Chapter 19

682 27 0
                                    

Alesseo Tebrero's

"Pinatayan mo na naman?" mas pinili kong hindi sagutin ang tanong na iyon ni Leo. Sasagutin ko pa, eh nakita naman na niya.

"Ali, ilang beses na 'tong magawa ni Tita?" hinalukay ko ang memorya ko para masagot ang tanong na iyon. Inabot ko rin ang nachos na nasa ibabaw ng study table ni Leo at nilantakan iyon.

"Isa," sagot ko.

"The fuck, Ali? Isang beses lang? Yet ito ka?" kumunot naman agad ang noo ko.

"Why? What about it?"

Narinig ko ang lahat mg sinabi ni Mommy sa tawag nito kanina. Lahat ng paliwanag niya tungkol sa amnesia ng 'tatay' ko raw.

Pero ano naman ang kailangan kong gawin doon? As if naman na magagawa ko pang kausapin iyong Josiah na iyon.

He's not my dad. Matagal na kaming iniwan ng tatay ko at hindi na iyon babalik.

"Lumayas ka pa?! It's the first time, bud. Alam kong may rason naman si Tita para roon. You are overreacting—"

"No, I'm not!"

"Yes, you are." tumalim ang mga titig ko sa kaibigang kaharap.

"And here I am, convincing myself that you can understand the hell out of me." mapagbintang kong sabi.

Malalim na huminga si Leo pagkatapos ay muling bumaling sa akin. "Ali, alam mo kung kanino ako nakapanig dito. Naiintindihan kita, alright? It's just that, hindi lang ikaw ang naiintindihan ko.. si Tita Tanya rin."

Hindi na lang ako sumagot sa kung ano mang sinasabi nito, kinuha ko ang lata ng softdrinks na naroon pagkatapos ay iyon ang pinagkaabalahan.

"Kaya mo ba?"

Natigilan ako, ilang segundo bago tuluyang nakatingin sa kaharap.

"Kaya mo bang wala si Tita Tanya? Kasi kung hindi naman talaga at pinauuna mo lang 'yang pride mo, wala kang paglalagyan niyan." malumanay nitong sabi.

Leo is my childhood friend. Hindi man ito galing sa Quezon pero noong lumipat na kami rito sa Maynila ay siya na ang naging kaibigan ko. He's the serious type of guy, iyon bang tahimik lang pero marami talagang words of wisdom.

"Hindi naman sa pinangungunahan kita, Ali. You know me. Ang akin lang, bilang kaibigan, ayokong maranasan mo 'yung pagsisising naranasan ko."

Naulila siya sa Mommy niya three years ago at ang pinakamasaklap pa roon ay may naiwang away ang mag-ina kaya hindi na nagawang humingi man lang ng tawad ni Leo rito. Sobra sobrang pinagsisisihan niya ito hanggang ngayon.

"Bud, Tita Tanya is the best mother we could all have. Kahit hindi niya ako kaano-ano, kapag magkasama tayo ay ni minsan hindi niya ako pinabayaan o kaya itinuring iba."

Mommy... lied. Pero tama si Leo, isang beses lang niyang nagawa iyon. The rest? Iyon na ang nag-e-explain kung paano ito naging mabuting magulang para sa akin. Alam kong hindi dapat ako magpokus sa isang mali nitong nagawa, dapat mas bigyan ko ng pansin ang lahat ng isinakripisyo ni Mommy sa akin.

She's such an amazing woman. Alam ko sa sarili ko noon pa lang na dahil sakanya, dahil sa mga ginagawa niya ay ni minsan hindi ko na ginustong magkaroon ng ama. Sobra sobra na kasi ang ginagawa nito para sa akin.

Kailangan kong magsorry. Kailangan ko nang umuwi.

Matagal na ang tatlong araw para pairalin pa ang pride ko dahil kung mayroon mang mas nasasaktan nito, si Mommy iyon. Nakuha na siyang iwanan ng tatay ko, iniwan ko pa siyang mag-isa sa bahay.

Burning MemoriesWhere stories live. Discover now