Chapter 14

745 24 0
                                    


THRICIA: Hello everyone! Gusto ko lang mag-apologize kung marami kayong makikitang typographical errors especially on the previous chapters. I'll do the editing after writing the whole story but I'll promise na iiwasan ko ang mga gano'n sa mga susunod na kabanata. Hindi lang rin talaga kasi maiwasan minsan.

Again, thank you for reading! Back to the story—

Chapter 14

Mukhang hindi lang ako ang nagiliw sa lugar dahil hindi rin magkamayaw sila Direk sa mga buhanging naroon.

Pare parehas lang pala kami. Akala ko kasi, ako lang ang naninibago sa lugar. Pati rin pala sila.

Kanya kanya nga itong post sa Instagram, eh.

Madilim na noong natapos sa pagsho-shoot. Madami dami rin kasi ang scene roon. Gabi na pero parang walang kapaguran ang mga tao dahil nagyaya pa itong maglakad lakad patungo sa beach na katabi lang ng Kanaway, ang Salibungot Beach.

At dahil nga magkatabi lang ang dalawa ay golden sand din ang naroon. Hindi ko pa nga lang alam kung ano ang mas maganda dahil hindi pa rin ako napadpad ngayon.

Nang makarating kahit madilim na ay halos hindi pa rin kami makapaniwala, ang ganda rin sa lugar na ito!

Bagamat pareha ang kulay ng buhangin ay unique pa rin ang Kanaway at Salibungot sa isa't isa.

Ang Kanaway ay mayroong dalawang islet na siyang nabisita na rin namin kanina, ang Pulo at Manlanat Islet. Hindi rin nakalagpas sa amin kung gaano kaganda ang mga rock formation doon.

Dito sa Salibungot ay maraming mga pine na siyang mas nagbibigay kulay naman sa lugar. Sayang lang dahil gabi kami nagpunta rito dahil alam kong hindi rin magtatagal pero nakuha pa nila Direk AJ ang magpicture.

Lowtide rin kaya isa rin sa pinagkakaguluhan doon ay ang napakaganda nitong sandbar na nagpapakita lang sa ganoong panahon.

"No worries. Kung nabitin kayo ngayon, we have the whole day tomorrow. Napag-usapan na namin ni AJ na dederetso rin tayong Balesin Island," nangingiting sabi ni Josiah na naging dahilan ng pagiging maingay ng grupo.

"Really, Sir? Wow! I've read about the place, sabi raw maghorseback riding, kayaking, paddle boating, sailing, scuba diving, surfing and many more!" excited ng tugon ni Alice, well, mas nagmukha iyong sigaw.

Maya maya lang ay nagpasya na silang bumaling sa Kanaway para sa sari sariling kwarto roon. Hindi na natuloy ang plinanong camp fire dahil na rin siguro sa pagod.

***

Panibagong araw, panibagong kwarto na naman ang tutuluyan. Ganyan si Josiah mag-aksaya ng pera.

Well, alam kong tatabo rin ito sa takilya dahil sa magagagaling ang mga aktor na nakuha. At syempre hindi ko rin ipatatalo ang isinulat ko!

"—pwede ba, Ma?"

Nagpabaling baling ako agad at hinanap ang nagsalita. Si Ali iyon nakagagaling lang sa banyo at bihis na bihis na.

Ngayon kasi, hindi na trabaho ang pinunta namin. Andito talaga kami para mag-enjoy! Maski ako ay labis na natuwa sa bagay na iyon.

"Ano 'yun, 'nak?"

"Sasama po ko sa paghorseback riding, okay lang ba?"

Tumango na lang ako at dumeretso sa cr para maligo. Syempre, sasama siya dahil sasama ako! I wouldn't waste horseback riding for the world! Lalo pa at iyon ang magiging first time ko.

Pinili ko ang skinny jeans at puting kimono sleeves, iyon na lang kasi ang pinaka-kaswal na damit na mayroon ako. Nang makaligo ay wala na roon sa kwarto ang anak ko. Hindi na ako naantay dahil sumama na kay Kuya Baste niya.

Wala naman akong problema roon, mabuting tao rin naman si Baste. At dahil nagkasundo sila ni Ali ay hinayaan ko na ang dalawa.

"Thank you, Tanya."

Nanlalaki ang mga matang agad akong napasinghap. Paano naman kasi basta basta na lang sumusulpot itong si Josiah.

"Nakakagulat ka naman!"

Mula kasi sa resort kung saan namin piniling manatili ay kailangan pa naming maglakad ng kaonti para makarating sa lugar kung saan pupwedeng maghorseback riding.

"Bakit ka nagpapasalamat?" sabi kong muli nang napasing hindi na ito umimik.

"Wala, for coming with us. Alam ko namang hindi mo gustong kasama ako—"

I cutted him off. "Sino ang nagsabi nyan?"

Doon ay mabilis na sumilay ang mga ngiti niya, "Gusto mo ako kasama, kung gano'n?"

"Ha?!" nang marealize ko ang sinabi ay halos magdabog na ako at binilisan na lang ang paglalakad. "Ewan ko sa'yo!"

Papalayo ay hindi ko maiwasang hindi napangiti na agad ding naputol nang mismo sarili ko mismo ang pumigil doon. Ano bang nangyayari sa'yo, Tanya? Nakalimutan mo na ba ang ginawa sainyo ng lalaki iyan?

"Tanya!"

At talagang hinabol pa ako ng lalaking iyon, ha? Ano ba talaga ang gusto nitong mangyari?

"Ano ba kasi 'yun?" humarap ako sakanyang hindi pa rin napipigilan ang mga ngiti.

"Direk?! I'm sorry, akala ko si Josiah." makahulugang ngiti lang ang ibinigay sa akin ng direktor bago nagsimulang magkwento tungkol sa kung ano ano pang pinaplano nito para sa mga susunod pang eksena sa palabas.

Ilang sandali lang, nakarating na kami sa lugar. Walang kasing excited si Ali na namili na agad ng gagamitinf kabayo kahit hindi pa kami nabibrief.

Hinahayaan ko lang ito pero syempre, hindi ko pa rin winawaglitan tingin. May kalikutan din kasi ang anak ko, madalas kapag hindi napapagsabihan kaya hindi rin talaga ako pupwedeng makapante.

"You tired?" imbes na sumimangot ay mas lalo lang akong nagtaka sa sarili dahil ngiti rin ang sinukli ko sa pagngiting iyon ni Josiah na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

Umiling lang ako at bumalik na sa pakikinig sa briefing na ginagawa. Sinasabi roon ang mga hindi dapat at dapat gawin kapag nakasakay na sa kabayo, kung papaano ito kokontrolinnat marami pang iba.

"On this one, you'll go in pair. Para na rin po hindi mahirapan ang mga staffs ko na sundan at i-monitor kayo," sabi ng lalaking kanina pa nagsasalita.

Agad kong inilibot ang paningin para mahanap ang anak. Sigurado akong he would go into deep adventure kaya hindi ako ang pipiliing kapares nito. Lalo na kung ayaw niyang mapagsabihan palagi — nerbyoso kasi ako pagdating sa mga ganito dahil safety ni Ali ang pinag-uusapan.

"Tanya," natigil ang paghahanap ko sa anak ng sumulpot si Baste sa tabi ko. "Isasama ko si Ali, okay lang?"

"Ma, please? Promise I'll be good. Behave ako, Ma. Gusto ko lang na turuan ni Kuya Baste," paliwanag pa ng anak.

Well, wala rin naman akong matuturo sa anak ko kung kami ang magkapareha. Hindi ko rin naman siya maga-guide sa maayos na pagpapatakbo ng kabayo kaya tumango na ako. "Alright! Basta, Baste. Kapag may nangyari dyan anak ko, palitan mo 'yan. Gusto ko parehang pareha, ha?"

Nagtawanan pa ang mga ito bago magpaalam at magmadaling umalis para sa mga kabayo. Malaki na si Ali, onting buwan na lang darating na siya sa legal niyang edad.

Wala na akong mas maipagmamalaki pa sa sarili. Sobra sobra na para sa akin ang makapagpalaki ng isang anak.

Lalo pa dahil lumaki si Ali bilang matalino, mabait at magalang na bata.

"Hey, tayo na lang?"

Kunot noo naman akong bumaling sa lalaking katabi. Nawala na ang mga ngiti dahil sa anak.

"Anong tayo?"

Napakamot siya ng ulo bago magsalitang muli, "Magkapair?"

Sinuklay nito ang buhok gamit ang sarili nitong kamay at ngumiti ng malawak.

Hell. How can I save myself sa pamatay na mga ngiting 'yan, Josiah?

Burning MemoriesWhere stories live. Discover now