Chapter 11

19 9 2
                                    


Nakaiglip ako ng kaunti sa biyahe namin.Tumingin-tingin ako sa palagid pero feeling ko wala pa kami sa Baguio City.Nakwento sakin ni Keisha dati na 4-6 hours daw ang biyahe from Manila to Baguio.

Pagmulat ng mga mata ko nasa City of Pines na kami.Nagmadali na akong bumaba ng bus at hindi ko nalang pinansin si Dos na kanina pa nakatingin sa akin.Bahala siya diyan hindi niya ako sinupot at aaligid siya sakin ngayon,manigas siya diyan amp!

As what I've saw nasa Burnham Park kami.Maraming mga tourist ang naririto ngayon.May bata,matanda,dalaga at binata.Napaka ganda din ng tanawin dito talagang sagana ang kalikasan sa Baguio.Itinayo na namin ang kanya-kanya naming tent para may masilungan man lang kami habang nandito pa kami sa Burnham Park.Medyo mainit din kasi at gustong-gusto ko na ring magpahinga.

Tinulungan naman ako nina Arnica at Keisha para itayo ang sisilungan namin.Pagkatapos,nilagay na din namin ang mga importanteng naming gamit at inayos ito para maging maaliwalas naman ang anyo ng tent namin.Mahirap na baka may biglang tent raid na gagawin si Miss Chen tapos parang binagyo ang loob ng tent namin naku makakakuha pa kami ng failing grade hays

Gusto ko sanang matulog ng kaunti pero parang away nilang magpatulog eh kaya lumabas muna ako at umupo sa may bench na malapit.Sinuot ko rin ang gray jacket ko kasi napaka lamig talaga dito sa Baguio.Busy ang lahat sa pag aayos ng gamit nila nakita ko rin si Miss Chen na sine-set up na kung ano siguro para iyon sa activity pero ano kaya ang magiging first adventure ko dito sa Baguio?

Tinawag naman ni Miss Chen ang lahat ng students at bakas sa mukhang niya ang labis na excitement.Napaka jolly talaga ni Miss Chen kaya pala siya ang natasang sumama samin dito ngayon.Napansin ko din kanina na panay ang pag selfie niya sa magagandang spots dito sa Burnham Park.Worth it naman talaga ang view dito pang IG ang datingan.

"Students may I present to you our first bonding activity here at Baguio City. Gumawa kami ni Wendy,ang tour guide natin,ng treasure map para sa activity natin ngayon.Each of the pair will obey the directions and rules that indicate in the map para makuha niyo ang prize na nasa hulihan ng game.Ang sino mang makatatapos ng activity ay may dagdag points sa lahat ng subject nila.So my precious students ready na ba kayo?"pag eenganyo ni Miss Chen

"Teka Miss Chen sino pong magiging partner namin?"tanong naman ni Ron

"Mabuti't natanong mo yan.Ang magiging ka partner ninyo ay ang mga naging katabi ninyo sa bus kanina.So good luck guys and enjoy the game"nakangiting sambit niya

Katabi sa bus....

so it means na...

O to the M to the G!

Si Dos ang ka partner ko?what the heck!ayokong makasama ang taong yun walang awa tsk!Pwede naman sigurong nag reklamo kay Miss Chen kaso baka kung ano pang isipin niya tungkol sa akin kaya kahit labag sa loob ko tatanggapin ko nalang na makakasama ko si Dos sa activity na ito.Ibinigay ni Ate Wendy ang mga map.Tig isa lang by partner kailangan daw kasi magtulungan at masusubukan daw dito ang team work ng bawat pair.Almost 2:30 na nag start ang game.Kanya-kanyang takbo at lakad ang bawat pares habang ako dito nakasimangot pa rin dahil masakit ang ulo ko

"Hoy may paa ka ba?Dalian mo kaya diyan!"sigaw sa akin ni Dos na nauna kaysa sakin

"Eto na nga oh nagmamadali nah gusto mo pa bang tumakbo ako!?"sagot ko naman sa kanya

Dinalian ko na ang paglakad dahil sesermonan na naman ako ng di makataong partner ko.Nasa kanya ang map at hindi niya ako pinahawak nito kanina.Ang damot niya nga eh parang batang ayaw makipag share ng candy niya tsk!

"Alam mo kung gusto mong manalo dito kailangan wag kang pabagal-bagal diyan tignan mo nga naunahan na tayo"sambit ni Dos

"And fyi kailangan nating magtulungan dito para matapos ang game kaya akin na nga yang map baka kung saan-saan na tayo dumaan nito"inis na wika ko sa kanya

Sweet Sixteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon