Chapter 13

1.5K 46 2
                                    

Love Shot

By CatchMe

Chapter 13

GABI na ng makauwi si Jz sa kanyang bahay.Madilim ang paligid at tanging ang ilaw ng kanyang kotse ang nagsilbing liwanag nang makapasok siya sasariling bakuran. Muling dumilim ang paligid nang patayin niya ang makina ng kanyang kotse at lumabas roon.

Tinungo niya ang main door ng bahay at kinapa ang switch ng ilaw at in-on iyon. Ngunit nanatiling madilim pa rin ang paligid. "Brownout?" napailing siya. Kaya binuksan na lamang niya ang pintuan at pumasok. Tinungo niya ang kusina at kumuha ng kandila't pusporo sa cabinet. Sinindihan niya iyon at kumalat ang liwanag sa paligid. Tumambad sa kanya ang natatakpan na lutong pagkain sa mesa.

Napangiti siya. Dahil dumaan pa sa bahay niya ang personal assistant niyang si Neszie at nagluto na naman ng paborito niyang pagkain bago umuwi sa bahay nito.Biglang kumulo ang tiyan niya ng buksan niya ang phyrex at naamoy ang masarap na chicken pork adobo. His favorite food ever at tiyak niyang mabubusog na naman siya nito lalo na't si Neszie nagluto niyon.

Nawala ang ngiti niya sa labi nang maalala si Neszie. Napabuntong-hininga siya. Bumalik na naman sa isip niya ang sinabi ng nobyang si Manilyn na hiniwalayan niya kanina. May gusto raw siya sa personal assistant niyang si Neszie. Muli siyang napabuntong hininga. Dahil aminin man niya sa sarili at sa hindi ay iyon nga ang tama.

Matagal na siyang may kakaibang nararamdaman sa dalaga simula ng araw na naabutan niya ito sa kanyang kusina na nagluluto. At mas lalong lumala iyon ng maging personal assistant na niya ito sa kagustohan nito at ng kaibigan niyang si Marivic.

Pinilit niyang iwasan at kalimutan ang kakaibang pakiramdam na bumangon sa kanyang puso. Ibinaling niya iyon sa nobyang si Manilyn at madalas ay ito ang kasama niya para iwasan ang pagsosolo nila ni Neszie. Madalas kasing nalilito ang puso niya kapag malapit ito sa kanya. Ngunit mas lalong nalito ang kanyang puso dahil kahit anong pilit niyang iwasan at kalimutan si Neszie ay tila biro naman na lagi naman itong hinahanap ng puso niya.

Hanggang sa naramdaman na lamang niya na gustona niya ito laging makasama. Na tuwing magkakasama sila ng nobya niya ay nagmamadali naman siya para makita ang dalaga. Hindi rin siya napapakali kung wala ito sa paligid niya at hindi masilayan ng dalawa niyang mga mata. Saka na lamang lumiliwanag ang mukha niya at mapanatag ang puso niya kapag nasa tabi na niya ang dalaga.

Napadalas na ang paghahanap niya sa presinsya nito. At kung nahuhuli naman siya nito ay idinadaan na lamang niya sa singhal ang dalaga para pagtakpan ang tunay niyang saloobin rito.

At hindi niya inaasahan na lahat ng iyon pala ay nahahalata ng nobya niya. Nahahalata nito na may lihim nga siyang gusto kay Neszie. May lihim siyang gusto na pilit naman niyang itinatago. Ewan nga ba niya at kung bakit hindi niya maamin iyon sa dalaga. Bigla siyang natotorpe kapag nakakaharap ito. Hindi lang natotorpe ang kanyang sarili kundi pati puso niya ay nagsisirko na. At may isa pang nagpapagulo sa isaipan niya. Kung nahalata ni Manilyn na may lihim siyang gusto kay Neszie, si Neszie kaya ay nahalata na may gusto siya rito?

Napabuntong hininga muli siya. Lalo na ng maalala niya ang banta ni Manilyn na gaganti ito sa kanya. At magbabayd daw umano ni Neszie. He needs to do something na hindi madamay si Neszie sa galit ni Manilyn dahil sa pakikipaghiwalay niya rito.

Pero hindi naman niya masisi si Manilyn dahil may rason namn ito na magalit sa kanya. Isa pa, tama rin naman ang sinabi nito na hindi lang dahil sa ugali nito ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa nobya. Kundi dahil na rin sa kagustohan niya na huwag nang mawalasa paningin niya si Neszie. At para hindi na sasakit ang ulo niya sa mga reklamo ni Manilyn sa kanya laban kay Neszie at ayaw na niyang sundin ang mga gusto nito na huwag makipaglapit si Neszie sa kanya dahil ayaw rin niyang pahirapan ang sarili na hindi makasama ng matagal ang dalaga.

"Neszie...what have you done to me?"

Napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Inlove na ba talaga siya sa dalaga? Napailing siya para iwaksi ang takbo ng kanyang isipan at tumayo.Kumuha siya muli ng isa pang kandila at nagsindi saka dinala ang isa para magsilbing ilaw niya sa pag-akyat sa kanyang kwarto.

Napakunot noo siya nang pagdaan niya sa sala ay makarinig siya ng mahinang ungol. Huminto siya. Pinakinggan niya kung saan iyon nanggagaling. Sa sala? Mas lalong kumunot ang noo niya na lumapit doon. Nakita niyang may isang tao na nakahiga roon. Ganoon na lamang ang pagtataka niya ng makilala kung sino iyon.

Si Neszie.

Napasinghap siya at tulad ng madalas na nararamdaman niya ay bumilis ang tibok ng puso niya.Anong ginagawa nito rito? At bakit dito ito natutulog sa sofa? Bakit hindi na lang to umuwi sa kanila? Hinintay ba siya nito?

Ilang sandali niyang pinakalma ang sarili. Nang bumalik sa tamang pagtibok ang puso siya ay lumapit siya rito. Yumuko siya para malapitang pagmasdan ang mukha ng natutulog na dalaga. Napangiti siya ng kumibot-kibot ang labi nito. Napatitig siya roon. Kay pula ng labi nito na kay sarap halikan. Tila may kung anong tumutulak sa kanya para tikman ang mapulang labi nito. Nang sa gano'n ay malaman niya kung gaano katamis ang labi ni Neszie.

Inilapit niya ang mukha sa mukha nito. Napasinghap siya ng tumama sa mukha niya ang mainit na hanging lumabas sa ilong nito. Napalunok siya ng ilang beses at mariing ipinikit ang mga mata.

What the hell am I doing? Tama ba itong ginagawa ko?

Napailing siya na iminulat ang mga mata.

No, hindi tama 'to, aniya sa isipan.

Nagulat pa siya ng biglang lumiwanag ang paligid. Bumalik na ang kuryente kaya pinatay niya ang hawak niyang kandila.

Muli niyang tinitigan ang dalagang mahimbing sa pagtulog. Partikular sa mapulang labi nito. Napalunok na naman siya ng laway at napabuntong hininga na nakatitig doon. Tila tinutulak na naman siya para halikan ito at hindi na niya napigilan pa ang sarili. Yumuko siya muli at inilapit ang mukha sa mukha nito. Ipinikit niya ang mga mata ng isang dangkal na lamang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. At gano'n na lamang angpagkagulat niya ng hindi pa man nakalapit ang labi niya sa labi nito ay niyakap siya ng dalaga. Dahilan para dumikit ang labi niya sa mapupulat't malambot na labi ng dalaga.

Love Shot by CatchMe (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon