Chapter 32

1.1K 35 0
                                    

NOTE : Sorry in advance para sa Grammatical error. Lablotz :>

++

“ Kamusta si Scarlett? ”

Tanong Ni Earl Kay miratiya na kagagaling lang sa kwarto ni scarlet . Ayaw Kasi nito na Pumapasok kami lalo na ako Kasi sinisisi niya ako Kung bakit namatay ang anak namin , hindi lang naman siya ang nawalan pati ako .

“ Ayon , hindi parin kumakain until now ilang araw na ang nakalipas pero hindi parin siya kumakain kinakausap niya ang bangkay ng anak niya . ”

Malungkot na Sabi nito saamin , niyakap Ni earl ang kanyang asawa . “ Hindi natin siya masisisi , anak niya ang nawala Kaya mahirap sakanya tanggapin Ito . ”

“ Pero natatakot ako na baka tuloyang mabaliw si Scarlet sa ginagawa niya . ”

Miski ako natatakot din sa maaring mangyari sakanya lalo na sa kalusogan niya .

“ Snow! ”

Napatingin kami sa gawi ni Zero na humahangos papalapit saamin .

“ Bakit? ”

Tanong ko sakanya ,  “ Si Scarlet! Nakita ko tumalon sa bintana bitbit ang anak niyo mukang papunta siya ngayon sa kinaroroonan ni Harvey! ”

Agad kaming napatayo ,nakita ko din ang pagiging alarma nila mark, Ashton at ng iba pa dahil sa sinabi niya .

“ Paano niya malalaman kung asan si Harvey I miski Tayo nahihirapan na hanapin ito .”

Sabi Ni Earl Kay Zero . “ May mga uwak na sumundo sakanya Earl! Kitang-kita ko ang galit sa pagkatao niya ngayon pinasundan ko siya sa mga alagad ko ”

Hindi ko na sila hinintay at nauna na ako , Scarlet! Ano ba ang ginagawa mo?!

Ginamit ko ang talas ng pangamoy para amoyin ang mga lobo kung saan sila patungo .

Papunta sila Sa kanlurang bahagi ng las fuevas basi sa amoy na naamoy ko mas lalo ko pa binilisan , nakita ko din sila earl na sumusunod saakin kailangan ko makarating agad doon hindi ko kakayanin na pati si Scarlet mawala saakin!

           SCARLET POINT OF VIEW

Naka-tingin lang ako sa mga amalanhig na nasa harapan ko Ngayon , nagtatangis ang kanilang pangil na Parang gigil na gigil silang patayin ako .

“ Hindi ko akalain na ikaw na mismo ang lumalapit sa kamatayan mo scarlet . ”

Sabi Ni Harvey saakin . Galit ang nararamdaman ko sa hinayupak na katulad Niya kasalanan niya Kung bakit namatay ang anak ko!

“ matapang ka lang kasi marami Kang kakampi Harvey , pero katulad ka parin ng dati Isa ka paring duwag . ”

Kalmado Kong Sabi , humalakhak naman Ito  . “ mamatay kana nga lang matapang kapa din anak . ”

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya , “ anak? May tatay ba na kayang patayin ang Sarili niyang anak para sa kapangyarihan? ”

“ Oo . At ako Yun ”

Aminado niyang Sabi , “ pwes , ikinahihiya Kong naging tatay Kita . ”

May bahid ng galit na sabi ko sakanya . Kinasusuklaman ko na nanggaling ako sakanya.

“ Anyway, alam ko na papunta nadin si Snow ngayon kasama Ng mga kampon niya sabagay taong mahal niya pa naman ang nandito diba? Mabuti nalang magaling manlinlang ang espiya ko sainyo .”

Espiya , tumaas ang kilay ko sa Sinabi niya. “ Hindi ko akalain na malala na talaga ang tama mo sa utak , pati ibang Tao na walang kasalanan dito ay dinadamay mo ganyan kana ba ka walang kwenta? ”

Nagtangis ang kanyang pangil sa sinabi ko ,pero Wala akong pakialam dahil mismo ako kating-kati na para patayin ang katulad niya .

“ Magandang Gabi Scarlet . ”

May lalaking lobo na lumabas mula sa  palasyo Ng mga amalanhig . Hindi na ako nagulat Kung siya ang traydor sa kampon ni earl dahil simula palang alam ko na Kalaban siya .

“ Walang maganda sa gabi kapag isang traydor na katulad mo ang Nakikita ko Zero .”

Tama kayo , si Zero ang traydor na sinasabi ko.

“ Masyado ka yatang mainit ngayon Scarlet , wag ka mag-alala magsasama din Kayo nyang anak mo . ”

Hindi ako sumagot sa kanya. Hindi naman Kasi siya ang pakay ko dito kundi si Harvey .

“ Scarlet!!! ”

Bahagya akong lumingon , nakita ko si Snow kasama sila earl at ang Iba pa Kita ko ang gulat sa muka nila ng Makita nila si Zero kasama ng mga kalaban.

“ Hindi ka talaga mapag-kakatiwalaan Zero . Hanggang Ngayon utak lupa kapa din , ”

Lait Ni Jayrus Kay zero . Nakita ko ang pagiiba ng kulay Ng mata Ni zero naging yellow ito .

“ baka nakakalimutan mo nasa tritoryo Kita! Baka gusto mo maunang mamatay? ”

Ngumisi naman si Jayrus sakanya . “ As if Naman natatakot ako sayo , gusto mo Mauna kana? ”

Dumating ang ibang lobo at pumunta sa likuran namin madaming lobo ang dumating may itim at puti .

“ Mga lobo ko , pumunta Kayo dito ”

Tawag ni Zero sa mga lobo niya pero miski isa walang lumapit sakanya . Nag-anyong tao na ang ibang lobo ,

“ Isang pagkakamali na naging hari namin ang isang katulad mo Zero , isang kahihiyan Ito sa ating lahi .”

Sabi Ng matikas na lalaki Kay zero .

“ Tumahimik ka Maximus! Hindi ko hinihingi ang opinion mo .”

Sabi Ni Zero sa lalaki na nag-salita , ngumisi naman si Earl , “ See? Miski lahi mo ikinahihiya na naging hari nila Ang katulad mo .”

“ ang dami mong sinasabi! ”

Banas na sabi Ni zero , Maya-maya may narinig kami ng  tunog ng isang ahas .

“ Hindi kami inform na nag-aaway na pala kayo , ”

Sabi Ng isang taong ahas , ang pogi niya inferness .

“ Magnus. ”

“ Can we join Earl? Kampi kami sainyo syempre papunta nadin ang mga serina . ”

Ang dami namin samantalang yung kalaban kunti lang sila .

“ Hindi ka talaga nag-sasawa Harvey? Napatay na namin ang iyong ama na si Taiturus , gusto mo sumunod sa tatay mo na walang utak? ”

“ Tumahimik ka Earl! Masyado kang mayabang! Kung si ama napatay mo dati ngayon ay hindi na mangyayari iyon! ”

“ utak lupa kadin talaga harvey .katulad ka Ng tatay mo walang utak . ”

“ Akala niyo Kaya Niyo kami? HAHAHA! kahit ipagsama-sama mo pa lahat ”

Mayabang na sabi Ni Harvey . Pumunta ako sa isang tabi at nilapag ang bangkay ng anak ko , “ Bibigyan Kita Ng hustisya anak.  ”

Umiiyak Kung Sabi habang nilalapag siya.  Pinapangako ko papatayin ko ang may gawa nito sayo kahit ikamatay ko pa .

++

3 More chapter to go!

Vampire Obsession Series 5: SNOW PRINCE DEMONTEWhere stories live. Discover now