chapter 6 its official

1.9K 92 2
                                    

Melody POV

Dahan dahang umangat ang kanyang ulo at nagtama ang aming paningin. Pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso, konti na lang at mukhang cardiac arrest na ang kalalabasan ko.

He's so handsome, ang kanyang mga mata na nangungusap, ang mapupulang mga labi, shit gusto ko ng papakin, ang kanyang perpektong panga at ang amoy niya sobrang nakakahalina. Mapapapikit ka na lang habang sinasabi ang 'oh heaven.

Hindi ko maialis ang aking mata sa kanyang mga titig, hindi ko namamalayan na gahibla na pala ang layo ng aming mga mukha. Oh no hahalikan ba niya ako? Takte ka Tyron ituloy mo yan, wag kang paasa. Hanggang sa maramdaman ko na lang na lumapat ang labi niya sa mga labi ko. Ilang segundo ang tinagal ng halik na iyon. Hindi ko nakuhang gumalaw at alam kong huminto din ang aking paghinga.

Nang maghiwalay ang aming mga mukha ay ngumiti siya, iyong ngiti na handa kang tumambling makuha mo lang.

Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang aking mukha at hinalikan niya ulit ang aking mga labi. 'aba ang loko nawili ata'. Sa pangalawang pagkakataon tumagal ang halik na iyon, dahil gumalaw na ang kanyang mga labi, banayad ang halik na iginagawad niya sa akin. Kahit hindi ako marunong humalik dahil first kiss ko siya ay pwede naman ako mag adjust, aarte pa ba ako halik na 'yon eh. Ginaya ko ang ginawa niya. Hinalikan niya ako ng may pag-iingat. Ramdam ko ang init ng kanyang pagmamahal mula sa kanyang mga halik.

Wala na kaming pakialam sa paligid namin ng mga sandaling iyon. Mabuti na lamang at pa-gabi na, wala ng gaanong tao. Dahil kung nagkataon maaga pa, tiyak may audience impact kami neto. Parang tumigil ang oras ng mga sandaling iyon, at ang mundo ay parang sa amin lamang umiikot. Gano'n pala 'yon akala ko sa movie lang nangyayari, hindi ko alam na mararansan ko pala iyon.

Hingal kaming pareho ng maghiwalay ang aming mga labi, ngunit hindi pa rin niya tinatanggal ang kanyang mga kamay sa aking mukha.

"Hindi ko na kayang pigilan pa, kahit pilit akong lumayo lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko para sayo. Ang hirap mong balewalain, nahihirapan akong iwasan ka, natatakot akong makuha ka ng iba, fuck hindi ko kaya. Kasi kapag nangyari iyon, I dont know if I can afford to lose you." Habang sinasabi niya ang mga katagang iyong patuloy din umaagos ang mga luha sa aking mga mata, dahil sa wakas nagbunga din ang pagmamahal na pinapangarap ko. Ito 'yon, ito yong pagmamahal na gusto kong maramdaman mula sa kanya. 'Yong kulang na lang ay lumakad ako ng nakaluhod sa simbahan ng Quiapo. Para lang matupad ang matagal ko ng hinihiling.

"Shit baby ko don't cry, I'm sorry if I made you cry." Umiling ako at pinunasan niya ng kanyang mga daliri ang aking mga luha sa pisngi. Hinawakan niya ang aking mga kamay. "Susubok ako baby ko, this time hindi ko na pipigilan pa ang nararamdaman ko para sayo, because Im fucking in love with you, and I keep you this time. Hindi na ako maduduwag pa kaya please baby ko accept me, please I want you to be my girlfriend." Pinagdikit niya ang aming mga noo habang hindi inaalis ang titig sa aking mga mata.

Halos maduling ako sa pagkakadikit ng mukha namin. Pero wait girlfriend? Tama ba ang dinig ko gusto niya akong maging girlfriend? At sa pangalawang pagkakataon aarte pa ba ako. Sabi nga ni Eli hindi na uso si Maria Clara.

Pumikit ako at dinama ang mga sandaling iyon. Ang mga salitang kanyang binitawan ay tumagos sa aking puso at kaluluwa. God I love this man at hindi ko rin kaya na mawala siya. Hindi ako naghirap at maghintay para sa wala. Magpapakipot pa ba ako? Syempre hindi.

Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin ng deretso sa kanya habang magkadikit parin ang aming noo. Our eyes met and locked.

"Yes baby ko, matagal mo na akong girlfriend hindi mo lang alam." Nakanguso kong sabi. Pabebe ka girl. Pareho kaming tumawa sa mga sinabi ko nagulat pa ako ng halikan niya ulit ako ng mabilis sa labi.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon