

“Ayan kasing mama mo ayaw paawat, baka daw di mo kami makita.” Sabi ni papa at kinurot ang tagiliran ni mama.

“Wala ka namang kasweet-sweet sa katawan mo hon. Shempre ang tagal ko ding hindi nakita tong prinsesa ko.” At niyakap niya ako ng mahigpit.

“Namiss ko po kayo” I hugged them both, hindi naman kami matagal nagkahiwalay dahil umuuwi rin naman sila sa US pero iba pa rin talaga pag nawalay sa kanila.

“We missed you too our princess” dad said. “Tara na sa sasakyan, nakakapagod bumyahe kaya umuwi na tayo para makapagpahinga ka.”

Hindi pa alam ni Ann na nakauwi  na ako, I’ll just call her later because for sure she’s working right now. Hindi naman kami nawalan ng komunikasyon, madalas ko ring nakikita ang half brother niya sa US dahil head siya ng finance department. 

Pagkapasok ko sa kwarto ay binagsak ko agad ang katawan ko. Ang gusto ko lang ngayon ay matulog dahil sa sobrang nakakapagod na byahe.

Walang nagbago sa kwarto ko, kung ano ang itsura nito noong umalis ako ganito pa rin hanggang ngayon. Napatingin ako sa sliding door papasok ng balcony.

Together In The Dark (Ken Suson)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum