Chapter 18

1.5K 37 2
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 18

HINDI alam ni Neszie kung anong gagawin niya ng mga oras na iyon. Gusto niyang lumubog sa kanyang kinatatayuan habang ang puso niya ay dumadagundong sa kaba.

Hindi niya alam kung saan siya babaling para itago ang mukha sa nagkikislapang camera sa kanilang dalawa ni Jz at ang tanging alam lang niya ng mga oras na iyon ay ang humawak ng mahigpit sa braso ng binata at itago ang mukha sa likod nito. Nang sa gano'n ay maitago niya takot at kaba na mababanaag sa kanyangmagandang mukha.

"Relax..." bulong ni Jz na pinisil ang kanyang kamay. Na tila ipinaparating nito sa kanya na hindi sia nito pababayaan. Muli siya nitong niyaya para ipagpatuloy nila ang paglalakad papasok sa venue ng party nang humarang sa kanilang harapan ang mga reporters.

"Jz, totoo ba na wala na kayo ng non-showbiz girlfriend mong si Manilyn San Juan?"

"Siya na ba ang bago mong girlfriend, Jz? Siya na ba ang kapalit ng dati mong nobya na si Manilyn?"

"Totoo rin ba ang rumors na kaya mo hiniwalayan ang girlfriend mo dahil sa ugali nito?"

"O baka naman hiniwalay mo si Manilyn dahil may bago ka nang ipinalit sa kanya? Siya ba? 'Di ba siya ang personal assistant mo, Jz?"

Napaawang ang labi ni Neszie sa sunod-sunod at hindi inaasahang tanong ng mga reporters na humarang sa kanila. Pakiramdam niya nangangapal ang mukha niya at nag-iinit iyon. Ang tuhod niya ay tila nanlalambot at hindi niya alam kung hanggang kailan pa niya kakayaning tumayo sa harapan ng mga ito dahil pakiramdam niya ay pati lamang loob niya ay nanginginig na hindi niya naiintindihan.

Ganito ba talaga kapag isang Jz Zamora ang iyong nakakasama? Bawat galaw at mga nangyayari sa buhay nito ay tudo bantay ng mga reporters? At ang break-up nina Jz at Manilyn ay hindi pa pinalampas ng mga reposters? At pati siya ay ginawa pang dahilan sa break-up ng dalawa?

Hindi siya makapaniwala at kahit na nagsisiksikan sila dahil pinapalibutan na sila ng reporters ay isa rin siya sa naghihintay sa sagot ng binata. Kung ano o sino ang dahilan ng break-up nito ng nobyang si Manilyn.

"I'm sorry, hindi ko masasagot ang tanong niyo. Gusto ko kasing panatilihing private ang anumang nangyayari sa personal kong buhay. Sana irespito niyo na lang iyon kung ano man iyon, salamat." Sagot ni Jz na hindi na pinansin ang iba pang katanungan ng mga reporters dito.

Sakto namang lumabas ang ilang guards at lumapit sa kanila saka tuloy tuloy na silang pumasok sa loob.

Saka lamang nakahinga ng maluwag si Neszie nang tuluyan silang nakapasok sa loob. At kung inaakala nga niyang nakahinga siya ng maluwag ay tila nagkakamali pa siya. Dahil nang makapasok sila ay naagaw rin nila ang atensyon ng karamihan. Mapa-babae man o lalaki na sa kanilang dalawa ni Jz nakatingin.

Kung kay Jz lang sana nakatingin ang mga ito ay maiintindihan niya dahil isa itong sikat na celebrity na kahit sino man ay makikilala't makilala ito.

Pero siya? Sino siya para tingnan din ng karamihan? O sadya lang talaga na makakaagaw ka rin ng pansin ng iba kung isang Jz Zamora ang kanyang nakakasama?

"Wow! Bhe, ikaw ba 'yan?" boses ni Jhoana ang nagpalingon sa kanya. "Mukha kang beauty queen sa suot mo, Bhe." Dagdag pa ng kaibigan na siyang nagpainit sa kanyang mukha.

"Jhoana, ikaw pala." Aniya nang makabawi.

Lihim niyang pinandilatan ang kaibigan na nakatingin sa kanyang kamay na mahigpit na nakayakap sa braso ng binata.

Saka lamang niya mabilis na tinanggal ang mga kamay sa braso ng binata na hindi na niya napansin na nakayakap na pala roon. Napahiya tuloy siya ngunit itinago na lamang niya iyon.

"Oo nga pala, nandito ang table natin. Jz, kanina ka pa hinihintay ni Sir James at may sasabihin daw sa inyo."

Mayamaya ay wika ni Jhoana na itinuro ang table nila kung saan ang katabi nilang table ay siyang table nina Jz at ng mga group mate nitong sina Ice, Gerald, Raffy at Neo. Kasama ang kanilang talent manager na si Sir James na kumaway sa kanila nang mapatingin sila roon.

Muli siyang niyaya ni Jz at sumunod naman siya kasama ang kaibigang si Jhoana na ewan niya at hindi matanggal ang naglalarong ngiti sa labi nito.

Hanggang sa makaupo na sila at si Jz naman ay nagpaalam sa kanaya na sa kabilang mesa lamang ito kasama ang group mate nito. Samantalang ang kasama naman niya sa table nila ni Jhoana ay ang pamilya ng talent manager ng Takeoff na si Sir James.

"Kaya pala kayo nahuli Bhe eh, kasi natakot siguro si Jz na mabangga kayo kasi ang sakay niya ay isang napakaganda't seksing babae na ngayon ko lang nakita." Napahagikgik ang kaibigan niya na tila kinikiliti ng kung sino.

Lihim tuloy niyang sinipa nang mahina ang paa ng kaibigan sa ilalim ng mesa kaya sandali itong natahimik. Ngunit ang ngiti nito sa labi ay hindi pa rin nawawala.

"Shhh, tumahimik ka nga Jho, hindi na nga ako mapakali rito eh. Ang lakas ng tahip ng dibdib ko. Pakiramdam ko gusto kung maglaho rito."

"At bakit hindi ka naman mapakali? Sa gandang mo iyan? Hmm, dapat nga proud ka pa eh. Kasi agaw pansin 'yang kagandahan mo rito sa party. And I'm sure na umuusok na naman ang ilong ni Manilyn sa'yo niyan dahil natalbugan mo ang beauty niya."

Napalingon siya bigla sa kaibigan na hindi makapaniwala sa sinabi nito. "N-nandito si Manilyn?"

Ngumuso ito at sinundan niya ng tingin ang direksyong ituro ng kaibigan sa kanyang likuran. At mula sa pangatlong mesa na inuupuan nila ay ukupado naman nina Manilyn ang isang mesa kasama ang kaibigan nitong si Armi at iba pa na ngayon lang niya nakita.

Tila nanlilisik ang mata nito nang magsalubong ang paningin nila. At hindi pa nakuntento't tinaasan pa siya ng kilay nito.

Hindi niya maipaliwanag sa sarili pero may bumangong kakaibang kaba sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari sa kanya ngayong gabi na siyang ikinakabahala ng puso niya.

"Huwag mo ng pansinin ang mga iyan. Tiyak na naiinggit lang ang mga 'yan sa'yo kasi natalbugan mo sila, Bhe." ngumisi ang kaibigan niya na bumulong sa kanya.

"P-pero...iba ang pakiramdam ko, Bhe. Parang-,"

"Hush! Huwag mo ngang takutin ang sarili mo, Bhe. Napaparanoid ka lang at kung ako sa'yo, i-enjoy mo na lang ang gabing ito na kasama mo ang pinakamamahal mong asawa na si Jz at hayaan mong lumuwa ang mata ng mga 'yan at sumabog ang puso nila sa inggit."

Gusto niya mang magprotista sa sinabi ng kaibigan ay napilitan na lamang siyang tumahimik. Hindi naman kasi siya sigurado sa mga pumapasok sa isipan niya na hindi maganda. Lalo na't nag-umpisa na ang party kaya ibinaling na lamang niya ang pansin sa mga kaganapan sa party na iyon.

Love Shot by CatchMe (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon