CHAPTER 03
Grocery
Naiirita kong tinignan ang basket na puno ng chocolates at loaf bread. Sinamaan ko s'ya ng tingin habang binabalik namin isa-isa sa shelf yung tsokolate.
“Ayaw mong mamatay sa UTI pero papatayin mo naman ang sarili mo sa diabetes. Okay ka lang?” tumaas ang kilay ko.
Nakangiti pa rin ang loko na para bang wala s'yang narinig na salita mula sa akin.
“Hoy, nakikinig ka ba sa sa akin?”
“Para ka kasing galit na girlfriend diyan,” ngisi niya.
Napaiwas ako ng tingin at mabilis na hinampas sa kanyang balikat ang basket na wala ng laman ngayon.
“Ewan ko sayo. Baliw!”
Inunahan ko na siya sa paglalakad. Ano bang problema ng lalaking ito sa akin? Tch.
Napaka-alaskador. Naramdaman ko siya sa likuran ko. He's tall, madali s'yang makita at mapansin dahil na rin sa gwapo n'yang mukha. Kaya ko pang aminin na gwapo s'ya, pero hindi ko talaga maamin-amin na maganda ang kanyang boses.
It made my heart race so I won't.
“Hoy,” he waved his hand in front of my face.
Mabilis ko 'yung sinampal at hinawi palayo sa mukha ko. “Ano ba iyon?”“Eggs,” he said, pointing his forefinger at the next aisle.
Wala sa sarili akong tumango at naglakad papunta sa tinuturo n'yang aisle. Kumuha ako ng dalawang tray at inilagay iyon sa basket.
“Ano pa bang gusto mong bilhin?” tanong ko pagkatapos.
May iilang noodles, canned goods, and veggies na kaming pinulot pero lahat ng iyon ay nilagay ko sa basket. Ni wala s'yang pinili para sa sarili niya kahit alam ko na para sa kanya naman talaga itong ginagawa ko.
Wait what? The fuck I'm saying in my monologue?
Napailing nalang ako dahil sa sariling katangahan habang naglalakad kami papunta sa Dairy Aisle.
“Bibili ako ng gatas,” aniya at kumuha ng isang malaking pack ng Bear Branded.
Halos mabitawan ko 'yong basket dahil sa biglaan n'yang paglagay sa pack. Hindi n'ya ba alam kung gaano kabigat ang pakete na iyan?
“Siraulo! Ambigat nito, ah,” reklamo ko. Tinitigan n'ya lang ako na para bang nakatitig siya sa isang walang kwentang tao. “Hindi mo ba ako tutulungan dito?”
His lip forms a lopsided smile before he took the basket from me. “Kanina ko pa hinihintay na sabihin mo iyan sa akin.”
Kunot noo ko s'yang tinignan. “What do you mean? Ano bang sinabi ko?”
“I want to hear you say that you need my fucking help,” he said at naunang naglakad sa akin.
He's not really fast, sadyang malalaki lang ang kanyang biyas kaya medyo kailangan ko pang maglakad ng mabilis para abutan s'ya.
“Kailangan ba talagang sabihin kapag nangangailangan ka ng tulong?” pagtataray ko.
“Not really, pero hindi kasi halata sayo na mahilig kang humingi ng tulong.”
“What is that supposed to mean?”
“You seem independent, that's all.”
Tinignan ko lang s'ya ng masama. I really don't understand guys like him. Napakahirap nilang i-decode like they are all pieces of puzzle I was trying to fit in my own little world. I just don't understand how they think.

BINABASA MO ANG
Invisible String of Hate [Completed]
Teen FictionTHE WATTY'S 2021 SHORTLIST AWARD [College Girls Series #1] Ruby Mendoza never liked a certain guy. S'ya na ata ang pinakaiinisan n'yang lalaki sa balat ng Wattpad (kahit na gwapo at matalino ito). She disliked Joseph Rivera for as long as she can re...