00

153 26 94
                                    


"Zyrah,nandito ang mga kaibigan mo"rinig kong sigaw ng aking nakatatandang kapatid kaya dali-dali akong bumangon saking kama at bumaba sa sala.

Kahit na naguguluhan at hindi maganda ang pakiramdami ko,pinilit ko pa ring makita ang mga kaibigan ko.

"I miss you bitch."sambit ni Arnica at kaagad na ipinulupot ang kanyang mga braso sa aking katawan

"Ako rin."wika naman ni Keisha sabay yakap sa aming dalawa ni Arnica

Ang mga mahihigpit nilang yakap ang nagpagaan ng kaunti sa bigat ng nararamdaman ko ngayon.

"Himala ba't binisita niyo ako ngayon ha?"natatawang sambit ko

"Of course,kailangan nating mag celebrate!Minsan lang tayo maging ganito eh."ani ni Arnica

"Anong minsan eh palagi ka ngang honor eh.Pa humble yarn"sambit naman ni Keisha

"Hoy,tumigil ka nga dyan Kei!By the way,Zy sa labas sana tayo kakain kaso alam naming ayaw mo munang gumala ngayon."wika pa ni Arnica

"Pass muna ako sa gala,haha!Baka maalala ko na naman siya."natatawang sambit ko

Ayos yan Zyrah wag kang magpahalata

"Kailangan mo ngang gumala para makalimutan siya.Explore something new,parang ganun."wika naman ni Keisha

"Eh?Di naman ako affected,haha!Ano ba kayo!Kulang lang ata kayo sa food,kumain muna tayo."pag iiba ko

Tumungo kami sa sala at pinaupo ko muna sila habang naghahanda ako ng mga pagkain  namin.

Kumuha ako ng ramen noodles sa refrigerator at isinalang ko muna ito sa lutuan.

Buti nalang nag restock si Ate Calli kahapon kaya may mga sangkap pa ng pang sangyup dito.Itinabi ko muna ito at kumuha ng mga inumin namin.

"Hoy mga bruha!Anong gusto niyong drinks?"sigaw ko sa kanila

"Gusto daw malasing ni Arnica ngayon!Nag break kasi sila ni Arman."pag aasar ni Keisha

"Huh?Eh akala ko ba si Jim yung bagong jowa niya?"pagtataka ko

"My God,hindi ko jowa si Jim no!And fyi,fling lang kami ni Arman"paglilinaw ni Arnica

"Akala ko ba si Drake yung ka fling mo ngayon?"tanong kong muli

"Akala ko nga yung sikat na bisexual futsal ng school eh,si Rica ata yun"sambit naman ni Keisha

"Eh sino naman yung Drey na chinika mo sa gc?fling mo rin yung Arnica?"

"Wait lang guys,sino ba kasing tinutukoy niyo ha?Nalilito ako sa inyo,jusme!"

"Bruha ka,andami mo namang kalandian.Mas nalilito kami sayo!"natatawang sambit ko.Kung alam niyo lang ganito lagi naming eksena HAHAHA eto kasing kaibigan ko likas na maganda.

"Andami mong kinukwento samin,ni isa walang kang nakatuluyan?"pag aalma naman ni Keisha

"Hays ganun talaga pag maganda.Harot harot lang ganun,nothin serious.Baka kasi masaktan ang aking damdamin"sambit niya habang hawak ang kanyang dibdib,umaarteng nasasaktan HAHAHA si Arnica talaga!

"Parehas lang kayo ni Keisha hays"wika ko

"Lima yung sa kanya,apat lang sakin.Malaki ang difference."confident niyang sambit

"Ewan ko sa inyo HAHAHAH"

"Zyrah wag ka ding pa humble.Mas madami pa nga yung sayo."

"Hoy wag niyo akong idamay diyan HAHAHA good girl ako"

Sweet Sixteen Where stories live. Discover now