Chapter 3 ( Unexpected Visitor.......s )

164 5 0
                                    

***【∆∆∆】***


Gustuhin ko mang itapon nalang ang wallet at mga card ngunit hindi ko ginawa nilagay ko nalang ito sa bag na lagi kong dinadala, pinagpatuloy ko ang paglalagay ng ibang gamit ko sa isang kahon, kailangan kong makahanap ng ibang malilipatan, matapos magligpit ay umalis ako sa bahay para magpunta ng mall, bibili ako ng cellphone na kailangan kong gamitin ngayon dahil maghahanap ako ng murang bahay.


Pagdating ko doon ay tinignan ko ang mga cellphone na naka display sa mga estante, patuloy ako sa paglalakad habang nagtitingin-tingin pwede na saakin iyong mura lang.

" Miss patingin naman nito? " Tawag ko sa isang babaeng sales clerk at tinuro ang isang cellphone na hindi gaanong kalakihan, nilabas niya iyon sa istante, agad ko naman iyong inabot at binusisi, mmmhhh maganda ang Specs ng hawak kong cellphone, GuavaMobile ang tatak niyon.

" 3 GB Ram napo yan at 64 GB Rom, 64 Mega Pixel ang back at 13 MP naman sa front camera, 10x naman ang Zoom capacity 5'5 Inch full scre-- " Pinutol ko na ang sinasabi ng babaeng clerk dahil alam ko naman lahat iyon, ikakahiya ako sa kurso kung sakaling hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga nakalagay na spec sa mismong box ng cellphone.

" Magkano te? " Tanong ko, may pinakita siya sakin na papel na parang brochure

" O % interest po siya thru Credit at kapag may credit card kayo ay wala pong down pero pag thru Go Credit po need ng 5,000 DP, at 2,589 naman po ang monthly good for 6 months, pag cash naman po 13,999 " Sagot ng sales clerk, napaisip ako, siguro naman pwede kong gamitin once yung credit card ni damonyo, napangiti ako atleast makakaganti na ako, naiimagine ko tuloy ang itsura ng damonyong iyon, hahaha baka lalong mapanot iyon kapag nakitang ginamit ko ang credit card niya, naiimagine ko kasi ang itsura niyang, panot at pandak, matabang malaki ang tiyan at ubod ng sama ng mukha dahil masama ang ugali niya, nagmana sa itsura niya.


" One time payment nalang po thru Credit Card " Sagot ko, tumango ang babae

" This way ma'am please " Nakangiting yaya sakin ng babaeng clerk papunta sa front desk ng shop, agad akong sumunod hindi ko ginamit ang totoo kong pangalan ng mag fillup nako ng purchase form, nilabas ko ang kulay dilaw na card ni damonyo hindi kona ginamit ang silver o gold card niya dahil tiyak na million ang halaga nun, nang ibigay sakin ang keyboard ng card reader agad kong nilagay ang pin na alam kong tatanggapin ng monitor, KLOPL - 55875 gotcha! Nakangiti kong tinanggap ang paper bag na kinalalagyan ng cellphone at mabilis na umalis sa shop matapos ma confirm ang purchased, naglakad ako papunta sa maliit na shop saka bumili ng sim na smart, niloadan ko na din iyon, nang matapos ay nagmadali na ako para umuwe. Pagdating ko sa bahay ay gulo gulo ang mga gamit ko, nanlaki ang mga mata ko, kayat walang anu ano'y nilagay ko nalang sa isang backpack na black ang ilang importanteng dokumento ko ukol sa pagaaral at ilang personal na gamit, ang dalawang uniform at sapatos at ang isang photoframe ni Itay, nagmadali akong lumabas ng bahay hindi ko na ito naisara, sino kaya ang siraulong pumasok sa bahay ko? Natanong ko nalang sa sarili.

" Anyang naku iha mabuti't ngayon ka lang ang daming naghahanap sa iyo, siguro iyong Salvatore na gustong bawiin ang San Isidro, baka nagalit iyon dahil sa nagsalita ka sige ine umalis kana dito baka maabutan kapa, magiingat ka anak, gabayan ka sana ng Panginoon. " Natatarantang sabi ni Aling Nameng sakin, isa sa mga kapit bahay ko na malapit na ding mawalan ng tirahan, hindi kona nasagot ito dahil may natanaw akong lalakeng naka itim na uniporme na papalapit sa pwesto namin, agad na akong tumakbo, taxi na ang napara ko pag labas ko ng brgy, nagpahatid agad ako sa San Sebastian, tatlong barangay bago ang San Isidro, pagod akong umupo sa isang bench malapit sa simbahan kung saan ako nakarating, nilabas ko ang bagong cellphone ayon doon ay alas tres na ng hapon, agad akong naghanap ng murang bahay, kinse minutos na akong nagbro-browse sa internet ng mamataan ko ang isang hindi kaliitan na bahay, 80,000 ang halaga ng bahay, agad kong tinawagan ang numerong nakalagay sa ad.

His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )Where stories live. Discover now