Kabanata 107: I Fell in Love with My Bestfriend

259 20 6
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Minsan nag seselos na ako sayo." birong sabi Marie kay Lance naglalakad sila ng mga oras na iyon papuntang building A. Dalawang linggo na rin mula nang nabalitaan nilang may relasyon sila Lance at Ella. At sa dalawang linggong iyon lagi magkasama ang dalawa.

"Bakit naman?" natatawang tanong ni Lance nakaakbay ito kay Ella. Habang si Marie ay nakahawak sa braso ni Ella.

"Kasi inaagawan mo ako ng bestfriend." parang batang sabi ni Marie.

"Grabe ka naman. Puwede ka naman sumama sa amin." natatawang sabi ni Ella. Mula kasi ng nag-usap sila ni Lance sa canteen isang buwan na ang nakalipas laging nasa Art Room tumatambay si Ella. Nag-eenjoy din kasi siya magpinta kasama ng binata.

"Huwag na istorbo lang ako. Nandiyan pa naman si Patty, saka lagi ako nililibre ni LJ." nakangiting sabi ni Marie.

"Nakakahiya naman kay LJ. Ililibre na lang kita mamaya. Para makabawi ako sayo." nakangiting sabi ni Ella kay Marie.

"Nakakahiya kay Lance." birong sabi ni Marie.

"Grabe ka. Okay lang sa akin. Ibibili kita ng mani." natatawang sabi ni Lance kay Marie.

"Sabi mo iyan ha." sabi ni Marie at huminto ito sa paglalakad.

Nagtaka sila Ella at Lance sa ginawang paghinto ni Marie.

'Bakit?" takang tanong ni Ella.

"Sandali lang kukuhanan ko lang kayo ng picture ni Lance. Ang cute niyo kasing tingnan. Biruin niyo bestfriend lang kayo dati tapos naging kayo na." kinikilig na sabi ni Marie at kinuha ito ang cellphone at kinuhanan nga ng picture ang dalawa na stolen shot.

"Ano ba iyan Marie, hindi ka man lang nagbilang." inis na sabi ni Ella nakatingin pa lang siya kay Lance para sana tanungin ito kung okay lang at saktong nakatingin rin sa kanya ang binata nang mag click ang camera ni Marie.

"Stolen shot friend. Mas maganda kaya." kinikilig na sabi ni Marie ipinakita nito sa dalawa ang larawan.

"Nakakahiya. Burahin mo." namumulang sabi ni Ella ng makita ang picture.

"Okay lang iyon babe. Maganda nga." natatawang sabi ni Lance.

"Ipopost ko ito sa facebook at sa twitter ko." kinikilig na sabi ni Marie.

"Grabe ka talaga. Huwag iyan iba na lang. Burahin mo." inis na sabi ni Ella at akmang kukunin nito ang cellphone ni Marie pero nagtago ito sa likod ni Lance.

"Okay lang iyan bhes. Ang cute kaya. Bagay nga kayo ni Lance." natatawang sabi ni Marie.

"Nakakairita." napipikong sabi ni Ella ayaw niya ang naturang larawan masyado nakakailang dahil magkalapit ang mukha nila ni Lance doon.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Where stories live. Discover now