1

43 6 2
                                    

Naranasan mo na bang masaktan kahit hindi mo alam ang dahilan? Yung bigla na lang parang pinipiga yung puso mo o di kaya ay kumikirot.  Hindi ka sigurado kung nasasaktan ka ba talaga o may sakit ka. Nasasaktan ka kahit wala namang karapatan, bakit sino ka ba sa buhay niya?

Napangisi na lang si Melisse dahil sa iniisip niya. Maingay ang paligid subalit ang tanging naririnig niya lang ay ang boses sa utak niya. Ilang taon na rin ang lumipas noong mawalan sila ng komunikasyon ni Ken. Ilang taon na ang lumipas noong huling beses n'yang makita nang malapitan ang binata. Kanina na lang muli ang unang beses. Maraming nagbago kay Ken at paniguradong mas lalong dumami ang tagahanga nito dahil sa taglay nitong visuals at karisma.

Hoy bat ka naka-upo d’yan? Tara sa gitna” aya sa kanya ni Cassandra, nasa isang night club siya ngayon na exclusive lang sa kanila dahil inupahan ng birthday girl. Marami ring tao ang nasa loob.

“Ang daming tao, mga kaibigan mo ba silang lahat?” tanong ni Melisse dito nang maupo ito sa tabi niya at sumimsim ng cocktail.

“Hindi, yung iba kaibigan ng kaibigan ko. Ano ka ba? Diba sabi ko sayo bring your friends? Bakit mag-isa ka lang pumunta?” oo nga pala.

Tanga, kauuwi ko nga lang diba? Sinong dadalhin ko eh ilang taon akong nawala."   Wika ko. Di ko naman na madadala si Ann dahil busy daw sya.

"Hay nako, wala ka na talagang buhay simula nung umalis ka. Baka wala ka na ring sex life ha" walang preno nitong wika.

"Gago ka ba? shempre wala. Wala naman akong boyfriend."

“Tuyot na tuyot ka na talaga. Tara na sayaw tayo sa gitna, may ipapakilala  ako sayo.” Hinila siya nito at dinala sa gitna. Dahil medyo naka  inom na rin siya kaya hinayaan na lang niya ang katawan niya na sumabay sa tugtog. Habang sumasayaw ay di niya namalayang wala na sa tabi ni ang kaibigan at  may lumapit sa kanyang lalaki na sa tingin niya ay kaedaran niya lang din.

“Hi, are you Melisse?” tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Medyo may kagwapuhan ito at mukhang may lahi.

“yes, do I know you?”  iilan lang ang namumukhaan niya sa loob dahil ang iba dito ay batchmates, at common friends. Lumapit ang binata sa tainga niya dahil sa sobrang lakas ng tugtog

“Nope, but I always see you at school before. I'm from faculty of Engineering, Mike” nilahad nito ang kamay niya upang makipagshake hands. Tinanggap naman ito ni Melisse at lumapit din sa binata upang marinig siya. Ah, so batchmates pala sila noon. Malayo ang building ng Education sa Engineering at di rin siya madalas pumunta doon.

“Ah are you with your friends?” 

“Yes, do you want to join in our table? I guess you are alone tonight” Wala naman siyang kasama at yung kaibigan niyang may birthday ay iniwan na sya sa gitna kaya pumayag na siya. Naramdaman niya ang kamay ng binata sa kanyang baewang at iniiwasan siyang mabangga dahil sa siksikan sa gitna ng entablado. Huminto sila sa harap ng isang table.

“Hey guys this is Melisse, remember her?” Mike said. Inilibot ni Melisse ang tingin niya sa mga taong nasa harap niya. Dalawang babae at tatlo na lalake ang nasa isang table pero sa isang tao lang huminto ang mata niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Together In The Dark (Ken Suson)Where stories live. Discover now