Chapter 36

299 21 7
                                    

Sharlene's POV

"Ano Besh?! Totoo ba yang sinasabi mo?"

"Oo Shana."

"Sigurado ka ba?"

"Oo nga sya yung nakita ko sa playground nung araw  na yun!"

"Pa'no ka nakakasiguro? Eh 'di ba tiga dun sya? Malay mo naman napadaan lang sya."

"Hindi Besh sya talaga yun dahil nabanggit nya yung tungkol sa pagkikita dapat namin at... Chineck ko lahat ng emails at social media accounts nya at naconfirm ko na sya nga!"

"Ano?! Pa'no?!"

"Naalala mo ba yung sinend nyang stolen shot ko nung debut ko?"

"Oo bakit?"

"Tingnan mo to." I handed her my phone.

"Ano to?"

"Post nya yan sa IG tingnan mong mabuti yung picture nya."

"Haaahhh! Ikaw yung nasa likod 'di ba?"

"Oo tapos tingnan mo yung date."

"April 5? Shocks!"

"Nung debut ko yan at nung araw na sinend nya rin yung stolen shot ko na yun!"

"Pero pa'no? Pa'no sya nakapunta nung debut mo?"

"Yun din ang tanong ko."

"My gosh... Si Justin?! Sya ang Secret Admirer mo?!"

"Teka Besh... So ibig sabihin ba nito magkakilala na kayo?" Siguro kailangan na rin malaman ni Shana ang lahat.

"Oo Besh aaminin na ko. Nakilala ko na sya nung mga bata palang kami."

"Ano?! So matagal mo na palang kilala si Justin?" I just nodded my head.

"Tapos si Justin at yung secret admirer mo ay iisa? My gosh seryoso ba to!" I just heaved a sigh.

"Shocks! I can't believe na matagal nyo na palang kilala ang isat isa!"

"Sorry hindi ko agad sinabi sayo.",

"Kahit sila Jacky wala silang alam?"

"Wala akong sinabihan na kahit sino dahil kahit mismong si Justin... Hindi sya nagpakilala sakin. At... Ganun din ang ginawa nya."

"So you mean... Nagpanggap kayo na hindi nyo kilala ang isa't isa?"

"*sigh* Oo ganun na nga nangyari."

"Grabeng revelation 'to!" Hindi ko na ngayon alam kung anong gagawin ko...

"Ah teka Besh! Kung si Justin nga yung Secret Admirer mo na nageemail sayo for 4 years it means... Haaahhh!"

"Bakit?"

"Kaya ba ganun ka nalang kung makaiwas kay Justin kasi nga may gusto sya sayo at matagal na!"

"Hindi naman dahil lang dun kundi... Iniiwasan ko sya dahil ayoko na... Ayoko na may mapahamak na naman ng dahil sakin tulad ng nangyari kila Annie and Koreen."

"Sharlene! Sharlene! Ayan ka na naman eh! 'Di ba sinabi na namin sayo na wala ka kang kasalanan."

"Pero nakakalungkot pa rin! Nalulungkot pa rin ako sa nangyari at lalong ayokong mangyari yun kay Justin... Na matanggal sya sa Camp, sa grupo nya."

"Anong matatanggal sa Camp? Ah wait lang!"

"Bakit?"

"'Wag mong sabihing... 'Wag mong sabihing may gusto ka na rin kay Justin!" A-Ah...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Right from the Start [SharTin fanfic]Where stories live. Discover now