Chapter 32

175 13 1
                                    

Sharlene's POV

Gumising ako ng maaga para pumunta sa playground bago kami umuwi ni Mama.

Ang bilis ng panahon... Parang kailan lang bata pa ko at dito ang puntahan ko. Naglalaro, nageenjoy, walang iniisip na problema o kung ano man. Pero ngayon... *sigh*

Sana pwedeng balikan yung dati para magawa ko yung mga bagay na sana nagawa ko kaya lang... Imposible yun. At siguro hindi talaga ko pinagbigyan ng pagkakataon para gawin yun.

Ang daming nangyari... At hindi ko inaasahan lahat ng yun. Malayo. Sobrang layo doon sa bagay na ineexpect kong mangyari...  Siguro ganun talaga... Mahirap ipredict yung future at... Hindi lahat ng gusto mo sasangayon sa pagkakataon. Pero nandito ulit ako...

Now finally for the first time. I've decided to live one part of my life. Letting out which is a part of me into the world and having a relationship and conflict with the world is my ardent wish. Ocasionally, I pondered this thoughts. Now... Right this instant. I know for certain that my love is coming towards me. He is coming around the corner. (Line from "The Producer")

"Baka ito na yung last na punta ko dito."

"Bakit?" A-Ah... Bakit nandito sya?"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit bawal ba ko pumunta dito?"

"Wala akong sinabi." I looked away.

"Teka nga... 'Wag mong sabihing sinusundan mo ko?"

"Bakit ko naman gagawin yun?" Aish! Pahiya ako dun ah!

"Naisip ko lang baka pumunta ka dito kaya sinubukan kong dumaan para isauli to." He then handed me the flashlight I lend him last night.

"Thank you." He looks serious this time.

"Buti naman nakauwi ka ng safe."

"Nagaalala ka ba?"

"At bakit ako magaalala sayo? Tska kasalanan mo yun nagpagabi ka!"

"Bakit ba ang sungit mo?"

"At bakit ba ang bait mo?"

"Kasi gusto kita!"

"Hala umuulan!"

"Gamitin mo tong jacket ko dali sumilong tayo!"

"Teka yung bike ko!"

"Mamaya na yan!" I was startled when he grabbed my hand.

"Buti nalang nakasilong tayo agad ang lakas pa naman ng ulan." Bakit ba kasi biglang umulan?

"Ayos ka lang Shar?"

"Ah okay lang heto na yung jacket mo thank you."

"Hindi sige sayo muna yan." Pagkasabi nya nun bigla syang tumahimik. Nakatingin lang sya ng diretso habang pinagmamasdan ang  ulan.

"Teka pa'no tayo uuwi nito?" I broke the silence.

"Sharlene." He called me not even taking a glance.

"Seryoso ako dun sa sinabi ko."

"Ha?"

"Gusto kita." I was dumbfounded with what he said. Oo alam ko na may gusto sya sakin pero... Bakit ganun? Parang kakaiba na sa kanya mismo nanggaling yun? Why am I feeling like this?

"Justin hindi ba--"

"Shar please makinig ka muna sa sasabibin ko." I've never see him this serious.

"You don't know how much I gathered the courage to tell you this..." He said as he looked down.

"13 years. For 13 years ikaw lang ang hinangaan ko." Heto ka na naman... Sinasabi ang nasa sa loob mo. At heto na naman ako... Nakikinig sa mga kwento mo noong bata pa tayo.

Right from the Start [SharTin fanfic]Where stories live. Discover now