Chapter 16 ( Date )

136 6 0
                                    

^√^√^√^}}{{^√^√^√^





Halos hindi na mapatid ang ngiti sa labi ko habang naka-akbay sakin si Damon habang naglalakad papunta sa mga maliliit na pwesto malapit sa bay watch, nang makita kong bukas na ang kainang madalas kong puntahan ay nakangiti akong lumingon kay Damon na naka poker face lang, hinila ko ang kamay niya at lumapit sa pwesto nila Aling Ima, nakita naman ako agad ni Mang Berto,




" Uyy Anyang medyo matagal-tagal ka na din hindi nakakapunta dito, kamusta baga iha? " Tanong agad nito, mas lumawak ang ngiti ko





" Ayos naman Mang Berto, siya nga po pala dalawang order po, tapos samahan niyo na din po ng isang order ng Mami at dalawang balot ipapatikim ko lang po sa kasama ko, tapos dalawang pilsen nalang po panulak " Nakangiti kong sabi





" Mahal, Dalawang Ulo't paa, tyaka isang Mami dito ke Anyang, sino baga iyang kasama mo? " Saad ni Mang Berto, ngumiti ako at tumingin kay Damon, anu bang sasabihin ko? Mapapangasawa?





" N---nobyo ko po si Rogue " Sagot ko nalang at hindi nalang nilingon si Damon, natatakot ako baka magalit




" Ayy siya nga? Bagay kayo, ayy sige at aasikasuhin ko lang ang order niyo " Sabi nito habang nakangiti,



" Okey ka lang ba? " Tanong ko sa kanya, tumingin naman siya sakin, saka napabuntong hininga habang tumatango, bahagya akong ngumiti




" Masarap ang mga tinitinda dito promise, kapag hindi mo nagustuhan sapakin mo nalang ako " Bulong ko, hindi siya makapaniwala habang nakatingin sakin



" Really? " Pabulong na singhal niya, napaiwas ako ng tingin, maya-maya pa ay sinerve na ni Mang Berto ang pagkain, nakangti niya kaming tinanguan, hindi naman mapinta ang mukha ni Damon habang nakatingin sa kalaykay ng manok at ulo, maging sa dalawang balot na nasa mangkok, kinuha ko ang beer saka wala sa loob na napalagok, napatingin naman ito agad sakin,






" A beer? " Amuse na tanong niya, tumango ako, tumayo ako saka ko siya hinila papunta sa may gilid sa may malaking drum na ginawang portable lababo


" Sige na maghugas kana dali " Yaya ko, walang salitang naghugas naman siya, nilabas ko ang isang maliit na face towel at inabot sa kanya ng matapos siya, bumalik kami sa table namin matapos naming maghugas, ako na mismo ang nagtanggal ng manok sa stick para sa kanya, nakatitig lang siya sa ginagawa ko, saglit kong binabad sa suka ang mga manok tapos binalik ko sa plato niya, nakangiti ko siyang sinulyapan, kumuha ako ng sapat na ulam at nilagay sa kanin saka sinubo sa kanya, kumunot pa ang noo niya






" Kain na Damon " Nakangiti kong sabi habang naka umang ang kamay na may kanin sa bibig niya, dahan-dahan niyang sinubo, muli ko siyang sinubuan pero pinakita ko sa kanya at pinaliwanag kung paano magkamay, sinunod naman niya ang sinabi ko at gamit ang kamay ay kumain siya, nung una ay inaalalayan ko pa siyang magkamay pero kalaunan ay natuto siya nakangiti kong hinarap ang sarili kong pagkain, nilapit ko sa kanya ang Mami





" Tikman mo yan masarap din yan " Nung una hesitant pa siya ngunit walang kibong sinubukan niya lahat ng sinabi ko, tuwang-tuwa ako dahil hindi siya nagrereklamo bagamat walang kibo, halos sabay lang kaming natapos sa pagkain, sabay din lumagok ng Beer, napatingin siya sa balot, kinuha ko ang isa at pinakita sa kanya kung paano iyon kainin, nanlaki ang mata niya ng makita niya ang sisiw, ngumiwi ang gwapo niyang mukha, natawa ako





" Masarap to, try mo kasi, lagyan mo siya ng asin or kung gusto mo suka na may sili, try mo lang dali na Damon " Pagpipilit ko, ayaw talaga niyang tapunan man lang ng tingin ang balot, napailing ako




His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon