Kabanata 133: Devil's Don't Fly

306 20 10
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


St. Valentine Academy,
Student Council Room

"Pare, sama ka sa Biyernes ng gabi. Lagi ka na lang nandito sa hawla mo." natatawang sabi ni Rod kay Jaycee.

"Alam mo naman hindi ako mahilig pumunta ng bar." naiiling na sabi ni Jaycee, sinama na siya dati sa La Secretos pero hindi na naulit ang pagpunta niya doon. Binigyan pa siya ng mga ito ng VIP card, at hindi naman niya iyon nagagamit kahit libre ang lahat ng iinumin niya sa bar.

"Ngayon lang pare, sumama ka na." sabi ni Ramon kay Jaycee.

"Mambababae lang naman kayo doon." natatawang sabi ni Jaycee.

"Isasama ko si Charlotte kung gusto mo or isasama ni Dennis si Joyce, mamili ka na lang ng kakausapin." birong sabi ni Ramon alam niyang may gusto si Jaycee sa pinsan niya at nagkagusto rin ito sa pinsan ni Dennis.

"Baliw," natatawang sabi ni Jaycee. Iniiwasan nga niya ang dalawang babae, dahil ayaw niya ng komplikasyon sa nararamdaman.

"Kapag hindi ka sumama, guguluhin ko itong opisina mo." birong sabi ni Ramon.

"Huwag ganoon pare. Pag-iisipan ko." natatawang sabi ni Jaycee, minsan ng nagawa ng grupo nito guluhin ang opisina niya. Pumasok siya noon ng makalat ang loob ng kuwarto at nagawa pang sirain ng mga ito ang computer niya dahil hindi lang siya sumama uli sa La Secretos.

"Kami pa pare, tototohanin namin iyon." sabi ni Dennis.

"Sige, pero susunod na lang ako." sabi ni Jaycee.

"Walang iwanan pare. Susunod ka talaga, ha" sabi ni Rod.

"Oo, walang iwanan." natatawang sabi ni Jayce at nag-apir pa ang limang mag-kakaibigan.

......................

ValPark
St. Valentine Academy

"Hi, puwede ba kaming umupo." nakangiting tanong ni Nicole sa grupo ni Ella.

Nagkatinginan sila Marie, Patty, at Ella. nagtataka sila sa kakaibang ugali ngayon ni Nicole, samahan pa na kasama nito si Alyssa, na himalang nilapitan sila.

"Hindi." deretsahang sabi ni Marie.

Nagkatinginan sila Alyssa at Nicole.

"May sasabihin lang kasi kami sa inyo." sabi ni Alyssa. Na pinipigilang maging irritable.

"Kahit huwag niyo ng sabihin." sabi ni Marie, kumakain ito ng mani habang katext si Dennis at nakita iyon ni Nicole.

"Kayo na ni Dennis?" tanong ni Nicole, at napatingin si Marie dito.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Where stories live. Discover now