Chapter 30

1.1K 36 0
                                    

NOTE : sorry in advance para sa Grammatical error . Lablotz:>

++

“ Hindi ko alam kong ano pumasok sa utak natin at sumama Tayo dito , ”

Reklamo ni Jarrenze Kay Jayrus ngayon , humalakhak naman si Jayrus  “ Alam mo jarrenze first of all wala namang pumilit sayo na sumama nag-kusa ka right? . ”

Napangisi nalang ako sa asaran nilang dalawa , kahit kailan talaga mga isip Bata sila tch .

“ Hindi ba Tayo mapapahamak nito? You know nagpapalakas ang kampon nila ngayon . ”

Sabi ni Abraham , “ Kaya nga dapat mag-double ingat tayo. ”

Sabi naman Ni Earl , medyo malapit na kami sa kampon ng mga kalaban ng makasalubong namin si Zero , Hari Ng mga lobo .

“ Hindi ko alam na may lakad ka pala Mahal na Hari . ”

Bati nito saamin , ngumiti lang si earl sakanya  . Nakagalit Kasi dati ito Ni earl dahil Kay miratiya love triangle .

“ Hindi ko alam na tsismoso kana pala ngayon Zero . ”

Sita ni Jayrus ,agad naman may naglapitan na lobo Kay Zero na  animoy naghahanda na sa isang labanan .

Agad kami na alarma, agad naging pula ang aming mga Mata pwera Kay mark dahil itim ang sakanya , “ Wala kami panahon makipag-laban sainyo Zero may mas importante kaming laban na pupuntahan. ”

Sininyasan ni Zero ang kanyang mga kampon at agad naman itong nag anyong tao , “ Hindi naman din kami pumunta dito para makipag-laban sainyo Earl . Nandito kami para umanib sainyo ”

Nagtinginan Kami dahil sa sinabi Ni Zero , bakas sa muka nito ang pagiging seryoso sa sinabi nito .

“ Ano naman nakain mo at Naisipan mo na umanib saamin? Diba ayaw mo dati Kasi sabi mo ayaw mo Ng magulo ?”

Tumango naman si Zero bilang tugon , “ Alam ko ,pero sa panahong ganito hindi kami dapat magtago lalo Na't ang iba sa mga nasasakopan ko ay ginawang kampon Ng mga amalanhig ”

Kaya pala kumunti ang mga lobo dati Kasi lagpas sa isang daan sila pero ngayon mga nasa 50 nalang sila .

“ Deal . Para matapos na din itong kagulohan , ”

Sabi Ni Earl . Sumangayon kami sa kanila hindi kami pwedeng mag-matigas sa panahong ito ,

Maya-maya nag-ungulan ang mga lobo na kampi ni Zero parang may panganib na nangyari .

“ ano nangyayari? Zero?”

Sabi Ni Earl , agad naman tumingin si Zero .“ Masamang balita , hawak na ng mga amalanhig ang babaeng bampira na nakatakdang manganak ng sanggol ”

“ Si Scarlet?! Paano nangyari Yun ih nandoon ang mga kawal at si miratiya?! ”

Galit Kong Sabi sakanya , “ Patay na ang mga kawal ng palasyo at kasama si miratiya sa kinuha ng mga amalanhig . ”

Yumanig ang lupa at nagliparan ang mga ibon , abot dito ang gulat ng mga Serina dahil sa galit na napinapadama ngayon ng Hari Ng mga bampira .

“ Gusto nila ng Gyera? Ibibigay ko sa kanila ang gyera na gusto nila! ”

Naunang nawala si Earl . Agad naman kami sumunod sakanya ito na talaga Ang totoong gyera mukang mapapaaga pa .

        SCARLET POINT OF VIEW

Kalmado lang ako naka-tingin Kay Harvey na ngayon ay nasa harapan ko .

Nandito kami sa isang kwarto sa lungga ng mga Kalaban ramdam ko din ang mga lobo na nasa loob ng silid na Ito kasama ko si miratiya na Wala ding imik at may sugat.

Vampire Obsession Series 5: SNOW PRINCE DEMONTEWhere stories live. Discover now