Ikaunang Yugto

9 2 6
                                    

"YOU ARE SUCH A disappointment, Chale!" Sigaw ni Daddy sa akin habang hila ang buhok ko para hilahin ako sa kusina.

"Rolando!" Sigaw ni Mommy sa kaniya pero hindi niya ito pinansin.

Kakauwi ko lang at paghila na agad sa buhok ko ang ibinungad sa akin ni Daddy. Binitawan niya ang aking buhok at marahas akong hinigit sa braso ko para umupo.

Galit na isinaboy sa akin ni Daddy ang mga pictures ko na nakabeso beso lang naman sa mga lalaking kaibigan ko. They've been doing this for almost three months. Paying a man to stalk me whenever I go then taking a picture of me when i'm with my boy friends.

"What do you think you are doing? Sinisira mo ang pangalan natin dahil sa kalandian mo!" Dinuduro duro niya pa ako. Nakatingin lang ako sa kawalan at walang balak tapatan ang tingin niya.

"How about you dad? What are you doing?" Mahinang ani ko na siyang ikinatigil niya. Hindi ko sila tinitignan ni Mommy. Hindi ko kaya.

"Magbabayad ka na nga lang ng taong magbabantay sa 'kin, bobo pa. Ano bang inutos mo, Dad? Picturan ako kapag may kalandian? O picturan ako kapag kasama ko ang mga lalaki kong kaibigan?"

Napapikit na lang ako ng mariing lumapat sa aking pisngi ang palad ni Daddy. Sobrang lakas ng pwersa niya't kinailangan ko pang humawak sa lamesa namin para lang hindi ako matumba mula sa kinauupuan ko. "Bastos ka!"

"Rolando!" Agad na hinawakan ni Mommy si Daddy para ilayo sa akin pero para saan pa ba? Nasampal na ko diba?

"Dad! What the hell?" Rinig kong sigaw ni Ate na kakarating lang mula sa kusina. Agad niya akong dinaluhan.

"You are fucking grounded! Return your gadgets and your cards!" Galit na sigaw ni Daddy. Agad ko siyang nilapatan ng tingin.

"Ok dad, thank you for your one day trial of being ungrounded. I enjoyed it." Nakangising ulat ko. Nagpumulit pa siyang maabot ako pero hindi na nagawa dahil hinarangan siya ni Ate at ni Mommy.

Natatawang pumunta ako sa kwarto ko at agad na nilock ang pinto. Mahirap na baka maihampas ako ni Daddy sa salamin ko. Nakakatawa na tsaka lang nila pinipigilan si Dad kapag sinasaktan niya na ako ng pisikal. Hindi ba nila alam na mas nagtatangal ang mga masasakit na salita ni Dad kesa sa mga sabunot at hampas niya sa akin?

Umupo ako sa vanity chair ko at pinagmasdan ang sarili. Isang buwan akong grounded at kanina lang ako nakalabas pero pag-uwi ko ay umariba na naman ang bobong photographer ni Daddy. Lagi namang ganoon. Lagi akong grounded. Tapos mga dalawa o isang araw lang ako ungrounded.

Putok ang labi ko at magulo ang ponytail ko. Bakat rin ang kamay ni Daddy sa aking pisngi at nakita ko pang pula rin ang tenga ko. Sa lapad at laki ba naman ng kamay ni Daddy, ewan ko na lang kung saan abutin ang maliit kong mukha.

Unfair ang mundo ko sa sarili kong pamilya. Gusto ng lahat si Ate dahil lagi siyang responsable, sobrang bait, at mapagbigay. Kahit sino sa kamag-anak namin ay gugustuhing palitan ang mga anak nila para lang kay Ate. Na siyang kabaliktaran ko. Hindi naman ako ganoong kaliwaliw.

I just want to be free from anyone. I'm a lucky go lucky girl. Hindi naman talaga ako malandi. Mas marami lang ang friends kong lalaki dahil halos lahat ng babae sa school ay peke. Pero sanay na ako roon. Last year na ako sa collage at graduating na ako next next month.

Kinuha ko ang suklay ko at tinanggal ang aking ponytail. Marahan kong sinuklay ang aking buhok habang patuloy na pinagmamasdan ang aking sarili. Nahagip ng paningin ko ang bakat ng kamay ni Dad sa braso ko. Umirap ako at pinagpatuloy ang pagsuklay sa sarili.

Tanging repleksyon ko lang ang aking tinitignan kahit pa may kumatok sa pinto. Hindi na ako nabigla na nabuksan ito. Si Mom ang may hawak ng mga susi sa buong bahay namin kaya alam kong si Mommy yan. Kung si Daddy man ay alam kong kasama niya si Mom.

Maybe, It's you (Il Fiore Series #3)Where stories live. Discover now