Chapter 39

6.1K 205 57
                                    

Chapter 39

Hindi na namin kinailangan ng karagdagang plano ni Alistair. Axl did leave me alone like what I told him. Hindi na siya kailanman nagparamdam sa akin.

Ilang linggo ang lumipas at tuluyan akong bumalik sa dating normal na buhay. At ang mga linggong iyon ay mabigat at mahirap para sa akin. I would cry myself to sleep every night. Sa umaga'y gigising ako na mugto ang mga mata.

I went back to school and tried to focus on my studies. Isang sem nalang ang titiisin ko at iyon ang ginawa kong inspirasyon para makaahon sa pagkakalubog dulot ng sakit sa pagtalikod kay Axl.

Nagkikita kami ni Alistair kapag may oras siya pero mas madalas nalang kaming mag-usap sa cellphone. He would update me about Axl, kung kamusta na ito. Maging ang pagpapalakas niya sa kaniyang lola ay ikinukwento niya sa akin.

To be honest, Alistair has sacrificed a lot more than what I did. He left his girlfriend, na nalaman kong isa pala sa mga kasambahay nila sa mansyon. He did that to save her, dahil tinakot siya ng lola na tatanggalan ng trabaho ang babae. He also did that to make sure he gets to the good side of his grandmother, nang sa gayon ay makuha ang loob nito at makumbinsing itama ang mga mali.

Ginagawa niya ang lahat kahit alam niya na wala naman siyang mapapala para sa sarili. He's very selfless indeed.

Ang sabi niya'y naiintindihan niya ang lola niya. Ipinagpalit ito ng kanilang lolo sa isang babae mula rin sa orphanage na tinutulungan. Naiintindihan ko rin ang galit na maaring dahilan kung bakit namuhi ito sa aming mga mahihirap.

"Wala bang kapatid sa labas ang daddy niyo kung ganoon?" Natanong ko isang araw nang ikwento niya iyon.

He chuckled, "Sadly, the girl my grandfather chose to be with cannot bear him a child."

Napatango ako. "Wala kayong pinsan?"

"Parehong only child ang parents ko, ganoon din ang grandparents at ang great grandparents."

Natawa ako, "Wow.."

Ganoon kami kapag may oras magkwentuhan. Pero lumipas pa ang ilang linggo at naging abala na ako sa mga final requirements para sa pagtatapos ko. Ni hindi ko namalayan na dalawang buwan na pala ang nakalipas.

"He's going to Bahrain tomorrow, to check on our business."

Tumango ako sa balita ni Alistair nang tumawag isang araw bago ang graduation ko.

"Magtatagal siya roon," dugtong nito.

Muli akong tumango. I realized that I couldn't say anything when we're talking about his brother. Masaya ako dahil maayos na ulit ang kumpanya. The issues subsided after a month at mukhang nakuha na nilang ibalik ang tiwala ng mga tao. I am happy that my sacrifice ended so well.

Pero narealize ko din na baka ito na ang tamang panahon para tumigil na.

"Alistair may gusto sana akong sabihin.."

"Yes what is it?"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Matagal ko na itong pinag-isipan at palagay ko ay handa na rin akong tanggapin na wala na talaga, na wala nang pag-asa para sa amin ni Axl.

"Can you..can you stop telling me about him?"

Saglit itong hindi nakapagsalita kaya naisip kong dugtungan ang sinabi ko. "I'm happy for all his achievements, I'm happy that he's back to his normal self. Maayos na rin ang kumpanya at wala na ang issue. I think I should move on with my life too."

He sighed, "Adrianna may usapan tayo."

Ngumiti ako, kahit hindi niya naman nakikita. "It's fine Alistair. Hindi na rin naman talaga ako umaasa na magkakabalikan kami pagkatapos ng lahat ng ito. I'm happy for him at katulad niya, gusto ko nalang din magfocus sa sarili ko."

Out of my League [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon